05

8.5K 35 0
                                    

sorry, napahaba

———————————————

"Anong meron sa Xyro Club?" Wala sa sariling tanong ko kay Altair na busy sa kaniyang laptop.

"That's Jayshie's club. Nothing special."

"It seems it has," bulong ko. "Never mind. Kung mayroon man, wala akong karapatan na malaman pa ang tungkol roon."

Para kas talagng hindi normal na club lang 'yon. Nakpunta na ako roon. Doon pa nga kami unang nagkita ni Altair e. Sa club na 'yon, masasabi mong puro nakakaangat lamang sa buhay ang mga tao roon. Oo, mahal magclub pero iba talaga sa Xyro e. Hindi ko maipaliwanag. Malalaman ko rin iyon dahil aalamin ko.

"Don't let your curiousity to know things out that you're not responsible to know, Lizzysiana." Saway niya sa akin, tila ba nabasa ang nasa isip ko. "Mapapahamak kayo ng pamilya mo."

"Huh? Bakit naman?"

"Basta hindi lang basta club ang Xyro Club, Lizzysiana." Pag-amin niya. "Iyan lamang ang maibibigay kong impormasyon sa iyo. Kapag may nalaman ka pa, mamamatay ka."

"Nakatakot naman... pala." Mahinang usal ko.

"Matakot ka talaga dahil hindi lahat ng ngumingiti sa 'yo ay totoo."

"Ang gulo ng buhay ninyong mapepera." Sabi ko saka umiling-iling.

Kasama ko siya dahil naglinis ako ng bahay niya. Gabi na at katatapos lang namin kumain. Hindi pa ako nagpapauwi sa kaniya dahil kanina pa siya busy sa kaniyang laptop.

Nalipat ang paningin ko kay Altair mula sa t.v ng may tumawag sa laptop niya.

[We have a new project, Solier. Gusto mo bang ikaw na ang gumawa?] Wika ng boses ng lalaki sa laptop niya.

Hindi sumagot si Altair, bagkus ay tumayo siya mula sa inuupuang sofa. Tahimik lang din ang lalaki na kausap niya sa laptop, tila ba nag-uusap lang sila gamit ang mga mata nila. Siguro ang kausa niyang iyon ang nagbibigay sa kaniya ng papatayin niya. Siguro ang lalaki na iyon ang kumikilos para magkaroon siya ng mga impormasyon kahit pa sa mga taong pribado talaga ang pamilya.

"Lizzysiana is here." He answered which made me stop thinking.

Hindi ako nagsalita. Hindi rin nagsalita ang kausap niya hanggang sa tuluyan ng makaakyat sa second floor si Altair.

Nang tuluyan na ngang mawala si Altair ay mas nabore ako. Hindi ko alam kung ano pa bamg pwede kong gawin e natapos ko naman na ang lahat ng dapat linisin.

Nakahiga ako sa sofa ng pumasok sa isip ko ang pintuan malapit sa kusina na nakita ko kanina habang naglilinis. Para iyong pinto papunta sa ilalim. Mayroon siguro siyang underground... Pero anong mayroon doon? Maganda kaya roon? O baka may punich room siya na katulad sa napanood ko noong sex video!

Tinanaw ko muna ang daan papunta sa kwarto ni Altair at ng makitang wala pa rin siya ay dali-dali akong naglakad papunta sa pintuan na sinasabi ko.

Tama nga ako! May underground siya!

Isinara ko pa rin ang pintuang pinasukan pababa sa underground kahit pa alam kong magihing madilim ang paligid. Mabuti't may nakalagay na flashlight sa taas ng ref kanina kaya may magagamit ako rito sa ibaba.

Itinapat ko sa kanang bahagi ko ang flashlight na kaagad namang nagpaawang sa bibig ko ng imbis na painting o picture frames ang nakasabit sa dingding sa itaas na bahagi ng sofa ay iba't-jbang litrato ang naroon. Kasama roon ang picture ni Mayor Bustamante na may nakalagay pang ekis sa mismong litrato. Kulay pula ang ekis na iyon na mukha.ng galing sa pentle pen o sa.. dugo ng tao?!

Xyro Club Series #6: Fucking You, OfficerWhere stories live. Discover now