Chapter 2 (FIRST DAY, FIRST FIGHT)

5 0 0
                                        

I can already hear my alarm clock indicating that it's already 5 in the morning. I was trying to reach to turn it off but I somehow feel out of my bed. Sa laki non, nahulog pa ako. Well thank God I didn't have a nightmare so okay ang gising ko ngayon.

I got up and went to my bathroom to do my usual routine. Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko na ang uniform ko. Nalabhan at naplantsa na yon ni manang kaya naka ready na ngayon.

I looked in front of my whole body mirror inside my walk-in closet and stared at my reflection. Ang ganda at bagay saakin ang uniform nila. I am wearing a skirt above the knee and a white long sleeve, I wear my midnight blue blazer on top, my skirt is a plain midnight blue. There is also a midnight blue necktie and my socks that are below my knee. 

Bumaba na ako at nag eat ng breakfast. Mom's still asleep because she's been handling our business here for a week now. Bakit kasi ang tagal ni dad, miss ko na sya. My mom is in charge of our underground business while my dad is in charge of our legal business. It may not look like it but my mom is the devil that many mafia groups are trying to not get her bad side. Meanwhile my dad is a softie but he  can make my mom calm, and me of course.

Pagtapos ko ay nag pahatid na ako kay kuya Randy sa school.

"You look good ma'am Valerie" he commented.

"Thank you po kuya. by the way kuya Randy, drop me off lang po far away from the gate of our school ha." Tumango na sya doon dahil nasabi ko na rin naman iyon sa kanya kahapon. 

Hindi na sya nag salita at nag focus nalang sa pag drive. 

Tumigil si kuya Randy sa isang parking space. "Thank you po kuya" pagbaba ko ay nagtaka ako dahil sumunod din saakin si kuya Randy.

Nakita nya naman ang expression ko. "Ihahatid na po kita sa room nyo. Saglit lang po." May kinuha syang kung ano sa likod ng kotse. There are two black bags. Why is he bringing that to school?

" Ay kuya wag na po, kung may gagawin po kayo inside the school, just pretend po na hindi mo ako kilala." Pahabol kong sabi sa kanya habang may kinuha sya sa trunk ng kotse.

"Kuya, why do you have that with you?" I know what's inside it. It's full of guns, but why? Bakit dalawa ang dala nya?

"Pinapautos po kasi ni ma'am Vivian na ibigay ito sa class A" hay nako talaga si mom.

Hindi ko nalang sya pinansin at tumuloy na sa pag lalakad. May bigla nalang na bumangga sa akin kaya inis ko syang tiningnan.

"What the hell!? Tumabi ka nga sa dinadaanan!" Sigaw ng lalaki sa mukha ko. In fairness mabango amoy mint hininga nya, pero sino sya para sigawan ako?! No one ever shouted at me before, not even my parents!! at saka daanan naman ito ah, bakit ako tatabi, tanga lang?!

"Makasigaw ka naman akala mo sobrang layo ko! Ikaw na nga itong nakabangga ikaw pa galit! Really?? Ikaw pa talaga? And don't ever curse at me you.... You... you angry bird!!" Totoo namang mukha syang angry bird ehh makapal kilay nya tapos salubong, namumula din sya sa galit.

Mas lalong sumalubong ang kilay nya at akmang lalapitan ako. "What's going on here?" Tanong ng pamilyar na boses.

"Val, what happened? Okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong ni Luca saakin. "O-okay lang ako, nabunggo lang. Sya kase galit agad, kasalanan nya naman" parang batang sumbong ko. Mas lalong tumingin ng masama sa akin yung angry bird na yun.

"Ikaw naman angry bird–– este Ky bakit galit ka agad" pfft angry bird din tawag nya.

"Stop messing around Caleb. Itong babae na ito hindi tumatabi sa daanan. And you, I'm not an angry bird!" Tingnan mo ito sumisigaw parin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 15, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Class A class of elitesWhere stories live. Discover now