"I told him I'll give my answer on the day of our performance. I will let him watch what will happen to Drake too." Mahigpit ang hawak nito sa cell phone; wala sa mga mata nito ang saya. Namayani ang galit at inis na matagal na nitong kinikimkim.

There was an uneasiness running through Xibel's chest, making him tilt his head and think of the following days. He couldn't describe if it was just his anxious thoughts or he really had a bad feeling of what was to come.

"I will watch your performance just in case something goes wrong."

"Okay lang ba sa 'yo?" Napakamot ito sa pisngi. "Actually, I was just about to ask too."

"Yes. I will be fine."

MAHIMBING ang tulog ni Isabella ngunit naudlot ito nang mapansing may mabigat na nakadagan sa kaniyang dibdib. Nahihirapan siyang huminga. Nanunuot din ang lamig sa kaniyang likod. Nakahilata na pala siya sa sahig. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at itutulak na sana ang mabigat na bagay ngunit napatigil siya.

She groaned when it was Imris sleeping on her. Ginawa pa talaga siyang kama. May naglagay ba nito o ito mismo ang dumagan sa kaniya?

Hinayaan niya na lang muna ito dahil ayaw niya namang putulin ang tulog ng bata. Napunta ang tingin niya sa makapal at itim na itim nitong buhok. Hinamplos niya ang ilang hibla nito.

She hated what always comes into her mind the moment she saw Imris' hair. It was too similar to Drake. No matter how she thought of other things, she always ended up recalling those terrible times. What was more was that, she couldn't help but to think of the what ifs.

If her child didn't die, would she be as big as Imris now? Would she had become a good mother?

I doubt it.

Dalisay pa sa isipan niya kung gaano niya ito kinamuhian. Ayaw niyang mag-aruga sa batang hindi niya ginustong dumating. Ayaw niyang magkaroon ng anak na purong pandidiri lang ang mararamdaman niya.

Subalit . . . kung iisipin niya ito ngayon, malaki ang espasyo sa puso niyang nagsisi. Namatay ang bata dahil sa paulit-ulit niyang sinubukang patayin itong no'ng nasa sinapupunan pa lang niya. Isa rin sa dahilan kung bakit hindi niya mabitiwan ang mga araw na iyon sa kaniyang buhay ay dahil hindi niya na maibabalik pa ang buhay na nawala na.

"Mama . . ." Imris whispered in her sleep. Siniksik nito ang mukha sa kaniyang leeg.

Bahagya siyang napangiti. "Grabe ka, Imris. Ano kaya ginawa mo kay Xibel bakit kinupkop ka niya?"

Hindi niya pa rin ito kayang paniwalaan kahit pa sabihing may natira pa sa ugaling kaniyang ibinigay bago pa naging necromancer si Xibel. Siguro nga pinuno lang niya ito ng galit. Pinuno niya lang ang karakter nito sa lahat ng kaniyang mga naranasan.

Hindi sana niya sinulat ng ganoon si Xibel kung hindi lang nagbago ang lahat para sa kaniya.

It wasn't in her mind to make him the villain. He was supposed to be the breathtakingly male lead of the story. He was supposed to be happy with his woman.

But she ruined it for him. Because she was ruined, she ruined him too. She changed the course of the story for she couldn't think of anything else where to put her frustration to. Mababaliw siya kapag 'di niya iyon ginawa. Simula rin no'ng araw na 'yon, nawala na ang sigla niya sa pagsusulat.

I wish I could have acted way better.

If she had reached out from people, would those terrible events be stopped? If she had listen to Jasia's advice, maybe, she wouldn't be suffering now.

Kinuha niya ang cell phone sa bulsa ng kaniyang hood. Binuksan ang app kung saan naroroon ang kaniyang mga sinulat; ang mga tapos ng akda at ang hindi pa--ang Reincarnated Actress.

Napaisip siya sa sinabi ni Xibel kanina. Tamang may naisip na siya, ngunit sa katanuyan, hindi siya sigurado kung tama ba ito para sa kaniya at kay Xibel.

She wanted Xibel dead at the end of the story.

But would that make her feel better? Ending his life could also mean her way of moving on. But seeing Xibel's existence now just held her confused. Hindi siya sasaya kapag iyon ang isusulat niya.

Marami pa siyang gustong ipakita kay Xibel sa nobela, lalo na sa pagitan nila ni Celestialiana. Siya rin ang may kasalanan kung bakit nagkahiwalay ang dalawa.

"Ba't kasi iyon naisip ko?" She groaned while thinking of her impulsive decision years ago. Minsan na ring siyang nainis sa pagiging pantser niya. Although, she found freedom of being a pantser, there was also a bit of frustration every time she comes up with a new idea having a hazy solution.

'Di bale na, makakaisip din naman ako' was what she used to say. However, it was frustrating. It was too frustrating that she wanted to start Reincarnated Actress all over again and rewrite the characters.

She scrolled down through her notifications and until now, many were still reading and finding her stories. She felt bad for making her readers wait for too long. And if she could update, it was only a chapter, not enough to quench them.

She wanted to be as active as before.

Pero ang hirap. Hindi niya na makita ang daan kung saan siya magsisimula ulit.

Napatigil siya sa pag-scroll nang biglang may nagpakitang notipikasyon sa kaniyang screen. Napakurap siya nang makita ang pangalan nito.

It was Drake.

Sa pagkakaalala niya ay matagal an niyang bl-in-ock ang account nito. Gumawa ba ito ng bago?

What is it this time?

Napakagat siya sa kaniyang mga kuko. Bumalik ang mga memoryang araw-araw siyang nakararamdam ng kaba sa tuwing makikita niya ang mensahe ni Drake. Ano na naman kaya ito? Hindi kaya nagalit ito sa kaniyang ginawa at balak na naman siya nitong paikutin?

Mangyayari na naman ba sa kaniya ang sinapit niya dati?

Ayaw niya itong buksan, subalit lalala lang ang nararamdaman niya kung hindi niya papansinin ang mensahe.

Nanginginig niyang pinindot ang pangalan nito. Nanuyo ang kaniyang lalamunan nang makita ang laman.

It was a video of her and Drake.

Why? Why did this video still exists? Didn't he tell me he deleted it already? Did he lie to me? Did he keep it? Was he stil watching it?

The anxiety crept over her heart as she thought of someone was still watching her body naked. After all those years, somebody was still looking under her dresses. What worse was that it was her disgusting ex-boyfriend, the root of these all.

Nalaglag sa kaniyang kamay ang phone habang hindi niya na napigilan ang sariling mapasigaw. 

Virgin Villain (The Villain Series 2)Where stories live. Discover now