VII. Tanikala

85 4 0
                                    

"Pahilumin mga sugat."

~ ⛓️ ~

~ Justin's POV ~

Suddenly, ayaw ni Y/N na kumain sa school canteen kaya linibre niya kami ni Ken sa café. Matagal pa bago ang susunod na klase so we took our time.

"Kenji, kumusta nga pala progress niyo sa canvas?" sabi ni Y/N

"It's going pretty smooth. Hmmm~ nalalanghap ko na ang 100 points ko."

"Yabang mo." sagot ko

"Excuse me, hindi yun pagyayabang. It's confidence."

"Mukha mo."

Natawa nalang si Y/N sa munting bardagulan namin ni Ken. Naalala ko yung pinagusapan namin kagabi.

"Y/N, ano nga pala sasabihin mo kahapon?"

"Uy nagchika pala kayo na wala ako hah."

"Eh kaya nga tinanong ko kasi meron ka."

Tumingin kaming dalawa kay Y/N na para bang kinakabahan.

"A-ah... Yung kagabi? Uhh...Tatanungin ko lang naman sana kung ano..."

"Yung ano? Ang bagal mong magsalita."

"Yawa tumahimik ka nga kasi Ken."

"Kung ano.....Ah! Kung may girlfriend na ba kayong dalawa~ Baka may lovelife na pala kayo ah."

"Lablayp lablayp. Pass ako diyan." sagot ni Ken.

"Anong pass? Ang landi mo kaya." sambit ko sa kanya

"Eh ikaw Jah? Walang lovelife? Kahit ka-talking stage, crushie or what?"

"........wala naman."

Tumawa si Ken nang napansin niyang namula ang mga pisngi ko. Hayup neto buti nalang best friend kita.

"Paanong magkakalovelife si Jah kung may gusto siya sa-"

"OH KENJI MUKHANG NAGUGUTOM KA PA. HETO SUBOAN NA KITA."

Pinutolan ko si Ken bago pa matapos niya ang sasabihin niya. Isubo ko pa sa kanya yung plato eh.

~ Timeskip: Dismissal ~

Nauna na si Ken na umalis kasi may lalakarin daw sila ng lola niya kaya sabay nalang kami ni Y/N na umuwi.

"Asan na nga pala si Liam? Ba't hindi natin kasabay?"

"Maagang umuuwi yun eh. Ewan ko parang may tinatakasan siya eh."

"Oh? Sino naman ang tatakasan niya?"

"Secret nating tatlo ito hah. Actually, sa tingin ko ayaw niyang maabutan si Zeph. Medyo may initan sa pagitan nilang dalawa ni Liam eversince nagkakilala kami eh."

"Ah ganun ba? Eh bakit ka kasi pumili nang ayaw ng kapatid mo."

"Ewan ko din.......ah gusto mo palang samahan ako sa bahay? Magluluto si lola for dinner."

"Oh sige sure!"

Aalis na sana kami nang may huminto kay Y/N. Hays wrong timing Zeph. Tumingin siya kay Y/N at tumingin sakin, paa pataas sa ulo. Aba.

"Ako nalang ang kasama ni Y/N, Jah... Baka may mga gagawin ka pa."

"Love wala naman siyang ga-"

"Wag na tayong mangistorbo love. Kasama mo naman siya buong araw, tayo na."

Napatingin si Y/N sakin.

"Okay lang Y/N. Pwede naman kaming bumisita ni kuya Yani next time eh."

"Salamat Jah....sige see you~"

Bigla nalang siyang hinila ni Zeph kaya kumaway siya.

"Jah? Jah talaga tawag sakin ah. Hindi naman tayo close." mahina kong sinabi.

"Justin? Sinong kausap mo diyan?"

Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita si Ava.

"Mukhang magisa ka lang ngayon ah....Pwede ba kitang sabayan? Sa bagay magkapit-bahay naman tayo eh" dagdag niya

"Magkapit-bahay tayo?"

"Gosh ngayon mo lang alam? Oo! Katapat lang namin yung bahay sa tabi niyo."

"Ahhh"

Wala akong choice eh kaya pumayag nalang ako. It won't hurt rin naman na makipag-usap sa babae.

~ Y/N's POV ~

Nang mawala kami sa paningin ni Jah ay mas agresibo ang reaksyon ni Zeph. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at patuloy akong hinila. Ang sakit. Parang namamanhid na ang kamay ko. Dinala niya ako sa lugar na kaunting tao ang napapadaan.

"Ano ka ba Zeph! Ang sakit!"

Binitawan niya ang kamay ko at humarap sa akin. Ayan galit nanaman siya.

"Ah talaga hah? Dahil lang sa lalaking yan, Zeph na ang tawag mo sakin?"

"Matalik kong kaibigan si Justin, Zeph. Syempre expected na lagi kaming magkasama!"

"Pati naman si Ken ah. Pero hinding-hindi ko kayo nakitang dalawa na ganoon kalapit."

"Hindi naman kasi ganoon si Ken eh. Ayaw niya ng physical touch."

"Lagi ka nalang may rason. Ito yung tandaan mo Y/N. Ako ang boyfriend mo, hindi ang Justin na yan."

"Zeph, nagkakamali ka talaga. KAIBIGAN LANG SIYA. Tigilan mo na nga ang pagkaseloso mo!"

"Ano? Seloso?" sabay tapik sa ulo ko

"Ginagawa ko lang naman ito bilang isang mabuting boyfriend eh." dagdag niya.

"Okay fine, please Zeph tama na. Naghihintay na si lola."

Hinawakan ko ang kamay niya at hihilain sana ngunit tumanggi siya.

"Magpaalam ka nalang kay lola para sa akin. Nawalan ako ng gana."

"Eh paano yu-"

"Bukas na ulit." lumapit siya sa kanang tenga ko.

"Magpakabuti ka kung ayaw mong ipagpalit kita hah?" bulong niya bago siya umalis.

Lumalabo ang paningin ko dahil sa luha na lumalabas sa mga mata ko. I tried my best to hold it back. How could he say those? Girlfriend niya ako tsaka ganun ang mga pinagsasabi niya? Ganito ba talaga ang magmahal? Hindi ba, kapag mahal mo, hindi mo sinasaktan sa anumang paraan? Ang sakit eh. Paulit-ulit, parang tinataga ang dibdib ko. Paulit-ulit, parang nababasag ang puso ko.

Ang hirap mong mahalin Zeph.

~ ⛓️ ~

- End of Chapter 7 -

Author Loi: Wait lang guys. Sandali lang ;}

<< KUWADRO >> | SB19 Justin x Reader | Where stories live. Discover now