II. Namumula

90 8 0
                                    

"Kapag makapiling ka, hindi alam ang gagawin, iiwas ba o titingin?"

~ 🫣 ~

~ Y/N's POV ~

Sa wakas lunchtime na! Hay~ kanina pa ako gutom eh. I'm currently at the canteen ngayon at nakuha ko na yung pagkain ko kaso, hindi ko alam kung saan ako uupo. Hays, walang bakante. Aalis na sana ako pero nakita ko sila Ken at Justin. Agad akong lumapit sa kanila. Hindi naman ata awkward diba? Close na close naman kami noong elementary eh.

"Maaari ba akong makikain sa inyo?"

Nakatitig lang si Ken sakin at pabalik kay Justin. Lumingon si Jah patalikod kase nasa likuran niya ako. Biglang tumahimik silang dalawa.

"Ay, nevermind. Doon nalang ako sa-"

"Hindi na kailangan. Dito ka na samin."

Pinutolan ako si Justin at kumapit siya sa aking braso. Nagulat ako. Napatingin ako sa kamay niya tsaka pabalik sa kanya. Inalis niya agad ang kamay niya nang naranasan niyang hinawakan niya ako.

"Hala sorry Y/N, nakalimutan kong important pala ang personal space para sayo."

Binaba ni Justin ang ulo niya. Naku talaga 'tong lalaking ito. Good boy as always.

"Okay lang Jah, wag kang magalala."

"Umupo ka na dito Y/N, wala ka namang ibang pwedeng puwestohan." sabi ni Ken.

Ay oo. Bakit naman kasi ang sungit nila? Nakinig nalang ako at umupo sa tabi ni Justin.

"Salamat talaga. Kanina pa akong naliligaw."

"We gotchu pre. Kami nalang kasama mo, diba Jah?"

"H-hah?...... Ay oo, sure why not?"

Ngumingiti-ngiti si Ken kay Justin habang iniiwasan naman ni Justin ang mga mata ko.

"Okay ka lang Jah? 'Bat parang pinapawisan ka?"

Linabas ko ang face towel ko at ihahagpis sana sa mukha niya pero kinapit niya nanaman ang kamay ko.

"Ako na Y/N. O-okay lang ako."

"Sure ka? Pumupula rin mukha mo."

"Pramis Y/N. Okay lang talaga ako."

Binigay ko sa kanya ang towel ko at hinagpis niya sa mukha niya.

"Tapos na ako. Mauna muna ako sa classroom. See you guys later."

"Hala pre-"

Dali-daling tumayo si Jah at lininisan ang kanyang pinagkainan. Umalis siya agad. Namulat ang mga mata namin ni Ken. Sinunod ng mga mata namin si Justin hanggang nawala siya sa aming paningin.

"M-may problema ba siya sakin?"

"Hindi hindi~ May tatapusin lang kasi siya."

"Talaga? Parang may galit siya sakin eh. Ang sakit pa ng higpit niya."

"Alam mo kasi pre, nagtrain si Jah ng Krav Maga noong high school kaya instincts niya lang yun HAHAHA."

"Aahh, kaya pala. Eh 'bat ang pula ng mukha niya? Baka may fever siya."

"Hindi, maanghang lang kasi yung kinain niya."

"Sigurado kayo diyan hah, parang may tinatago kayo."

"Pramis pre wala. Tapusin mo na yang kinakain mo, baka mahuli pa tayo sa klase."

~ Justin' s POV ~

Nang mawala ako sa paningin nila Ken at Y/N, binilisan kong bumalik sa school building namin. Lumakad ako patungo sa locker ko upang ihanda ang mga gamit ko para sa susunod na klase. 'Di ko namalayan na hawak hawak ko parin ang towel ni Y/N. Napatitig nanaman ako at uminit nanaman ang mga pisngi ko. Ang lakas talaga ng tama niya sakin. Hindi parin nagbabago.

"Pogi! Ang lalim ng iniisip mo hah."

I snapped out sa mahaba-habang pagkatulala ko nang may sumundot sa balikat ko. Yung magandang babaeng kulot mula sa klase.

"Ay, pasensya po. Parang may nakalimutan lang kasi ako."

"Okie lang~ Ako pala si Ava. Hindi ako nakapag-introduce ng mas maaga."

"Ako si Justin. Nice meeting you po."

"No need to be formal.....malapit nang magtime, tara sabay? Same class rin naman tayo eh."

"Okay lang p- Ava, hihintayin ko nalang mga kaibigan ko."

Ngumiti siya sakin at bumalik sa classroom. Mukha naman siyang mabait at matalino eh. Sinara ko ang locker ko at saktong tumunog na rin ang kampana. Maglalakad sana ako nang biglang tumakbo si Ken lampas sakin.

"Ang bagal mo Jah, dalian mo!" sigaw niya bago niya binilasan ang pagtakbo niya.

"Jah! Ma la-late na tayo!"

Lilingon sana ako sa likod ngunit hinawakan ni Y/N ang kanang kamay ko at hinila ako habang tumatakbo. Parang bumagal ang lahat sa paningin ko. Nasa kanya ang buong atensyon ko.

~ 🫣 ~

- End of Chapter 2 -

Author Loi: This is giving me butterflies in my stomach AHWKDHKSDN

<< KUWADRO >> | SB19 Justin x Reader | Where stories live. Discover now