III. Kirot

75 6 1
                                    

"Kung ako nalang sana ang 'yong minahal. "

~ 💔 ~

~ Ken' s POV ~

Hay~ Salamat Lord, nakarating na ako sa classroom. Saktong-saktong pumasok si Maam sa classroom. Hala lagot......wala pa sila Y/N at Jah. Pagkatapos naming mag-greet ng "Good afternoon" tapos nakarating na rin silang dalawa.

"Naku Ms. L/N ikalawang late mo na 'to. Dinamay mo pa si Mr. De Dios."

"Pasensya na po maam, natagalan po kasi kami sa canteen."

Napadpad ang mga mata ko sa kamay ni Y/N at napansin na hawak niya yung kamay ni Jah. Tinakpan ko yung mukha ko gamit yung kuwaderno ko. Grabe, hindi ko mapigilan tawa ko.

"Sabay kayong kumain?"

"H-hah? Ah! Hindi po."

"Hay sige, umupo na kayong dalawa."

"Salamat po maam."

Binitawan ni Y/N si Jah at naglakad sila patungo sa kanilang upuan. Nang umupo si Jah sa tabi ko, napansin kong pula nanaman ang mukha niya. Pagdating talaga kay Y/N, ang hina ng lalaking 'to eh kapag sa iba sobrang hard-to-get. May ibubulong sana ako sa kanya pero hinawakan niya ng napakahigpit ang kamay ko. Mahina akong tumawa.

"Jah niyo mahina." bulong ko.

Mas lalo niya pang hinigpitan ang hawak niya.

"Sige, maya ka sakin."

Binitawan niya ang kamay ko tsaka ako ngumiti sa kanya. Gusto ko pang asarin pero 'wag na. Baka talagang papatayin niya ako.

~ Timeskip: Dismissal ~
~ Author's POV ~

Nakatayo si Justin sa exit ng paaralan habang hinihintay si Ken at Y/N. Napalingon siya ng may tumawag sa pangalan niya. Nakita niya si Ava na lumalakad patungo sa kanya.

"Uy Justin! May lalakarin ka ba ngayon?"

"Wala naman, uuwi na sana ako eh."

"Ooh~ saan ka dadaan? Pwedeng sabay tayo?"

"Ah, pasensya na Ava, hinihintay ko pa kasi mga kaibigan ko."

"Oww okie. Sige goodbye!"

Kumaway si Justin kay Ava. Nagulat si Justin nang biglang tinakot siya ni Ken.

"Ang dami mo nang atraso sakin ah! Papatayin talaga kita!"

"Uy sorry na~ hindi mo yun pwedeng gawin dahil mawawalan ng ama si Kuro."

"Okay lang, aampunin ko siya para magsama sila ni Saoirse."

"Uwi nga nalang tayo. Baka aabot tayo dito bukas kapag mag-aaway pa tayo."

Unang naglakad si Ken patungo sa gate ngunit huminto siya nang naranasan niyang hindi sumunod si Justin.

"Oh ano? Tara na!"

"Wait lang kasi."

"..........hinihintay si crush?"

"Shh! Tahimik!"

"Jah! Kenji!"

Napatingin ang dalawa sa direksyon ng babaeng tumatakbo patungo sa kanila. Huminto siya sa harap ni Justin.

"Uy bad, hindi kayo makapaghintay!"

"Anong bad? Hinihintay ka nga ni Jah eh."

Tumingin si Y/N kay Justin na parang may gustong sabihin.

"Pinapaalala mo'ko Jah, pumupula ka nanaman. Okay ka lang ba talaga?"

"Oo okay lang ako promise......ah heto pala yung panyo mo. Salamat pala."

"Anytime! Oh tara sabay na tay-"

Naputolan si Y/N nang may humawak sa kamay niya.

"Babe! Nang diyan kalang pala."

Tumingin ang lalaki kay Justin at kay Ken na lumapit sa kanyang kaibigan.

"Babe, who are they?"

"Ah, sila sina Justin at Ken. Mga best friends ko back at elementary......Jah, Kenji, this is Zeph, my boyfriend."

"May boyfriend ka na pala? Ikaw ah, 'di mo kinuwento samin." sabi ni Ken.

Tumahimik bigla si Justin, hindi niya kayang tumingin sa mga mata ni Y/N at kay Zeph.

"Hala next time nalang guys, lilibre ko kayo.

"Sabi mo yan ah, walang bawian."

"Kahit kailan hindi ako nagsinungaling sa inyo ni Jah......oh sige, mauna na kami. See you tomorrow!"

Naglakad sina Y/N at Zeph paalis sa paaralan at naiwan ang dalawa. Hindi alam ni Ken ang sasabihin niya sa kanyang kaibigan.

".........oks ka lang pre?"

"Syempre naman! Bakit naman ako hindi magiging okay?"

"Hoy wala kang matatago sakin Jah."

"Kaibigan naman natin siya ah. Hindi ba dapat masaya ako para sa kanya?"

Tumahimik si Justin bigla.

"Sige na nga, OO! ANG SAKIT EH!"

"Mhmm wawa naman ang aking baby Jah. Oh sige libre ko ice cream. Kalimutan na natin ang nangyari ngayon."

"Ikaw lahat ang magbabayad ah. Hindi kakasya ang isang gallon para sakin."

"Sigeeeee kahit ubusin mo pa ice cream nila doon."

Umalis narin ang magkaibigan sa paaralan at nagtungo sa convenience store. Aba oo. Sisimutin ni Justin ang lahat ng stock nilang Ice Cream, walang duda.

~ 💔 ~

- End of Chapter 3 -

Author Loi: Mas mabuting magoverload sa Ice Cream kaysa sa alak.

<< KUWADRO >> | SB19 Justin x Reader | Where stories live. Discover now