V. Gunita

64 4 0
                                    

"Aking pangako, na ang pag-ibig ko'y laging sayo."

~ 🐼 ~

~ Y/N's POV ~

Kasama ko si Kaori, ang persian cat ko na nakahiga sa kama. Ang bilis talaga lumipas ang araw, sabado na pala ngayon? Buti natapos ko na yung mga requirements for this week kaya wala na akong kailangang ipasa sa school ngayon. Napagisipan kong yayain si Zeph na mamasyal sa park kaya nagmessage ako sa kanya.

- On chat -
~ Zephiiee <3 ~

Love, pasyal tayo maya! ^o^

Busy ako ngayon babe
Next time nalang

Ow anong gagawin mo?

Basta. May tatapusin pa ako

Okaiii. Don't pressure yourself hah
Love you Zephie <3

*seen*

- End of chat -

Aray hah. Hindi ko alam kung bakit siya biglang nagbago. When we started dating, napakasweet and kind niya...pero as months pass by, Zeph became possessive and somehow abusive. Natuklasan ko ang biyolente at seloso niyang ugali pero hindi ko alam kung bakit hindi ko pa iniwan. Tumayo ako at humarap sa salamin habang pinagmamasadan ang pasa sa leeg ko. Napangiwi ako sa sakit nang sinubukan ko siyang hawakan.

"Ang sakit pero buti hindi ka lumala."

Nag-apply ako ng ice sa pasa gaya ng dati. Gaya ng dati? Syempre. Hindi ito yung first time. I gave out a deep breathe.

"Papa God, bakit ba kasi ang hirap umiwas sa kanya? Dahil ba sa mahal ko siya o sadyang binubulag ko lang ang sarili ko?"

~ Justin's POV ~

Kasama ko si Ken sa kuwarto ko na naglalaro ng videogames. Wala na rin kasi kaming gagawin ngayon kaya bumisita siya sa amin.

"AAHAAA! TALO KA ULET!"

"Edi ikaw na yung magaling."

Tumayo ako at kumuha ng tubig sa baba habang hinayaan ko si Ken na naliligayahan sa pagkapanalo niya. Nang bumalik ako, nakita ko si Ken na may hinahawakang isang lumang kahon.

"Jah ano 'to? Elementary memories?"

Lumapit ako sa kanya habang binubuksan niya ang kahon. Namulat ang mga mata ni Ken nang makita niya ang nasa loob.

"Uy! Meron pala sayo lahat nang ito?"

"Hindi ko kayang ipa-uwi sayo tsaka umalis na rin kasi dila Y/N dito kaya tinago ko nalang."

Patuloy naming sinuri ni Ken ang laman ng kahon. Nilalaman ng kahon ang lahat ng mga bagay at mga larawan mula sa aming elementarya.

"Ang cute natin dito oh." sabi ko at pinakita sa kanya ang larawan naming tatlo nila Y/N noong first day of classes ng grade 1.

"Pero mas cute kayo dito." pinakita ni Ken ang larawan namin ni Y/N na magkasamang kumakain.

"Syempre. Dalawang cutie sa isang photo."

"Naku Mr. Confident ka ulit pero tanggal angas kapag meron si Y/N ."

"Ewan ko sayo. Magpasalamat ka, wala ako sa mood na manakit ng tao."

Napahinto ako nang may kumuha sa atensyon ko. Isang panda bear na plushie. Agad ko siyang kinuha at inalis ang alikabok.

"Kay Y/N yan ah! 'Di ba regalo mo yan sakanya noong 10th birthday niya?"

"Oo......ang dami kong naalalang memories dito."

"Eh bakit meron pala sayo?"

"Ikaw talaga, hindi mo naaalala? Iniwan niya ito sakin noong umalis sila bilang paalala natin sa kanya."

~ Flashback: Grade 6 ~
~ Author's POV ~

Naka graduate na rin sina Ken, Justin at Y/N ng elementary. Katatapos lang ng program at magkasama sila Ken at Justin sa labas ng hall. Nagpaalam silang dalawa sa mga magulang nila upang hintayin si Y/N. Ilang saglit ay nakarating na rin siya at binigyan silang dalawa ng malaking yakap.

"Congratulations mga besties ko!"

"Congrats din Y/N!" sabi ni Justin.

"Wala na tayong masyadong time kasi nagmamadali kami."

"Nagmamadali? Bakit naman?" tanong ni Ken.

"Jah, Kenji......pupunta kami ng Hongkong."

"Magbabakasyon kayi dun? Uy hindi ka mo kami sinama ni Ken ah."

"Hindi.....doon kami titira for the mean time."

Tumahimik bigla ang dalawang lalaki.

"May kailangan maasikaso daw doon sabi ni Daddy. Ilang beses ko nang kinumbinsi sa kanya na maiiwan nalang kami ni Liam kay lola pero ayaw niya."

"Ibig sabihin, papasok kami ng high school ni Ken na wala ka? Y/N bakit ngayon mo lang sinabi?" sagot ni Justin habang tumutubig na ang mga mata niya.

Yinakap sila ni Y/N nang magsimula rin siyang lumuha.

"Im sorry talaga besties pero wala na kaming magagawa."

"It's okay Y/N, kakayanin namin ni Jah kasi kahit kung wala ka na, you'll still be our prinsesa."

Binitawan sila ni Y/N at may linabas sa bag niya. Ang minamahal niyang Panda bear plushie.

"Promise niyo, aalagaan niyo si Ayla para sakin hah?"

"Basta alagain mo rin si Kaori para sakin."

"I promise Kenji, dont worry."

Yinakap niya muli si Ken at binigyan si Y/N ng high-five. Lumapit siya kay Justin at binigay sa kanya ang plushie. Yinakap niya rin si Justin ngunit may binulong siya.

"I love you Jah."

Bumitaw siya at nagsabi ng 'Paalam' bago siya daling umalis.

~ End of flashback ~

~ 🐼 ~

- End of Chapter 5 -

Author Loi: Hala humaba yung chapter pero sana nagustuhan niyo :}

&lt;&lt; KUWADRO &gt;&gt; | SB19 Justin x Reader | Where stories live. Discover now