I stopped walking when I saw the woman who shines brighter than the stars.

Bella crouched down to feed one of the cats in the university. She pet its head and gave it bread. Kasama niya ang dalawa niyang kaibigan na nag uusap habang hinihintay siya sa ginagawa.

Ngumiti ako. Kay gandang walang katulad.

Binatukan ako ni Seanna. Tangina. Panira.

"The audacity to talk about being delusional when you look like that now! Tara na! Late na tayo, Benj!" Seanna dragged me away from the woman who consumed my soul.

Nang nakarating kami sa room, nandoon na sila Galen na nakatipon sa isang sulok. They're one block section and I'm one year ahead of them. Nag extend lang ang school years ko dahil athlete. Pero kahit ganon, hindi ako nahirapan pakisamahan sila.

Nakaupo ako noon sa isang bench at pinapahinga ang injury sa kanang paa. Kanina pa kasi ako naglalakad. Nakita ko sila Galen, Brielle, at Kai na pagala gala sa lobby ng main building. May dala dala silang papel kaya inisip kong mga freshmen sila.

"Uy, may kuya sa tabi...Baka alam niya..." Rinig ko ang isang boses ng lalaki. Tumingin ako sa kanila at nakatingin din sila sa akin.

Ang tagal namin mag titigan na parang mga ewan. They look like they forgot what they came for! The dead air makes it more awkward.

Nainis na ako dahil sa pagiging tahimik nila. "Ano problema niyo?"

"Gago...Baka manapak...Tara na nga." Pagyaya ng isang lalaki sa katabi niyang babae na kamukha niya. I assumed they're twins.

Tumikhim ang isang lalaki at pinakita ang papel. It's an invitation for the freshmen's general assembly in the theater.

"Magandang umaga. Itatanong lang sana namin kung saan makikita ang theater? Kanina pa kasi kami umiikot at hindi namin mahanap." The guy formally said.

Parang mga pusa ang magkambal na nag aabang sa sagot ko sa isang tabi.

"Dumiretso kayo diyan sa hallway tapos kanan. Pagka kanan, diretso ulit lakad tapos kaliwa naman. May makikita kayong signage ng theater. Maraming pintuan ang theater pero mas mabuti kung doon kayo pumasok." Sabi ko sa kanila habang tinuturo kung saan sila dadaan. Tango nang tango ang tatlo.

"Ah, sige. Salamat, pre!" The other guy chuckled nervously. I nodded and watched them walk away.

But I was surprised when I became their classmate in most of their classes. We all have the same college program. That sparked our friendship I never thought I needed.

Naging close namin si Coma dahil natapunan siya ni Brielle ng tubig. That's the start of their romance.

Close lang kami ni Lester dahil playmate ko siya at puro basketball lang ang pinag uusapan namin. Ganun din ang isa naming kaklase na si Yuan, nakakausap lang tuwing may klase. Pero hindi sa lahat ng subject ay nandoon siya.

Pero ang pagkakaibigan namin nila Galen at Kai, kasama sila Brielle at Coma, ay parang pare pareho kami ng pinanggalingan. Kumportable akong makipag usap sa kanila at naiintindihan nila ang pagiging tahimik at ilap ko sa tao.

"Gagi, akala ko masamang tao ka. Bait mo pala." Galen said to me one time when we were eating out.

I nodded at him and continued eating my ramen. Nakakatamad magsalita.

Coma laughed after he wiped Brielle's mouth with his handkerchief. "Naalala ko na natakot ka kay Ryder dahil mas matangkad sayo tapos napasigaw ka pa ng 'Gago, lumayo ka!' noong tumayo sa harap mo!"

I chuckled. Kai laughed. Brielle bursted into laughter because of her brother.

"Nakakahiya ka talaga, kuya!"

P.S Always and ForeverWhere stories live. Discover now