(P.2) Masamang panaginip (JAM - PACKED UPDATE)

3.2K 89 10
                                    

Pero hinabol siya ni Glaiza. Hanggang sa may rumaragasang truck na dumaan. Bigla namang nagkumpulan ang mga tao sa harapan ng truck dahil may nakahandusay na babaeng duguan. Dahil nagulat si Rhian, naisipan niyang bumalik. Tila'y kinakabahan siya dahil hindi na niya nakita si Glaiza na nakasunod sa kanya. Pagkarating niya sa nagkukumpulan ng tao ay dali-dali siyang sumilip. Nang makita niya ang nakahandusay na katawan ay bigla siyang lumapit dito at umiyak ng umiyak habang hawak ang kamay nito.

 

"NO. YOU CAN'T LEAVE ME. NOOOOOO!!!!!"

 

x—————————————————x












"HEY! WAKE UP!!"Habang niyuyug-yug niya ito.


"Rhi! Gising."Habang niyuyug-yug pa rin ni Glaiza si Rhian.







Biglang bumangon si Rhian na umiiyak. Hinawakan niya ang mukha ni Glaiza at niyakap niya na lang ito bigla.







"A-akala ko n-nawala ka na sakin."Sabi naman ni Rhian habang umiiyak pa rin.





Naguluhan naman si Glaiza sa sinabi ni Rhian. Sa halip, niyakap nalang niya to pabalik at binulungan nalang ito pabalik.





"Hindi ako mawawala sayo."





Pagkatapos ng napakadramang yakapan ay pinagshower na ni Glaiza si Rhian. Siya nalang kasi ang hinihintay nito. Magaalas dose na rin ng tanghali at kailangan na nilang mag-lunch. Pagkatapos maligo ni Rhian ay nagbihis na siya ng simpleng t-shirt at jeans. Ganun din ang suot ni Chynna







"So let's go?"Tanong ni Glaiza kay Rhian.

The way you look at me (RaStro x JaThea)Where stories live. Discover now