Z.Z CHAPTER 5 🟦

24 1 0
                                    

Warning 🔞: Read at you own risk!

Ang kabanatang ito ay RATED SPG striktong patnubay at gabay ng mata ang kailangan dahil may maseselang jugjugan, plokplokan, ungolan, kalmutan, laspagan at bukahan na hindi angkop sa mga mambabasa.

"BAKIT LIMANG sasakyan ang binili ni Miss December sa'yo at bakit ikaw ang gusto niyang maghatid rito?" Hindi niya mapigilang tanong kay Zheorem na ngayo'y nagmamaneho sa car carrier trailer truck na sinasakyan nila.

Mabilis na nagnakaw ng tingin si Zheorem sa kaniya bago sumagot. "Wala siyang tiwala pag-iba ang naghahatid, atsaka ang mga sasakyang 'yan ay ibibigay niya sa mga kambal niya bilang regalo."

Lumapat ang isang ngiti sa labi niya. "Ang unique ng mga pangalan nila, 'no? Galing talaga sa mga buwan; August, September, October, November, December." Naalala niya kanina ang ginawa niya. "Sinearch ko kanina si Sir August, siya lang pala lalaki sa kanila tapos sobrang sikat niya pala sa larangan ng pagsusulat ng mga libro."

"You better not, Aespa…" Matinis na tugon nito. "He's gay." Humigpit ang kapit ni Zheorem sa manibela.

"So what? Atleast gwapo siya sa paningin ko."

Zheorem scoffed. "Ang salitang gwapo ay nababagay lang sa kagaya kong nilalang."

Bumwelo siya ng tawa. Sinubukan niyang pigilan ngunit humagalpak pa rin siya. "Ang hangin mo, Sir Zheorem." She clutches her stomach.

Simangot na tumingin ito sa kaniya. "Bakit mas gwapo ba siya keysa sa akin?"

Nahinto siya at napaisip. "No… I can say na mas gwapo ka talaga sir pero iba lang ang tindig ni Sir August sa tingin ko."

Ngingiti na sana si Zheorem nang marinig na mas gwapo siya pero umurong rin 'yon. "Ako lang dapat ang gwapo sa paningin mo, Aespa."

Naghuramentado bigla ang sistema niya sa sinabi ni Zheorem. Napakapit siya sandali sa palda bago napaiwas ng tingin sa labas. "Oo na, ikaw na gwapo." She can feel her heart pounding crazily.

What's happening to me?

Iniba niya na lang ang usapan para mapakalma ang sarili. "By the way, gusto ko nga pala magpasalamat ulit sa pusa. Sobrang sweet ni Zhego, palagi siyang natutulog sa dibdib ko." Napapangiti siya sa tuwing sumasampa si Zhego sa kaniya para lang matulog.

"Pwedeng patulog rin sa dibdib mo?"

Naputol ang isip niya, hindi niya klaro ang sinabi ni Zheorem. "Huh?"

"Huh? Wala. I'm thankful that you accepted the cat."

"Hindi ko inakala na bibilhin mo talaga ang pusa para sa akin."

May binulong si Zheorem ngunit hindi niya masyadong narinig. "Hindi ko rin inakala na bibilhin ko 'yon para sa'yo."

Nang marating nila ang destinasyon nila ay muntikang nahulog ang panga niya. Nalulula siya sa laki ng bahay na nakikita niya. It was a gray-colored mansion in front of her.

"Bahay nila 'yang lima?"

"Yes," Zheorem answered. "They lived under the same roof since ayaw rin nilang hindi tumira sa isang bubong. Those quintuplets are so inseparable kahit hindi nagkakasundo kung minsan."

Bumababa na siya trailer at tumungo sa gate ng mansion. Nag-doorbell siya roon. Hindi nagtagal ay may isang lumabas na isang matangkad na lalaki.

Bigla siyang tinubuan ng hiya matapos mamukhaan kung sino 'yon.

"Good morning. How can I help you?" August put a smile on his face after he opened the gate.

"A-Ahm… k-kasi…" Magsasalita pa sana siya pero biglang umakbay si Zheorem sa kaniya at inilayo siya sa posisyon niya.

XXL VILLAGE SERIES #2: Zheorem Z'Montemayor (+18)Where stories live. Discover now