Kabanata 1 ( Balance )

42 4 0
                                    

Kabanata 1.

DISERYS.

Pagising ko wala na akong may anong nararamdaman sakit sa buong katawan ko.

Ito palagi ang laking katanungan ko sa sarili kong bakit kay bilis maghilum ng aking mga sukat.

"Diserys!!" sigaw ng Dama mula sa ibaba. Mabilis namana akong bumaba alam kong may ipaguutos nanaman ito sa akin.

"Pakainin mo ang mga baboy" utos nito.

"At pagkatapos kunin mo ang mga ligaw na damo sa likuran" dugtong pa nito. Napatango nalamang ako bilang sagot. Hindi pwedeng magreklamo sapagkat sa oras na magreklamo ako'y tiyak gugutumin ng Dama.

Si Dama Silla ang tagapamahala sa bahay ampunan, gusto ko naman umalis sa lugar na ito ngunit hindi ko maiwan-iwan si Nanay Elna siya lamang ang mabait sa akin at tinuring kong ina rito sa ampunan.

Tanghali ng matapos ko na ang pinapagawa ng Dama. Nagugutom ay pinilit ko nalamang tapusin ito at panibagong trabaho nanaman ang ipapagawa nito sa akin mamaya.

"Yan kasi ang tanga mo!!" rinig kong sigaw ng Dama galing sa loob.

Tiningnan ko naman kung sino yung pinapagalitan niya. Laking gulat ko naman nang makitang nakaluhod si Inay Elna sa sahig. Akmang papaluin sana ng kahoy si Inay ng kumaripas ako ng takbo para sanggain ito.

Tumama ang matigas na kahoy sa buko kung likod.

"Diserys!!" alalang sambit ni Inay Elna habang tiniis ang naramdaman kirot at sakit.

"Yan ang mapapala ang mga palamunin" insultong sambit ng Dama at akmang papaluin nanaman sana niya kami ng hawak nitong kahoy nang biglang hindi maigalaw ng Dama ang kamay na naestatwa sa ere.

"Hindi ba Ninyo papapasukin ang bisita Ninyo?" lahat ay napatingin sa pintuan ng makita namin ang isang babae. Nakasuot ito ng itim na roba at nakagloves na kulay itim rin.

sa ta!cha koy nasa edad kwarenta paitaas na ito. Hindi namin inaasahang panauhin ngayon. Ang pinagtataka ko kung bakit Nakataas ang hintuturo nito sa ere at seryoso nakatitig sa amin.

Sa akin?. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba habang nakatitig sa kanyang kulay itim na mga mata. Para bang binabasa nito ang buong pagkatao ko.

"LADY OLIVIAH!!" Sabay-sabay nilang sambit at napayuko ng bahagya upang magbigay galang.

Nang ibinaba ng babae ang kanyang kamay doon nalamang naigalaw ng Dama ang kanyang kamay. Tyaka napayuko at bumati sa babae.

"Ano po ang nai--s naming maipagl--ingkod sa inyo?" kinakabahang wika ng Dama. Naglakad ang babae palapit sa amin at umupo doon sa bakanteng silya.

Tapos may inilabas na malaking supot, inilagay sa ibabaw ng mesa. Narinig ko kung paano tumagsing ang loob nito at kung hindi ako nagkakamali puno ito ng mga gintong barya.

"Pa—para po saan iyan Lady Oliviah? May aamp--unin nanaman ba kayo?" kinakabahang tanong ng Dama.

"Oo" mabilisang sagit nung babae.

"Sige po ipapatawag ko po ang mga bata ngayon din!" aniya ng Dama ngunit pinigilan siya ng Babae.

"Hindi na kailangan, dahil nakita ko na siya" sabay turo sa akin.

"Siya po?" naguguluhang sambit ng Dama at napatango nalamang ang babae.

Napatayo na ito sa kanyang kinauupuan na parang walang ganang patagalin ang usapan sabay tingin sa akin at sinabing.

"Bibigyan kita ng sampung minuto bago magimpake, aalis na tayo sa ayaw at gusto mo!. Paki bilisan napakahalaga ang oras ko". Maawtoridad na wika nito sabay lakad ng mabilis palabas ng bahay.

The Games of MagicWo Geschichten leben. Entdecke jetzt