"PAGTANGGAP" (part 15)

1 0 0
                                    

Binisita ng katahimikan
Takip silim sa liwanag ng buwan
Bahagyang matunghayan ko
Ang kalungkutan at kabalisahan

Tunog ng orasan ay nadatnan
Sa tiyempo ng paghinga'y nananahan
Kaba at takot ay naramdaman
Sa ‘di alam na kadahilanan

Nangangamba't natutulala
Magdamag luha ang napala
Tanging hikbi at pangungulila
Sa maghapong pagod ang nadama

Kilala ako sa madla na pala—ngiti at masaya
Kung umasta'y wari bang walang problemang iniinda
Ngunit sa harap na lamang ba nila ito makikita?
Hindi ang pagluluksa sa likod ng maamo kong mukha—
at mapupungay kong mga mata

Gayong  nanlupaypay, nanghihina
Nawalan na ng pag-asa at tiwala
Pilit na ngiti lamang ang nagawa
Sa mga panahong ako'y parang—
Dahon na kalaunan ay malalanta't matutuyo
Mga panaghoy di ko hininto

Sa oras na kaylangan kita
Dininig ang pagtawag mula rito sa ibaba
Tunay ngang malawak ang iyong awa
Kakulangan ko'y pinuno ng iyong habag at biyaya

Sinalubong mo ako ng mainit na pagyakap—
At pagtanggap
Ngayon ako naman ang magbabalik ng papuri't— pasasalamat
Sa pagmamahal mong wagas at tapat
Kailanma'y Ikaw ay sapat

_Jbinibini_
Ps: PHOTO ARE NOT MINE
Credits to the rightful owner of the photo

SHE WRITES TO SPEAKWhere stories live. Discover now