"PAGHIHINTAY SA KANYANG REPLY " ( part 8)

4 0 0
                                    

Rqstd by: Shellamae Belanggoy Arcas

Isang magandang ngiti ang gumuhit sa aking mukha
Nang ang pagbati ko sa kanya'y aking naipadala
"hi" "kamusta? ito ang aking pangunguna
Sa kanyang reply nananabik ang aking mga mata

Paglipas ng Oras diko na namamalayan
Aking paghihintay inabot na pala ng gabing tuluyan
Hindi kaya madilim ang kanyang paningin?
Ang matamis Kong pagbati hindi niya ba napansin?

Sapagkat ang mga katanungan ito'y kusang aking isip ang nagbibigay kasagutan
Mga kasagutang kung magkatotoo'y ako lamang ang masasaktan

Ninais Kong dugtungan ang aking naunang mensahe
Sa pagnanasang makikita na niya ito sa huli
Nguni't sa simple kong "hi" at kamusta'y di niya pinansin,
Wala ring saysay daan-dang mensahe man ang aking iparating

Huli man ang kanyang "hello" at "okay lang"
Maghihintay parin ako't mag-aabang
Hindi niya man mapansin ang aking pagbati
Nandito parin ako
Naghihintay, nagbabaka-sakali

GinoongPj ✍️
Ps: PHOTO NOT MINE
Credits to the rightful owner of the photo.

SHE WRITES TO SPEAKWo Geschichten leben. Entdecke jetzt