"PAGBITAW" (part 11)

3 0 0
                                    

Tagu-taguan maliwanag ang buwan,

Katulad ng bituin taglay mo ang ningning

sa'king mga mata ay may namumuong—

pagtingin.

Liwanag sa kalangitan ay aking nagustuhan

Pagka't ang iyong kagandahan ay muli kong—

nasilayan.

Wala sa harap,

Wala sa likod,

Kundi nasa aking Puso nakaukit ang

pangalan mo.

Bakas sa akin ang iyong larawang iniwan,

Ang pabaon mong ngiti ay nagdulot ng

wagas na— kasiyahan.

Pagkabilang ng tatlo,

Ako ay naririto

Nagbabasakaling makita ka kahit sa isang

saglit

Isa,

Hahakbang ako papalapit sa'yo

at handa na'kong harapin ang mga takot ko

para lang sa'yo

Dalawa,

Walang pag-aalinlangan na ikaw ang pinili

alam kong sa bawat sandali hindi kita

mawaglit sa'king isip.

Tatlo,

Marahan akong tatakbo

nakatitig lamang sa mga mata mo

na may ibat-ibang anggulo

Apat,

Magkahawak ang kamay

Sabay nating tatahakin ang rurok ng

Tagumpay

Lima,

Tuluyan kang bumitaw sa pagkakapit sa

Bisig ko, na wari bang nagmistulang

pasmado ang mga kamay ko.

Anim,

Alam Kong totoo ang aking pagtingin

Pero para sa'yo balewala lang ito

Pito,

Naghihintay ako sa sagot na sasabihin mo

At sinagot mo ito ng tapos na tayo

Walo,

Masakit pero kailangan Kong tanggapin

Na hanggang dito na lang ang nasimulan

nating kwento

Siyam,

Muli tayong dalawa ay namaalam

Bakas sa iyong Mukha ang saya

Sapagkat Malaya ka na

Sampu,

Pero ako iniwan mong wasak at luhaan

Parang Tanga sa kawalan

Naghihintay na muling balikan

Na baka magbago pa ang desisyon mo

Ngunit malabo ng mangyari ‘to

Nagpatuloy ka parin sa iyong pag-alis

Samantalang ako nakatulala sa kawalan

Kasabay ng pagpatak ng luha

Ang siya namang pagbuhos ng— ulan

Tanging ngiti na lang Ang aking nagawa

Sa sinapit kong pagluluksa

At sa paglipas ng panahon

Ay makakalimutan din kita

Muli, paalam sa ating dalawa.

JBinibini ✍️
Ps: PHOTO NOT MINE
Credits to rightful owner of the photo

SHE WRITES TO SPEAKWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu