"SA PAGSAPIT NG HATING GABI" (part 10)

4 0 0
                                    

Heto na naman tayo sa pagsapit ng hating-gabi.
Animo'y naghahanap ka ng taong hahalili sa iyong tabi,
Sa pag-aasam na matagpuan ito,
Tanging ang pagkabigo ang naghatid sa'yo sa dulo.

Ngayon matulin mong pinasok ang kwarto, at doon nagsimulang humibik ng sagrado,
Sa pagnanasang makatagpo ng sandalan, ay nasumpungan mo ang mga bagay na magpapahalaga sa'yo.

Ang "unan."
~
Na handang magpayakap sa di makayanang paghihirap,
Kahit basain mo man ng iyong mga luha,
Walang reklamong pupuna kundi mananatiling -tahimik banda.

Ang "kumot."
~
Na magtatalukbong para sa nababalot mong lungkot at takot,
Kahit ilang beses mo pang pagtaguan, makakasumpong ka ng -tunay na kapayapaan.

Ang "orasan."
~
Na magpapa-alala sa'yo kung gaano kaimportante ang bawat mga numero,
sa pagtapat ng kamay panturo,
Kahit nakalipas na ang pangyayari magiging sariwa parin ito -gaya ng dati.

Higit sa lahat hindi lamang ang mga bagay na ito ang magiging sandigan mo,

Kundi ang "Diyos."
~
Na palaging nakamasid sa'yo,
araw man o gabi ang pag-iingat Niya'y
-namamalagi.

Isang tawag mo lamang walang pag-agam-agam na sasagutin ang iyong mga hiling,
na ang lahat ng ito'y kanya nang -dinirinig at tutugunin.

Isa, dalawa, tatlo higit pa rito ang pagmamahal na pinabatid Mo. Nasumpungan mo ang puso kong pagod at naghihingalo,
Na ang pag-asang matamo,
Ang 'pag-ibig' Mong -hindi magbabago.

Pag-ibig na di kagaya ng mundo
Na mapaglaro at mapagbiro

JBinibini ✍️

SHE WRITES TO SPEAKOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz