CHAPTER 5

8 0 0
                                    

MAGO'S POV

Panibagong mga katanungan ang bumalot sa isipan ko. Baka sa kanya nanggagaling yung amoy? Binabae pala 'to? Kailan pa tinamad si Jace mag-drive? Nangangailangan ba 'to ng extra income kaya pinasok ang pagiging driver?

Kita kong mamahalin ang suot nitong all-black suit na kumikinang pa na akala mo'y aattend ng hearing, pero pasado na sa pagiging driver. Driver ng limo.

I was the one who break the deafening silence surrounded us.

"Ryo? Anong ginagawa mo dito sa kotse ni Jace?" takhang tanong ko kay Ryo.

Mabilis na umarko ang isang kilay ni Ryo sa tanong ko. "Jace?"

"Jace Selvestre. Hindi mo kilala?" tanong ko uli.

"I do know him... But what should I care about his car?" angil niya at humalukipkip.

"Nasa loob ka ng sasakyan niya tapos tinatanong mo kung bakit ka dapat may paki? Papasok-pasok ka bilang driver tapos 'di mo alam kung sinong amo mo? Naka drugs ka ba? Ang lakas ng tama mo!"

Hindi makapaniwalang umiwas ako sa kanya ng tingin. Pinanganak ba siyang blurred? Ang labo kausap e!

"Excuse me?"

Hinuli ni Ryo ang mga mata ko at salubong ang mga kilay niyang tinitigan ako. Kinabahan naman agad ako sa klase ng titig niya. Parang any seconds now ay papatayin ako.

"Seryoso hindi mo alam na kay Jace itong kotse?" kabadong usap ko.

"Wait. Are you telling me that I look like Jace's driver?" naaaliw niyang wika. Alanganin akong tumango. "Well, guess what. I'm not and this is my car."

Literal na napahiya ako. Nanlalaki pa ang mga matang napatitig kay Ryo, sinusuri kung hindi ba niya ako binibiro tulad noong una kaming magkakilala.

"I'm not lying... kung yan man ang iniisip mo," he said.

Ngumisi siya sa paraan na mababasa mo paring seryoso siya, senyas na nagsasabi nga siya ng totoo. As if naman isang mayaman na katulad niya ang mangangailangan pa ng extra income.

"I'm so sorry. I didn't know. Parehas kasi kayo ng kotse," saad ko sabay lalabas na sana ng sasakyan niya kung hindi lang sana niya ako pinigilan.

Wala sa sariling nabawi ko ang braso ko mula sa kanya nang mataranta bigla dahil sa kuryenteng gumapang sa sistema ko.

I hurriedly smiled at him with an apologetic look etched on my face.

Kapagkuwan mabilis akong lumabas sa sasakyan bagaman may gusto pang sabihin si Ryo sa akin.

"Wait, Miss. You dropped something."

Naghuramentado ang puso ko sa kaba nang bumukas ang pintuan sa driver seat at iniluwa noon si Ryo. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at walang ano-ano'y bigla na lang ako tumakbo at nag-tago sa likod ng malaking trash bin.

Nagsama sa dibdib ko ang hingal at bilis ng tibok ng puso ko.

Ilang sandali ang lumipas bago ko naisipang sumilip. Bumalatay sa akin ang gulat pagkakita kong nandoon parin si Ryo, palinga-linga ito.

Mayamaya ay napakamot ito sa batok nang walang 'ako' siyang nakita saka matunog na ngumiti dahilan para pamulahan ako ng pisngi.

His smile is the definition of serenity. It's so warm, beautiful and innocent, making me smile too. Tila ngayon lang siya ngumiti ng gano'n.

"What are you doing?" Bigla akong napatalon at napasigaw sa gulat.

Muntik pa akong makita ni Ryo nang mapadako ang tingin niya sa trash bin. 'Buti na lang mabilis kong naitago ang kalahati ng mukha kong nakasilip at pumihit paharap. Sumenyas ako na 'wag maingay sa babaeng naka yellow summer dress na pinatungan ng denim jacket bago pinahinga ang likod at ulo sa trash bin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love at First Kiss [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon