CHAPTER 4

146 18 0
                                    

MAGO'S POV

The entire flight is tiring. After hours of flight, nakalapag na rin.

Nag-inat-inat ako paghakbang ko sa labas ng eroplano. Sinuot ko ang aviators ko dahil hindi sanay ang mata ko sa masyadong liwanag na nanggagaling sa tirik na tirik na araw, lalo pa't kagagaling ko lang sa tulog. Nakatulog kasi ako habang tinatapos ang libro na binabasa ko.

"Hey." I was about to walk into the airport when someone called me.

Lumingon ako at nakita ko yung Kuya ni Ryo na naglalakad patungo sa gawi ko. May ngiting nakaukit sa labi nito at parang close pa kami dahil kumakaway siya sa 'kin. Nagtataka ako sa inaakto niya pero ngumiti parin ako pabalik.

Siya ba yung Reiko? Naka pang captain uniform siya so that means? I don't know. Naguguluhan ako. Sa pagkakaalala ko nasa walo silang magkakapatid. Kuya Reiko is the oldest brother in the family. Yung sumunod is Ate Reika at yung isa pang Kuya. Tapos yung nauna kay Ryo na fraternal twins na kasing edad lang niya. May bunsong kapatid din silang fraternal twins. The two eldest men in Chen Clan, including Ryo, really look alike so I'm having a hard time identifying them considering the reason that I haven't met the two formally yet, though I already memorized their names. Si Ate Reika ay girl version ng tatlo. Tapos yung dalawang fraternal twins ng Chen ay hindi nila kamukha, bagaman may lahi paring Japanese. Siguro kasi stepmother lang nila Ryo si Mrs. Aaliyah Chen. Dahil chismosa ako nakarating sa 'kin na second wife na daw 'yon ni Mr. Ryozo Deaw Chen.

"Hi. You were Ryo's first kiss, right?" bungad nito nang makalapit sa 'kin.

Napaubo ako bigla nang malakas sa sinabi niya sabay nahihiyang tumawa. Pakiramdam ko ay nabulunan ako ng wala sa oras. Sa lahat ng pwedeng ipambungad, 'yon pang mapapadali ang buhay ko sa mundo!

"A-Ah... o-opo. Ako nga," amin ko, namumula. Tumango-tango siya na parang nasagot ang katanungan sa isip niya.

Inilahad nito ang kamay sa harap ko upang magpakilala. "I'm Reiko David Chen, Ryo's older brother. Nice to meet you..." he formally introduced, his face smiling.

"Mago Lindsey Castillo po." We shook each other's hands.

"What a lovely name. Pretty like you," he complimented.

The side of my lips rose up, thrilled at what he said. I thanked him.

"Siya nga pala, pwede ko bang tanungin kung bakit ka nandito? Why did you come here to Hamilton? Are you visiting relatives? Or close friends maybe?" Rumehistro ang kuryosidad sa kanyang mga mata.

Umiling ako at sinabi sa kanya kung bakit ako nandito.

Sinabi ko kay Kuya Reiko ang totoo dahil mukha naman siyang harmless. Hindi naman niya yata gagamitin pang blackmail sa akin ang mga impormasyon na binigay ko sa kanya. Besides, ano bang makukuha niya sa 'kin? Kagandahan, kasexyhan at virginity lang naman ang meron ako. I also have a large amount of money (na nakuha ko from my parents' bank account na nakapangalan sa 'kin no'ng namatay sila), that I know it wasn't gonna compared how much money Chen has. Kaya anong rason niya para pagnakawan ako gamit ang impormasyon na binigay ko sa kanya? E, kung titingnan mo, nasa talampakan lang nila ako.

"Oh, good. Enjoy your college life here, Mago," Kuya Reiko said. "Kulang n alang pala magiging Mango na pangalan mo 'no?" komento pa ni Kuya.

Nginitian ko lamang siya bagama't bahagyang napantig ang aking tainga sa pabanggit nito patungkol sa pagkakamali ng nurse na umasikaso kay Mommy noong pinanganak ako.

Tumikhim ako makaraan ng ilang minuto. "Sige po, mauna na ako. Naghihintay na kasi mga friends ko," paalam ko.

Napatango-tango si Kuya Reiko. "Sure, sure. Thanks for letting me talk to you. It's nice finally meeting you, by the way. See you around," aniya, ubod laki ang ngiti sa labi.

Love at First Kiss [ON-GOING]Where stories live. Discover now