CHAPTER 3

145 17 0
                                    

MAGO'S POV

"How's the wedding?" a sleepy voice asked me.

Napatalon ako sa gulat. I thought Jace was already asleep. Nakahiga kasi siya at nakatalubong sa couch habang nakabukas ang TV. He does that a lot. Habit na nga e.

Jace burst out laughing. Siguradong inaabangan niya na yung reaction kong 'yon.

Sa kasamaang palad, kung nasa tamang huwisyo lang sana ako ngayon, hindi niya pa ako nagugulat sinakmal ko na siya. But because I wasn't in my good mood na makipagkulitan sa kanya, I just tsked.

"Cool," tipid kong tugon bago dumiretso sa kwarto ko. I breathed out a sigh of relief. 'Buti naman hindi niya napansin yung walang sigla kong boses.

Nakakalungkot pala 'no na hinalikan ka tapos walang proper explanation kung para saan at anong meaning noon. Worst stranger pa. Huhuhu. Paniguradong mahihirapan akong makatulog nito. Aside from my upcoming problems sa graduation ko sa Senior high, dumagdag pa 'to!

I lay down on my bed after doing my night rituals.

Akala ko hindi na ako makakatulog, pero thankful ako dahil sa playlist ko na ginawa ko talaga para sa mga gabing inaatake ako ng insomnia ko. I immediately fell asleep.

Mabilis lang dumaan ang araw.

Dito lang nag weekend si Jace saka umuwi din agad sa kanila.

Two weeks after the wedding, I finally graduated with the highest honor in Senior High. Wala akong ibang kamag anak kaya ako na nagsabit ng award sa sarili ko tutal ako lang naman nagsikap kung paano ako nakagraduate. Hindi nakapunta si Jace dahil may inaasikaso. Busy din ang parents niya at kakambal. Kahit na gustong gusto nilang icancel ang mga lakad, hindi ko na pinayagan.

"Sa wakas! Off to college na!" masayang sigaw ni Noreen. Siya naman ang nag iisang babaeng kaibigan ko. "Kain tayo?" aya niya.

"Pass," I responded. "Magiimpake pa ako."

She frowned and rolled her eyes in an instant. "Bakit kasi hindi na lang tayo sabay bumiyahe? Bakit kasama ko pa yung impokritang 'yon?"

"Ask them. I'm not reading their mind to know." I laughed but was immediately caught off guard. "Gago! Did I just copy what he said?!"

Mabilis kong natutop ang bibig, medyo napalakas yata ang pagkakasabi ko no'n.

"Huh?" Naguguluhang tumingin sa 'kin si Noreen na kalaunan napalitan ng gulat. "Hoy! Sinong he yung tinutukoy mo?!"

Umiling agad ako. "Wala! Wala 'yon! Kalimutan mo na lang."

"Ikaw, ha, may pomoporma na pala sa 'yo hindi mo sinasabi!" Sinundot niya ako sa leeg dahilan para bahagya akong makiliti.

"Hahaha. Wala nga 'yon."

"Siguraduhin mo lang."

Kumaway sa gawi namin ang Dad ni Noreen kaya nagpaalam na siya sa 'kin. Umuwi na rin ako.

Pagiimpake lang ang inatupag ko the whole day. Mga alas tres na ako nakapaghapunan sa malapit na 7/11 sa dami ba naman ng inimpake ko. Pagkabalik ko sa condo, nagpahinga agad ako.

Ilang linggo akong walang balita sa newlyweds dahil nag-out of town daw para sa honeymoon.

Paalis na ako ng Wiscon dahil sa Hamilton City na ako maninirahan at magaaral ng kolehiyo, which Jace's family were living, nang bumisita si Ate Reika sa condo ko. Dahil wala naman akong kasama papuntang airport, inalok ako ni Ate Reika na sumabay sa kanila dahil doon din naman daw ang punta nila, na makailang beses kong tinanggihan kasi nakakahiya.

Love at First Kiss [ON-GOING]Where stories live. Discover now