Epilogue

322 9 6
                                    

RAINELLE VAILE VALERIA.

Today is May 5.

Three years. Three years had passed since I stepped foot in Fryxelle High, the school of gangsters. As to what they say.

Tatlong taon . . . tatlong taon na rin pala. Simula nung una akong pumasok sa isang paaralan na hindi ko aakalaing babaguhin ang buhay, paniniwala, pati ang puso ko habang buhay.

Simula nung makabalik kami galing sa isla, si Maeve na ang kumilos sa pag-alis ko sa Fryxelle High. Hindi ko alam kung bakit kinailangan kong umalis, gayong hindi pa naman tapos ang pag-aaral ko.

At first, I was hesitant to leave. I feel like I was still in debt to the Fryxelle's because they were the ones who saved me. At kinailangan ko iyong pagbayaran, kahit sa pananatili nalang sa paaralan.

I also didn't want to leave Rye. Alam kong mag-isa siya, kung hindi lang dahil kay Mavis at sa mga Suns. But I knew he wanted me to be safe, and we both knew that being in Fryxelle High would just risk everything that we sacrificed just to be able to leave the island.

Hindi ko alam kung paano ginawa ni Maeve, pero limang araw matapos ag pagpapahinga ng lahat ay naasikaso niya na ang lahat ng kakailanganin ko sa gagawing pag-alis.

Sa limang araw na iyon, wala akong ginawa kun'di ang magpahinga sa mansiyon ng mga Fryxelle. I don't know how, because they rules that I signed when I enrolled was that kailangan ko munang tapusin ang isang school year bago mag-transfer.

But the Fryxelle's, especially Ace Fryxelle who led them, immediately approved Maeve's request for my transfer.

Sinulit ko ang limang araw na iyon na kilalanin ang mga Fryxelle, at saka ko lang napagtanto na kung hindi dahil sa kapangyarihan at sa kasanayan nila ay aakalain kong isa lang silang ordinaryong pamilya.

Naglalambingan, nag-aasaran, nagtutuksuhan. Everything that a normal family would do, they does.

I found out that they were not siblings by blood, but rather by heart. Hindi ko alam ang proseso ng pagpili sa kanila para maging Fryxelle, pero ang alam ko ay lahat sila ay sumabak sa hamon sa mga nakatataas para makuha ang titolong iyon.

Ace Fryxelle, the Alas of the Fryxelle's in their generation went into a lot of physical, emotional, and mental training just to be able to lead their family. Dahil hindi naman ikakaila na si Ace ang pinakamahusay sa mga Fryxelle, that doesn't make the others less powerful.

They all have their differences in an aspect wherein they would stand out the best.

Kaya nga sila makapangyarihan, dahil mag-isa pa lang, kaya na nilang gawin ang isang bagay. Paano pa kaya kapag iisang pamilya na sila at iisa lang ang layunin?

I found out that Ivy was the mind of the Fryxelle's, she's the one who arranges meetings and brainstorming. I also found out that Assia was the most powerful in hand-to-hand combat! Si Reyn naman ang sumunod sa kanya. Si Vesper naman, mahilig sa mga bomba. While Raven, who would've thought she was a tech geek?

May kanya-kanya silang husay . . . kaya kapag ipinagsama, talagang puno ng kapangyarihan.

At nakita ko kung paano sila magkaisa sa loob ng limang araw na iyon. Unlike how they are outside their mansion, they were all warm and comforting to be with.

Ni hindi ko nga namalayang napalapit na ang loob ko sa pamilya nila dahil parang itinuring na rin nila akong pamilya dahil sa pananatili ko sa mansiyon nila.

Unlike the first time I entered their mansion, which was cold and uncomfortable, the second time, I was welcomed with warmth.

Siguro dahil sa mga pinagdaanan namin. Maybe that's how you grow up with someone, based on the events you've experienced together.

Fryxelle High: School of Gangsters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon