Alone V

256 20 13
                                    

Dalawang daan.
Isa makipot, ang isa maluwang.
Sino ba ang gustong mahirapan,
'di ba wala naman.

Kaya ako ay nagpasya,
maluwang na daan tinahak kong mag-isa.
Pangako nito'y kaginhawahan
at walang humpay na kaligayahan.

Ako ay nalibang,
matagal na panahong nahibang.
Kinalimutan ang katotohanan
namuhay sa kasinungalingan.

Ngunit isang araw
'di inaasahan,
kasiyahan at kaginhawahan
kasinungalingan lamang.
Hapis at pagdurusa ang tunay na kaanyuan.

A L O N Eحيث تعيش القصص. اكتشف الآن