Chapter I: Pagkatuklas

14 1 1
                                    

HALUKAAAAAY!

Hala, sige! Halukay!

San ko ba kase nilagay yung folder na yon?? Baka wala nanaman akong mapasa mamaya nyan! Last 2 weeks na nga lang ng school year e. Di pa makumpleto requirements ko ><"

Ikot nang ikot. Hanap nang hanap. Yan ang ginawa ko mula pagkagising buong umaga.

"Nilagay ko lang yun sa ibabaw ng cabinet ko ah??" -ako

"Baka akala ni mama basura. Baka natapon na nya kagabe." -ate ko

"Hala ano ba naman yun! :(" -ako

Wait.. baka andito sa..

Uy, what do we have here...

Tinignan ko ang laman nito, pero walang nakasulat. Mukang bago pa 'to. Baka na-misplace lang nila.

Isang green na notebook na may smiley face sa cover page.. ANG CUTE :"3

Kanino kaya 'to?

"Ate, sayo ba 'to?" -ako

"Ha? Notebook? Muka ba kong gumagamit ng ganyan??" -ate

"Psh. K. Oo o hindi lang isasagot mo e. -_-" -ako

Nilagay ko nalang sa bag ko yung notebook at baka kailanganin ko sa school.. kahit magbabakasyon na :D

"Hala 'di ko na talaga mahanap yung compilation folder ko :((

Ayy bahala na nga! Mabait naman yun si Sir e, kahit late na. Gagandahan ko nalang yung paggawa :/"

Naligo na ako at nagmadaling nagbihis papuntang school. Shetmalu!! 11:45AM na! Male-late nanaman ako. Yari ulet kay ma'am! ><"

~

Habang naglalakad sa Chico St. papuntang school, nagvibrate bigla yung cellphone ko..

*1 NEW MESSAGE*

*Clicked 'View'.*

"Good Afternoon pips~

Here @ school open grounds. Takte,

Foundation Day pala ngayon! Wala manlang nagsabing teacher kahapon -_-

Andami ko tuloy dala. Di naman magagamit.

Tara text tayo habang nakatambay! :))

GM ~ Ana "

O____________O (muka ko yan)

WHAAAAAAAAAAAAT! FOUNDATION DAY??!

-sigh-

-hingang malalim-

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! Haaaayy salamat Lord! Binigyan mo pa 'ko ng pagkakataong makapagpasa ng reuirement sa ibang araw! Tas wala pa kaming gagawin sa school buong maghapon tsaka di ko makikita yung mga nakakasawang muka ng mga teachers ko! Yahoo yahoo~

AT...... makikita ko buong araw si Crush. :">

***

~

Pagkarating ko sa room namin ay sinalubong ako ng mga kaklase ko. Lalo na yung "boyband" na Bandang Liko at sabay sabay na kumanta..

"Oh Zienna...~

Sa tanghaling mainit~

Late ka nanaman~

LAGOT KA KAY MA'AM! WAHAHAHAHA"

Aba mga siraulo talaga -_-

"Lul. Muka nyo 'late'. Foundation Day ngayon mga indio." -ako

"Alam namen! :D Gusto ka lang namin badtripin. Wuhehe >:D" -RJ

"Ulupong." -ako

"Uy men, gala tayo sa ground." -Maureene

"Ang jinet kayaaaa!" -ako

"Sige naaaa! Makikita mo naman si ANO e. >:)" -Maureene

"Tara tara!" -ako

"Kitamo. Pa-bebe ka pa sa una e! -_-" -Maureene

Hinila ako ni Maureene papuntang canteen. Tatambay lang kami don, gawain namen araw araw.

.. at maghahanap ng pogi XD

"Walangya ka Renren, pinamimihasa mo nanaman ako sa kalandian mo"! -ako

"Wasuuuus! Alam ko ring gusto mo makita si Mist!" -Maureene

"Ssshh!! Manahimik ka nga jan! May makarinig sayo jan e!!" -ako

"Weeeehh.." -Maureene

"Pakyu ka talaga."

-End of Chapter 1-

----------------------------------------

[A/N]: Hi mga kahombre :)) Medyo maikli lang ako gumawa ng.chapters pero papahabain ko to sa mga susunod na isusulat ko. Kung naka abot po kayo sa page na to, ay maraming maraming salamat po at kahit hanggang dito palang e binasa nyo pa:)))

At, sino kaya si Mist?? Oo, yung crush ni Zi, shempre. Haha. Abangan sa chapter 2 dali!! Ingat!

~Ofeliac

Dear Diary,Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ