"Hmm, why'd you stop playing?" tanong ko sa kanya pero nanatili ang pagkakunot ng noo niya.

"You sad, Mama?" umiling naman ako sa tanong niya.

"Hindi, baby. May naisip lang si Mama. Are you done playing na ba?" inibi ko ang topic sa pamamagitan ng pagtatanong.

For his age, he is so mature and also an empath. Kaya gustong gusto siya alagaan ng mga pinsan ko dahil magaling magbasa ng emosyon ang batang ito. He makes everyone feel like they are being heard and understood kahit na alam kong may ilang mga pagkakataon na hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi ng mga nasa paligid niya. Much like his dad. 

"Yes po. Pwede po ba tayong mag-ice cream?" tumango naman ako sa request niya at tumayo na upang sundin ang kagustuhan ng anak ko.

"Say bye to Tita Anna, Abby and Hans muna bago tayo umalis." utos ko sa kanya at sinunod naman ng bata ang sinabi ko.

"I'll see you when I see you again, Anna. My line is open when you need a friend." 

Ipinarada ko na ang sasakyan ko upang makapasok na kami sa malapit na mall dito. Bumaba muna ako bago ko tinulungang bumaba si Keith sa car seat niya. Masaya naman niyang ikinonekta ang mga kamay namin at pumasok na kami sa loob ng mall upang puntahan ang ice cream store na lagi naming binibilhan.

"Are you excited?" masayang tanong ko kay Keith na masayang iniisway ang kamay naming magkahawak.

"Yes, Mama. I love our hangout together. I just wish we do it all the time." tugon niya at natawa naman ako ng bahagya.

"But Mama needs to work so we can have this ice cream day. Kapag hindi nag-work si Mama wala tayong pang-bili ng ice cream." paliwanag ko at tumango naman siya.

"It's okay. We can have ice cream day every other day just as long as we can save money to buy for it." napangiti naman ako sa sinagot niya.

Inangat ko na ang tingin ko sa daan at agad akong napatigil ng makita ko kung sino ang nasa hindi kalayuan. Kalalabas lang nito sa isang suit store at may kausap ito sa telepono niya. Dahil hawak hawak ko nga si Keith ay agad din siyang napatigil dahil sa ginawa ko. 

I didn't knew he was back? Kailan pa siya bumalik? Bakit hindi ko alam? Do I need to know if he's back? Wala naman na kami so bakit niya ipapaalam sa akin? He left me without saying goodbye. So bakit ako aasa na ipapaalam niya sa akin na babalik siya?

"What's wrong, Mama?" rinig kong takang tanong sa akin ng anak ko. 

Nakatuon lang ang tingin ko sa lalaki na ngayong napatigil kagaya namin ni Keith dahil sa kausap. Medyo malayo naman siya sa amin ni Keith pero halos hawakan ko na ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko na animo'y ano mang oras ngayon ay kakawala ito. Agad kong hinila si Keith ng lumingon ito sa gawi namin. Bringing me back to when I first met him, face to face because I knew him before. Who wouldn't knew the great Caspian Meir Lim.

"Ano ba kasing ginagawa natin dito, Corrine?" mahinang bulong sa akin ni Janine habang nagtatago kami sa gilid ng building ng junior high school.

"We are hiding." maikling sagot ko naman sa kanya habang patago na sumisilip sa corridor.

"And why are we hiding? May nagawa ka bang kasalanan? At ako talaga ang nahila mo para magtago?" she argued but I paid no attention to her.

Ilang minuto nalang mula ngayon ay tutunog na ang dismissal bell ng school. Ito ang kauna-unahan kong mag-skip ng klase to do this absurd thing. Kainis kasi talaga kahit kailan 'tong si Kian because of his ridiculous bet on me kailangan kong gawin 'to. Dinagdagan pa ng pressure na ibinibigay sa akin ng iba kong mga pinsan.

Perfect (Montenegro Series #7)Where stories live. Discover now