Kulungan

2 2 0
                                    

Dahil Ito na ang huli,
Ayoko nang muli
Tatahan na at ako'y lalaya, mula sa kulungang kay tagal kong kinalinga
Mga sugat at peklat na natamo mula sa sakuna
Mga luhang pumatak mula sa aking mga mata
Tama na, ayoko na
Ako'y titigil na, dahil hindi ko na kaya
Hindi ko na kayang manatili at mamalagi
Sa kulungang ako'y ginawang pipi
Sa mga taong pilit na ako'y pinatatahimik
Binubusalan at tinatanggalan ng karapatan
Pinipiringan ang matang may bahid ng karimlan
Hinuhusgahan na tila walang kinabukasan
Tama na, Ayoko na

Ngunit isang araw...
Nang ako'y gumising
Nang ako'y tumahan at tumigil
Aking iwinasiwas ang pakpak na biyaya
At ito'y nagsilbing pag-asa
Pag-asa na ako'y makakawala, alalpas at lilipad nang malaya
Iindak sa saliw ng musika
Magniningning kagaya ng mga tala
Aagos nang marahan tulad ng tubig sa mga sapa
Magliliwanang kagaya ng buwan sa kawalan
Maglalakbay patungo man sa hangganan
Magiging kamay na handang kumalinga
Magiging boses ng mga taong piniling manahimik at nawalan ng pag-asa

Hayaang iwagayway ang pakpak
Maging isang malayang uwak
Libutin ang alapaap
Umabot man ng takipsilim ay may darating na bagong bukang liwayway
At manatiling iwagayway
Ang pakpak na nagbigay buhay

Humayo at ako'y tatayo
Sa lilim ng punong ka'y lago
Langhapin ang banayad na simoy ng hangin
Dinggin ang aking panalangin

Dahil ang huli kong paalala
Limutin ang kulungang pumigil ng aking paglaya
Nagpiring ng aking mga mata upang hindi makakita
Binusalan ang bibig at ako'y pinatahimik
Limutin ang kulungang puno ng hinanakit at pasakit.























Lost WordsWhere stories live. Discover now