Chapter 12

25.7K 447 19
                                    

"REUNION ba 'to, eh, bakit si Rafael nandito? Uuwi na lang ako," birong sambit ni Kimberlyn.

Hindi ito makapaniwala na nasa grand hotel ngayon ang nasabing binata na naging dahilan ng pagiging broken nito noon. 

"Hayaan mo na Kim, nandito din naman si Miguel, ibig sabihin makakapili ka kung sino talaga ang nararapat para sayo." si Katherime ang nagsalita.

Nagkatawanan sila dahil alam naman nila na magkakaibigan na si Miguel na ang napupusuan ni Kimberlyn. Tapos na ang marubdob at madamdamin na pag-amin ni Dock kay Christine.

Kung siya ang nasa katayuan ng bestfriend nila ay hindi siya iiyak sa tuwa sasampalin niya sa tuwa si Dock, ang tagal na din pala na gusto ng lalaki ang kaibigan nila pinatagal pa.

Hindi niya alam kung paano ngayon lalapitan sa kabilang table table si Greg kasama nito ang mga kaibigan. Hindi siya pinapansin ng binata simula pa kanina na magkita sila. Panay sulyap lamang ang ginagawa nito sa kanya.

"Katrina wag ka ngang uminom ng alak," narinig nilang wika ni Kimberlyn.

Inagaw nito kay Katrina ang hawak nitong beer. Hindi niya lubos maisip kung bakit beer ang inumin sa grandeng party ngayon.

"Hayaan niyo akong mamatay hindi ko na kaya," Katrina said then laughed.

Nangaasar lamang ito. Kahit sila ay natawa na lamang dito.

"Ikaw Czaira o, magpakalasing ka alam kong miss mo na ang beer," sambit ni Misha na inabutan siya ng bote ng beer.

Agad naman niyang tinanggap iyon at ininom. Hindi pinansin kung sino ang mga nasa kabilang table.

"Magusap-usap nga tayo ng matino!" si Kimberlyn na may tama na ng beer.

Sila lamang na lima ngayon ang nasa table na okupado nila si Christine ay kasama si Dock at kinakausap ang ilan na bisita.

"Girls! Usap-usap tayo dapat may sense yung kapupulutan ng aral," dugtong pa ni Kimberlyn.

Napangisi siya at muling uminom sa bote ng beer "Okay, let's talk about reproductive system." aniya.

Napasinghap ang mga kaibigan niya sa sinabi tumingin siya sa mga ito at tumawa.

"Grade five ako napag-aralan namin yan. Joined bodies yan e," sagot ni Misha.

"Bastos, reproductive system joined bodies agad? Pwede bang pagusapan muna kung saan at paano lumalabas ang ihi? Misha, magbasa-basa ka hustisya para sa topic na premarital sex," aniya.

Naubo si Katrina ng sobra dahil sa sinabi niya agad naman niyang hinagod ang likod ng kaibigan na katabi lang niya ng upuan.

"Sorry may mga bagay talaga na kailangang isiwalat." sambit niya dito.

"Sige nga pagusapan natin ngayon kung sino ang sinisinta mo noong high school. Isiwalat mo," gatong ni Misha.

Sumangayon pa sila Kimberlyn, Katherine at Katrina.

Natahimik tuloy siya at itinuon ang pag-inom sa beer na hawak. Nasa kabilang table si Greg na kahit sumulyap siya sa gawi nito hindi naman siya papansinin o titingnan.

"Hi, Gals!"

Natigil siya sa iniisip ng marinig ang boses ni Christine na tinawag silang lahat.

"Umalis dito ang may lovelife puro single ang nandito," si Katherine na nagbiro.

"Yung mga virgin din maiwa–Aray Katherine!" wika ni Kimberlyn na nakatanggap ng hampas sa kapatid nito.

"O, Christine nakabusangot?" tanong niya.

✔Greg Faustino | Seducing Series 3Where stories live. Discover now