Episode : 3

6 1 0
                                    

12:02 PM
...

I was peeking through the window hoping for Kap to appear in sight. At first, I wasn't able to recognize him dahil mabagal ang pagtakbo niya palapit sa bahay. Closer by closer, agad kong napansin ang pinagpapawisan niyang mukha at hinihingal na baga. I stood in front of the door as he made his way towards me.

Hindi niya ako pinansin.

Instead, diretso siyang tumungo sa kanyang kwarto at inisa-isa niyang hinablot ang mga gamit niya. Sunod naman ay binuksan niya ang kanyang aparador at tila'y kinukuha niya ang kanyang mga damit. Sinundan naman ito ng kanyang pagkuha ng backpack at tsaka niya doon inilagay ang mga damit na itinupi niya. Bakas sa katawan niya ang pangangatog pero nakuha niya paring magbihis sa isang grey sweater at black jogging pants. Nag-suot na rin siya ng medyas at sapatos na ginagamit niya sa basketball. Pagkatapos naman ay lumabas siya at nagtungo sa singaw ng bintana; pansin kong sa maliwanag na gym ang puntirya ng kanyang nanlilisig na mga mata.

At sa wakas, kumalma na siya sa kanyang pakiramdam at marahang humarap sa akin.

" Ihanda mo na ang mga gamit mo, aalis na tayo bago pa pumatak ang ala-una... " his voice was a bit husky, mahina, at may halong kaba. Napatayo ako ng ilang segundo sa tugon niya pero mabilis din akong tumungo sa kwarto ko para kunin ang dadalhin kong pansariling kagamitan. Thanks to the radio, hindi ko na kailangan ang eksplenasyon ni Kap para kumilos na at umalis sa baranggay namin. Although medyo kakaiba ang emosyon ni Kap, pareho lang naman ang aming ibig na gawin sa puntong ito. Kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras sa paghahablot ng mga damit ko sa sakong pinaglalagyan nito.

Nasa mga apat na pares ng damit ang isinilid ko sa aking Jansport na bag habang suot-suot ko naman ang itim kong hoodie at jogging pants na mula pa sa P.E uniform ng dati kong pinag-aralan sa senior-highschool. Para sa sapatos ko naman, ginamit ko ang sarili kong itim na sapatos at medyas. Siguro maglalakad kami paalis dito dahil wala nang ni-isang pampasaherong sasakyan ang aarangkada sa oras na'to.

Nang makalabas na ako mula sa aking kwarto, biglang napahinto ang paghakbang ko nang pinatay ni Kap ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay. Saglit na nagdilim ang paligid ko bago binuksan ni Kap ang hawak-hawak niyang smartphone. Sinulit ko na ang pagkakataon para tanungin siya kung bakit bigla siyang nawala kanina.

" San ka ba kanina? " mahina kong tanong, " Alam mo na rin ba ang nangyayari ngayon? " dagdag ko.

" Hindi lahat... " hinagisan niya ako ng isang maliit na itim na flashlight at pakete ng double aa battery, " Bakit, ano bang nalaman mo? " tanong niya.

Huminga muna ako nang malalim, tsaka ko binanggit sa kanya ang tungkol sa nagaganap na martial law.

" Tangina kaya pala eh! " biglang nag-iba ang mood niya, " Wala silang ibinigay na detalye kasi nagsimula na eh! " dugtong niya.

Muli siyang humakbang patungo sa singaw ng bintana, humakbang na rin ako papalapit para makita ang pinagmamasdan niya.

" Kita mo ba ang ilaw sa gym? " tanong niya sa akin, " May mga sundalong naka standby doon, at sa tingin ko may balak silang harangin ang highway mula Agusan, Puerto, Bugo, at ang kasunod pang mga baranggay! At alam mo ba kung ano ang sinabi ng sundalong kinausap namin kanina? "
" Na ano? "

" Isasailalim daw sa lockdown ang buong Tablon. Wala tayong alam kung anong gagawin nila once nasa lockdown na tayo kaya kailangan nating umiwas. You with me, Steve? "

To be honest, I don't quite know kung bakit masama sa tingin ni Kap ang madali ng lockdown. Malakas naman ang tingin ko sa militar na kapangyarihan ng Pilipinas. Marami nga silang pinalayag na fighter jets sa himpapawid kanina. But I do have some doubts, since isang araw lang ang inabot para mawalan ng complete na kontrol ang gobyerno sa nangyayaring sakuna, you think the military can really handle it? Kahit na successful ang lockdown nila dito, how long will they last? Even more better, how long can the people last while being caged in this town?

" Take the lead, Kap! Susunod ako. "

-----------------------------------------------------------------------------------------

We walked through an alley ( completely avoiding the main road near our gym ) that provides a way for us to reach the main highway without getting much attention from the military. Kahit dito bakas na bakas ang kaba at takot mula sa mga kapit-bahay namin na tutok na tutok sa balita mula sa kanilang telebisyon. Some of them are packing stuff while the rest are trying to be calm in the midst of this freaking chaos. Then I and Kap are already marching our feet away from something we don't know yet. That's the scary part.

Seconds later, nadaanan na namin ang public cementery ng baranggay namin. Sobrang lamig ng daan dito at kapos na kapos sa ilaw. Hindi rin gaano kalakas ang binubugang ilaw ng flashlight na ibinigay ni Kap kaya matulin ang paglalakad namin hanggang sa marating namin ang elementary school dito sa Tablon. And thank all the saints and gods, may ilaw din sa wakas. It's a flourescent post-light na medyo dim ang liwanag habang kalbaryong dilim naman ang buong campus ng eskuwelahan. Dahil malapit na ang highway mula rito, we decided to take short rest. Agad na kinuha ni Kap ang cellphone niya at tinawagan ang girlfriend niya na naninirahan sa Baranggay Bugo, 5 kilometers away from us via bus.

Kap went on to find her contact from his list while covering his phone with his right palm because the screen was too bright in this dark part of the road. Nilingon-lingon ko naman ang paligid namin. And from a distance, I could already see a glimpse of flashlights coming our way. Presumably from people who heard the grim news like us. Afterwards, Kap phone's rang from this echoing quietness.

It kept on ringing until it died.

" Weirdo amputa, bigla nalang nawala ang signal! " sigaw niya habang patuloy na kino-contact ang girlfriend niya.

" Try mo sa highway may ilaw don at baka may mas malakas na signal. Wag lang dito, Kap. Iba ang pakiramdam ko dito. " sagot ko naman.

Mahinahon siyang tumango at tsaka kami muling naglakad patungo sa highway na lumiliwanag na sa aming tanawin. Both of us thought it all came from the post-lights, but when we got a closer look,

We saw a huge fire.

No wonder the air smells like burnt tires when we got closer.

Tumigil ang mga binti ni Kap nang masilayan namin ang sunog,
" Truck ba 'yang nasusunog? Fuck! " kunot-noong wika niya.

" Probably bumangga sa street-lights na nakahilera sa median ng highway. At isa pa, mukhang galing sa Bukidnon ang itsura ng truck, hindi siya masasangkot sa aksidente unless he was overspeeding when he got here. " I stated and Kap seems to have sensed the possibility in my mere assumptions.

" Sa tingin mo, sasabog ba 'yan? " he asked, clueless.

" Actually, hindi ko alam. Maybe yes, maybe not. Vehicles on fire rarely explodes so I don't know. Depende pa rin sa parts nito na nasusunog. "

" So, it's a no? " he asked again.

" Kap--- since we're not really sure, what if iwasan nalang natin ang daan nayan at maghanap ng iba? " reklamo ko.

" Pero sabi mo ' maybe not ', so hindi ito sasabog? " sagot naman niya.

Bumuga nalang ako ng hangin habang nanatiling tahimik ang linya sa aming dalawa. We can't stay this way.

" How about magpustahan tayo? "

I winced, " Tanga kaba? Anong pustahan ang sinasabi mo? "

" Ano, pustahan kung sasabog ba o hindi pag nakalapit tayo
diba? "

Oh my God--- this guy... I-I can't...

" Forget it, Kap. Let's take another route. Besides, hindi pa nga natin alam kung saan ba talaga tayo pupunta. "

That made him rethink everything we had done to this damn point. Tanging pag-alis lang sa papalapit na lockdown lamang ang objektibo namin sa simula. Of course, kailangan namin ng lugar na matitirhan at matataguan. What kind of idiot wanders around the place habang may lumalaganap na sakuna?

" Kailangan ko pang malaman kung nasaan si Natasha
ngayon, " sagot ni Kap, sabay kamot sa noo, " Pwede naman agad tayong maghanap ng masasakyan papuntang City kung saan wala pang militar ang naka dispatsiya. Lahat kasi ng mga figher jets kanina ay papuntang Davao Del Sur at Bukidnon. " dagdag niya.

" Diba may bus stop malapit dito? " tanong ko naman. Even though kakaunti lang ang chance na may mga bus pa, we need to take every shot we can, " The highway was crowded earlier so I guess we might have a chance to get a ride. "

" And then sasabihan ko lang si Natasha na papunta tayong City. We could meet her there and pagkatapos we can go to your family, Steve. I'm sure they will accept you dahil sa nangyayari ngayon. It's a chance to reunite with your family dude. "

Now, ako naman ang nag-iisip mula sa sinabi ni Kap. Sure, we can get to the City and run away from here. But to take shelter to my parents' house, it's like shooting an arrow with blind eyes and ripped off arms. I don't want to talk about them. Never.

" How about totohanin natin ang pustahan? " I said to him, changing the topic of the situation, " We could take the highway then towards the bus station. That's the easiest way we
can. " dugtong ko.

" Alright mehn, para sakin sasabog ito. Bet! " sigaw niya.

This is probably the most childish way to deal with the most nightmarish situation but I can't lose.

" Bet! "

The Philippine Plague ( ONGOING )Where stories live. Discover now