Episode : 2

6 1 0
                                    

We both had our dinner at 7:15 PM, medyo sunog ang sinaing ko pero goods pa rin dahil masarap naman ang ulam ( pritong isda at tira-tirang hita mula sa fast-food chain na raket ni Kap. ) Sinamahan namin ito ng toyo, suka, at sili, habang bigo kaming makautang ng soft-drinks sa tindahan dahil maaga itong nagsarado kaya nagtiis kami sa maligamgam na tubig mula sa gripo. Wala naman itong ipinagbago sa sarap ng kain namin kanina.

Matapos ang hapunan naming dalawa, nagpalipas oras muna si Kap sa labas upang manigarilyo habang nilibang ko naman ang sarili ko sa pakikinig sa radyo na puro hip-hop, rock at pop song ang arangkada. Wala kaming telebisyon, dagdag gastos lang at malakas kumaltas ng kuryente. May smartphone naman si Kap pero wala siyang load sa internet ngayon kaya kanya-kanya kaming trip sa bahay. Kanina pa ako nakatingala sa pumipitik-pitik na ilaw namin sa sala, balak ko sanang palitan ito pero tinatamad ang mga binti ko. Naubusan na kami ng kape kaya unti-unti nang nahuhulog sa malambot na higaan ang conciousness ko. Nakakapagod din palang bilangin ang tunog ng mga fighter jets na lumilipad sa bubong namin. Nakidagdag din sa ingay ang mga ambulansiya at police car kaya napadami ang numerong binibilang ko.

Pansin ko pa ang pagtapos ng kantang Boheimian Rhapsody sa radyo, pero nang pumalit na ang isang kanta, nakapikit na ang dalawang mata ko. But still, I can still hear it... muffled and in a distance. I heard it twice today and it became my favorite.

... Another head hangs lowly, child is slowly taken...


-----------------------------------------------------------------------------------------

11:26 PM,
......

...And the violence 'cause such silence who are we mistaken?...

It's the same song,

Jesus Christ, hindi paba ako tulog? I swear to God I passed out!

Agad kong ginising ang sarili ko nang biglang lumakas ang kanta sa radyong pinapakinggan ko. It's the fourth time na bumalik ang kantang ito sa playlist ng stasyon na nagpapa-tugtog ng mga kanta. I thought based on audience's request ang algorithm ng kanilang pagpapa-tugtog, ang weird naman siguro kung paulit-ulit nalang nilang ibinabalik ang isang kanta! It's impossible, unless naka loop nalang ang playlist nila for unknown reason. Or maybe wala nang in-charge sa pinapakinggan kong stasyon.

Nakahiga pa rin ako sa sofa ng bahay, pinagmamasdan ang yero namin at ang ilaw na kanina pa unti-unting namamatay. The clock says 11:27 PM, tumayo ako mula sa pagkakahiga para e-check kung nakabalik naba si Kap.

Nabigla ako nang nakabukas pa ang pinto.

I quickly pulled myself up para e-check ang kwarto niya; he wasn't there. Sinunod ko namang pinuntahan ang labas ng aming bahay, bigo pa rin akong masulyapan ang kanyang anino. Wala sa oras akong nagtaka at medyo kinabahan. Sunod-sunod na kasi kaninang hapon ang mga unusual na pangyayari sa lugar namin.

Hinayaan ko ang sarili kong maglakad sa paligid para hanapin si Kap sa malamig na simoy ng hating-gabing hangin. Nakapagtataka rin na medyo maingay ang baranggay namin ngayon sa ganitong oras. Dinig na dinig ko ang iba't-ibang usapan sa loob ng mga kalapit naming bahay at ang pag-arangkada ng mga motor at sasakyan. Maingay rin ang highway na hindi gaano kalayo sa tinatayuan ko. Hindi ko ito ipanagpaliban sa aking isipan hanggang sa natanaw ko ang ilaw sa kalayuan; tila'y bukas ang gym ng baranggay namin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Doon sumagi sa isipan ko na may kung ano talaga ang nangyayari ngayon.

Wala pa rin si Kap, asan na ba 'yon?

Hindi ko na ipinagpatuloy ang paghahanap ko sa kanya sa gitna ng dilim. Bumalik nalang ako sa loob ng bahay kung saan dinig na dinig ko pa rin ang kanta sa radyong naka low-volume sa gitna ng lamesa. Pinuntahan ko ito at naisipang ilipat sa ibang stasyon--- siguro sa may balita o kung saan na may connection sa nangyayari sa bansa--- bihira lang akong makinig ng balita rito at baka nga ngayon lang ako seryosong makikinig sa isang radio personality.

... 1539 KHZ

... 1368 KHZ

... 729 KHZ...

[ static ]

And then the words came out.

[ THIS IS BOMBO RADYO CAGAYAN DE ORO SERVING THE NEWS FOR THIS MIDNIGHT REGARDING WITH THE IMPLEMENTATION OF THE NATIONWIDE MARTIAL LAW DECLARED BY THE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES. TO THIS HOUR, THE MILITARY HAVE NOW FULL AUTHORITY TO CONTROL THE CHAOS OF THIS NATION. VIOLENCE ARE SPREADING FAST CITIES TO CITIES NON-STOP. EVACUATION AREAS ARE STILL OPEN AND QUARANTINE ZONES HAVE NOW BEEN IMPLEMENTED IN CERTAIN AREAS. TO THIS HOUR, THE GOVERNMENT WILL USE ITS FULL POWER TO DECREASE THE CASES OF RIOTS RAMPAGING THROUGHOUT THE COUNTRY. THE WHOLE WORLD ARE LOOKING AT OUR COUNTRY INCLUDING US FILIPINOS. THE GOVERNMENT WILL DO ITS BEST TO SERVE THE COUNTRY ONCE AND FOR ALL. THE STATION WILL TEMPORARY CEASE BROADCASTING IN ACCORDANCE WITH THE MARTIAL LAW. GOD BLESS US ALL, CAGAY-ANONS. ]

[ static ]

The words went out, and never came back.

I sure did got a good taste of fear back then. Hindi ko maipaliwanag ang bigat ng nararamdaman ko sa sikmura ko. Sure, COVID-19 was scary but not as frightening as this one. To make it worse, everything went out in just one freaking day and I still don't know what are we up to. They don't sell mask anymore unless sa pharmacy ka mismo pupunta. I don't know what kind of danger is it but Covid-19 taught my teenage self a lot of stuff. Now, all I have to do is to find Kap and figure out what to do from here. 

The Philippine Plague ( ONGOING )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora