Nakalimutan kong hindi pa pala siya pwede. Iyon kasi ang sabi ni Doctora kaya kailangan muna niyang magpahinga at uminom ng gamot.

Kusa akong umalis doon para pigilan ang sarili ko at pag-labas ko sa damit niya ay nakatanggap ako ng pingot.

"Aww!" Hawak ko ang sariling tenga ko at bumaba sa kama para tignan ito sa salamin. "Look! Namumula tuloy." I mumbled.

"It's your fault. Pumunta ka na dito at matulog na." Tumatawa pa siya sa lagay na 'yan.

I pouted.

Palagi niya 'tong ginagawa sa'kin. Dapat ang pangalan niya Ms. Pingot! Hmp!

"Sa baba ako matutulog." Inalis ko ang mga gamit na nakaharang. Siya naman ay nakatingin lang sa'kin.

"Subukan mo. Matulog ka diyan pero walang kumot, sapin at unan." pananakot niya sa'kin.

Sinamaan ko siya ng tingin na nakataas lang ang kilay.

She's bullying me!

"You're so mean..." Humiga na ako sa kama baka wala pa akong tulugan.

"May kasalanan ka pa sa'kin." ani nito.

"Ikaw din naman. May kasalanan ka pa sa'kin."

Tumayo siya at hinampas ako ng unan.

"Wala kaya!"

"Oo na. Babae nga naman palaging tama." Pag-suko ko saka tumagilid ng higa.

"At bakit hindi ka ba babae?" Sinipa niya ako dahilan para mahulog ako sa kama.

"Ouch!" Binato ko sa kanya ang unan na kasama kong nahulog.

We end up hitting each other with pillow.

"Stop!" Hinihingal niyang sabi.

Ako naman ay humiga dahil masakit ang balakang ko. Ang sakit kaya ng pag-bagsak ko kanina!

Muling pumasok sa isip ko ang kalagayan ng pamilya ni Ate Fhey. Hindi ako makatulog dahil isang araw nalang ang natitira. Sinundan niya ako ng tingin at kinuha ko sa drawer ang dokumento na dala niya ng umuwi siya.

Pinirmahan ko ang lahat ng iyon.

Narinig kong tumunog ang phone niya na nasa harap ko lang. Kukunin niya pa sana iyon ng ako na ang dumampot.

Sinagot ko ang tawag saka ini-loud speaker.

"I just want to say goodnight and I love you, Celeste!" Pinatay ni Elmo ang tawag ako naman ay napabuga ng hininga.

Ginulo ko ang sarili kong kilay saka inayos iyon ulit. This is a sign na naiinis ako. I don't know if she knew it.

Nag-iwas ako ng tingin at tinawagan si uncle kahit hating-gabi na. Sumagot ito pero puro ingay lang ang naririnig ko. Sa tingin ko ay nasa casino siya.

"Yes, my dear niece?" Tsk! He looks like innocent but not on my watch.

"Uncle, I already signed the papers. Pero makukuha mo lang 'to sa isang kundisyon."

Tumawa siya mula sa kabilang linya. Hindi naman ako nainsulto dahil pareho lang kaming may hawak na alas.

"Ang lakas din naman ng loob mo, Zashini. At dahil pamangkin naman kita, ano yun?" What a wolf in a sheep clothing!

"Tanggalin mo sa kundisyon ang kasal ni Elmo at Celeste. Alisin mo ang lalaking 'yon sa plano mo." He's laughing again.

"At bakit ko naman gagawin 'yon? Baka nakakalimutan mong mas dapat kang matakot dahil hawak ko ang pamilya ng kaibigan niyo."

Kumuyom ang kamao ko. Naramdaman ko siyang lumapit at hinawakan ang kamay ko para pagsiklopin at pakalmahin ako.

"Ako mismo ang aalis sa lahat ng company na hawak ko. I'll announce it in media conference."

"Hindi ka pa masyadong hinog. Hindi ko na kailangan na gawin mo yun."

"Baka nakakalimutan mo. Once na umalis ako ng walang paalam, lahat ng investors at employee ko ay aalis din sa company. Syempre kakalat ang balitang iyon at wala ka ng makukuhang investors kung hindi ang mga ilegal mong business partners. Lahat ng pinaghirapan mo ay mapupunta sa wala." Ngumisi ako dahil natahimik siya.

"At isa pa gusto mong makapasok sa Blue Jace Society hindi ba?" Isa iyon sa malaking society ng malalaking company.

"Saan mo nalaman 'yan?" Tama nga si Attorney. Kakagat siya sa pain na 'to.

Natulog muna kami pag-katapos um-oo ni umcle. Bukas din ng umaga ay ako mismo ang magdadala ng mga kailangan niya.

Hindi ko kailangan ng kayamanan kung ang mga mahal ko sa buhay ay nadadamay...

Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Where stories live. Discover now