PROLOGUE

9 1 0
                                    

WE all have this different life and different situation, normal or not normal..but mine is CRUELTY.

MALAMIG. NAKAKATAKOT.

I've been in this position half an hour. Mula yata pagkatapos ng klase ay ganito na ang nangyayari sakin. Hindi ko halos magalaw ang katawan ko at masakit ang lahat ng parti ng katawan ko. Hindi ko masyadong maidilat ang mga mata ko dahil masakit kapag pinilit ko kaya nanatili akong nakayuko. Nahihilo ako na parang masusuka na ako pero napipigilan ko pa. Puro dugo narin ang uniporme ko. Nakaluhod ako sa harap ng mga taong bumugbog sakin. Marami sila at mag-isa lang ako.  Pinagtatawanan nila ako. At hindi na ito bago sakin dahil mula bata pa lang ako ay ganito na ang sitwasyon ko. Satingin ko ay ito na ang katapusan ko.

Tatanggapin ko na lang ang kamatayan kaysa ganitong pa ulit-ulit na ganito. Nakakasawa.

"Hoy! Ano? nagpapa-alam ka na ba sa sarili mo. Hahaha!"

Pinagtatawanan nila ako. Umupo ang isa sa harapan ko at pilit tinignan ang mukha ko dahil nakayuko ako.

"Huwag ka muna'g mag-paalam hindi ka naman mamamatay sa simpleng sapak ng kamao ko at tadyak ng kasamahan ko. Hahaha!" mayabang na sabi niya. "..at higit sa lahat hindi kami mamamatay tao tulad ng pamilya mo. Hahaha!" madiin na sabi niya pa.

Naikuyom ko ang kamao dahil sa sinabi niya'ng yon. Gusto ko siyang sapakin at bawiin ang sinabi niya pero hindi ko magawa dahil nanghihina na ang buong katawan ko. Humahapdi ang mukha ko sa tuwing tutulo ang luha ko.

"Oh! naiyak ba naman?"

"HAHAHAHA!" tawanan ng kasamahan niya.

"Anong nakakaiyak sa sinabi ko?! ah! alin ba don..yun bang bayaran para pumatay ng tao ang pamilya mo?" pang aasar na sabi niya. "Hahaha! hoy! para alam mo, dapat mong ikatuwa yun dahil malaking halaga ng pera ang makukuha mo don! yayaman ka pa!"

"Hahahaha!"

"Hahahaha!"

Seninyasan yung isang kasama niya upang kuhanin ang bag ko. Mahigpit ko namang hinawakan yun ngunit na bitiw rin ako at natumba dahil tinadyakan ako sa tagiliran.

"Aackk!" namimilit ako sa sakit.

"Ang arte mo! hindi namin kukuhanin pera mo! malay ba nami'g kapalit ng buhay ng tao to! multuhin pa kami."

"Hahahaha!"

"Hahahaha!"

"Ayos andaming pera boss!" anang isa

Tumayo naman ang nasa harap ko at kinuha ang bag ko at tinapon  sa harap ko. Nagkalat lahat ng laman non sa harap ko. Tinadyakan pa nila ulit ako at masakit yun dahil tinamaan lahat ng pasa at sugat sa katawan ko. Hindi ko na pigilan ang sarili kong masuka ng dugo ng tadyakan ako sa dibdib.

"Aackk! ugh." katapusan ko na.

Tumigil lang sila sa pag tadyak sakin nang may marinig kami na putok ng baril malapit samin. Hindi ko pinansin yun dahil inuubo ako at namimilit sa sakit. Nagulat na lang ako ng may isa sa kasamahan nila na natumba. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Matatakot o Magagalit sa dahilang baka sila na naman.

THE ULTIMATE BULLYWhere stories live. Discover now