033

29 3 2
                                    

[Gmail]


from: Benjamin Montecillo <benjcillo000@gmail.com>

to: shevydeguzman1997@gmail.com

date: 30 June 2023, 23:23

subject: Hi, Shevy.


Pasensya ka na kung hanggang dito kinulit pa din kita. Sa totoo lang di ko alam kung ito pa din ba yung ginagamit mong email, nagbakasakali lang ako.

Block sa IG tas di ka na din nagpupunta sa shop. Is this really what you want? To be away from me?

Di ko gustong manumbat pero...

Bakit, Shev? Bakit kailangan pang maghiwalay tayo?

You said I'm your happy pill. Then why did you leave me?

Ayaw mong madamay ako sa mga problema mo? Limang taon tayong magkarelasyon, Shev. Lahat ng problema sa pag aaral, kaibigan, pamilya, at sarili, napag usapan na natin. Di man natin nasolusyonan lahat, nakaisip pa din tayo ng solusyon sa iba. We did all that together.

Iniisip mong handa na ko sa future ko? Iniisip mong alam ko na kung anong gagawin ko sa future? Oo, alam ko na. Oo, sigurado na ko. Pero sa lahat ng yun, kasama ka dun. Andon ka, Shev. You're a part of it.

Lagi't lagi ko din namang sinasabi di ba? Andito ko para sayo. Oo naiintindihan ko namang gusto mong tuparin yung mga pangarap mo sa sarili mo, sa pamilya mo. Pero bakit di mo ko hayaang samahan ka sa pagtupad ng mga yun? Lagi't lagi ko ding sinasabi. Handa akong maghintay. Ganon kita kamahal, Shevy. Ganon kita kamahal.

Oo, alam ko na yung mga gagawin ko sa future. Planado na lahat. Pero pwede namang masira yun. Pwede namang mabago yun. Lalo na kung di ka pa handa. Lalo na kung di pa handa yung babaeng gusto kong makasama sa mga planong yun.

Pero kung ito talaga yung gusto mo, sige, tatanggapin ko. Lalayo ako. Lumayo tayo sa isa't isa.

Pero wag mong kakalimutan na naghihintay pa din ako. Na hinihintay pa din kita. Na mahal na mahal kita. Lagi't lagi, Shevy. Lagi.

Ps. Pumunta ka na uli sa shop. Di naman talaga ako nagtatrabaho dun. Pinsan ko may-ari nun. May pinag uusapan lang kaming project kaya ako laging andon. Nung unang beses kitang nakita dun, nagkataon lang yon. Hanggang sa dumalas kaya nagpanggap ako na staff. Kaya di din totoo yung day off ko. May inaasikaso lang talaga ako twing Friday, Saturday, at Sunday kaya wala ako dun.

Balik ka na. Di mo na ko makikita dun.

Hello, Benj.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon