Kabanata 2

722 64 16
                                    

Our parents were already waiting for us at the table the moment Kuya Carlo & I arrived in our dining. Si Dad abala na agad sa habit niyang magbasa ng dyaryo tuwing umaga, habang si mom naman occupied sa paglalatag ng mga breakfast naming apat sa lamesa. Fried rice, hotdogs, and eggs.

Nagtatanggal si mom ng tali ng apron niya sa likuran nang mapansin niya kaming magkapatid. Tumango siya saming dalawa para ayain nang mag-almusal.

"Stephen, Scarlet. Breakfast na para 'di kayo abutan ng traffic mamaya." ani mom bago niya isinabit sa gilid ng fridge namin ang apron.

Naunang mag-greet ng good morning si kuya tsaka siya humalik sa pisngi ni mom. Umupo siya pagkatapos sa usual niyang puwesto at narinig ko rin ang pagsagot ni dad nang i-greet din siya ni kuya.

"Good morning, mom." gaya ko atsaka umakap.

"Good morning, hija."

She broke from the hug and inspected my outfit, still holding me from my shoulders.

I am sporting a white printed t-shirt, a fit denim pants, and a classic Stans. I had my long, brown hair tied into a ponytail. Simple lang ang ayos ko ngayon kasi first day pa lang naman. First time ko na lang ulit pumasok sa actual na paaralan atsaka wala pa akong idea kung ano ang acceptable clothing doon sa pinag-enroll-an kong university.

"Huwag ka nang mag-ipit, hija. Nagmumukha kang bata. Lugay mo na lang buhok mo para mas dalaga kang tingnan," remarka ni mom sakin tsaka malamyos akong nginitian.

Tumango ako at nakangiting sinunod ang abiso niya. Lumawak lalo ang ngiti niya at inayos ang ilang parte ng buhok ko papunta sa harap.

Ganito na kaming mag-ina maski noong nakatira pa kami sa California. Suportado niya na talaga ako noon pa at silang dalawa ni Kuya Carlo ang nag-convince kay dad na payagan na ako sa sex reassignment surgery. Siya at si kuya ang naging takbuhan ko dati sa tuwing nagkakaroon kami ng pagtatalo ni dad sa transition journey ko.

"Thank you, mom." matamis kong ngiti bago namin sabay na sinaluhan ang dalawa sa table.

Nag-usap usap kaming apat sa almusal. Si dad nag-kuwento ng nangyaring customer complain sa pinapasukan niyang five-star hotel at kung ano ang naging solution ng management para roon. Ang sabi ni dad isa raw iyon sa mga VIP client nila dahil politician ito at mataas ang posisyon na pinanghahawakan sa bansa. Sangkot ito ngayon sa balita na mayroong kabit na former beauty queen at doon sila sa hotel nakita ng isang showbiz journalist.

Nagta-trabaho pa rin si dad sa iisang kumpanya na pinapasukan niya dati sa California. Nag-request siya ng transfer of branch assignment para makabalik na kami sa Pilipinas at saktong nagkaroon ng vacancy sa managerial position ng hotel nila rito sa bansa.

Hindi naging madali ang desisyon na iyon sa pamilya namin dahil marami kaming maiiwan kung babalik kami ng Pilipinas. But since that day happened where I almost nearly died because of my bullies, mom and dad ultimately decided we should settle back here. And I am forever grateful of that.

Nagpunas si dad ng bibig niya gamit ang table napkin at bumaling sakin.

"Maiba pala ako... kaya mo na ba talagang pumasok, Schuyler?"

"Scarlet po, dad." Sagot kong magalang.

"Right, Scarlet. Out of habit. Sorry, anak." Sabi ni dad at malaman ang tingin na binalingan ang kinauupuan ni mom.

I smiled to show my father that it is okay even though it somehow made me uncomfortable hearing my birth name. Sa bahay namin siya lang ang laging tumatawag sakin niyan.

"I'm going to see, dad. Tama na po siguro ang homeschool. I am no longer a kid at hindi ko po dapat ikinukulong ang sarili ko sa bahay."

"That's the attitude right there, child. And if people ask you, just be yourself. Do not pretend someone that you are not."

THE PERFECT GIRL | TRANSGENDER X STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon