chapter 5.2

189 3 0
                                    

Sakalukuyan ako nasa salas nila. Pinapunta ako ni sasha dito. Magbibihis lang daw s'ya. 7:45 PM na pala. Wala pa kami nasisimulan. Hinahanap ko yung binili namin kanina. Hindi ko mahanap,saan ko ba nailagay?

Medyo inaantok na 'ko.

"Hinahanap mo? " Tanong n'ya at isinara yung pinto. Naka oversized s'ya t-shirt at naka Short na hindi gaano kaiklian.

" Nawawala ata yung pinamili natin" medyo natataranta ako.

" Sira. Buksan mo yung bag ko "  kinuha ko naman" sa likod" turo n'ya.

Sa bag n'ya pala inilagay, buti nalang hindi nabasa.

"Sasha hindi ba nakakahiya kung mag s-stay pa ako dito sa inyo ng ganitong oras?" Alalang tanong ko

Hindi talaga ako sanay ng ganito,sanay ako ng ganitong oras ay nasa bahay lang ako at nakahiga.

"Kahit tanungin mo pa si mama ayos lang talaga." Ani sasha

Paano ba 'ko mag papasalamat? Mag tha-thankyou ka lang naman Scott 'yun lang. Kalmahan ko. Damn it.

" Sasha .." tawag ko

"Hmm?" Medyo lumapit s'ya saakin

Magpapasalamat ka lang Scott, kalmahan mo. Huminga muna ako ng malalim.

" Thank you pala " hindi ko pa nakumpleto yung sasabihin 'ko. " S-sa pagkain kanina"

" Nako wala  iyon, tsaka pangbawi ko na rin sa'yo 'yun. pag pasenyahan mo na kanina si mama masyado lang kasi talaga madaldal yun " ngumisi s'ya

We both smiled.

Nagsimula na kami gumawa. Nagiisip kami kung ano pwede i-drawing. Nang wala kami maisip nag hanap kami ng pwede kuhanan ng idea sa google. Ng mahanap nag isip ako ng pwede pa ilagay. Tulad ng mga tao,ibon, jeep,mundo, yung flag. Tahimik lang kami gumagawa. Buti nalang nakasindi yung radyo. Erase at drawing yung ginagawa ko. Para madali na mayari, inutusan ko si sasha na kulayan na yung kabilang side,at itutuloy ko naman yung kailangan tapusin.

Panay din lagutok at stretch ko sa mga daliri ko. Nangangawit na din yung kamay ko at napapagod na din ako. Panay kusot ko nalang sa mata ko para hindi pumikit. Inaantok na kasi ako. Siguro mamaya bagsak ako sa igaan nito pagkauwi ko. Nakayari na 'ko mag drawing s'ya nalang hinihintay ko mayari. Ilang saglit lang malapit na n'ya matapos. Ng matapos s'ya kinusot namin yung kulay sa drawing gamit yung ruler. Para mas maging presentable Yung dating

Nakatapos na kami sa poster, nag-iisip naman kami ni sasha kung ano yung pwede namin ilalagay na slogan sa poster. Habang seryosong ako nag iisip,may narinig naman ako nag picture saakin.

(Camera shut)

Tunog ng picture 'yun ah? Kanina ba nakatuto-

" Ang gwapo mo dito Scott," sabit n'ya ,at ngumisi ng nakakaloko

Burahin mo yan." Inis na utos ki

"ayoko nga bleh." Pangaasar nito saakin, sabay tawa ng malakas

Wala siguro magawa 'to sa buhay? Sobra seryoso kasi namin kanina,kaya namwi-mwisit s'ya ngayun. Ngayon pa talaga?

" Bahala ka na," seryosong sabi ko

Tuwang tuwa sya dahil sa picture ko,ako naman ay tahimik na tagong  naiinis sa kanya.

" pikon," bulong nya

Nagawa pa n'ya talaga sabihin 'yun? Kung kailan payari na,dito pa s'ya mag uumpisa mangulo.

"Tsk"

Untold feelings High-school Series 1Where stories live. Discover now