chapter 9: new circle of friends

197 5 0
                                    

Scott's pov

Putek! Seven' o clock na! Hindi ba nag alarm yung cellphone ko!? Binuksan ko yung cellphone ko, hanep kaya naman pala hindi naman pala ako nag alarm. Napuyat ako sa pagdra-drawing kagabi kaya siguro hindj ako napag alarm dahil sa pagod.

Nagmamadali ako naligo at gumayak. Hindi ko alam kung ano klaseng ligo ginawa ko dahil sa kakamadali ko. Putek mala-late ako sa klase na 'to ano ba subject namin ngayun?
Arpan? Bahala na kailangan ko makahabol sa klase. Hindi na rin ako nag umagahan,sayang oras kung kakain pa ako sa school nalang ako kakain.

Buti nalang agad ako nakasakay ng tricycle.

"Manong sa highschool nga po" nag abot na din ako ng bayad para bababa nalang ako.

Nakarating din ako sa school agad agad ako tumakbo papunta sa main entrance.

Hinarang ako ng guard.

" I.d mo?" Tanong ng guard saakin

Kinakap ko yung dibdib ko. Putek naiwan ko ata yung i.d ko sa bahay, takte talaga kakamadali ko 'to eh!

Binuksan ko yung bag ko, nagbabakasakali may name tag sa loob no'n. Siwerte ba naman bugok,meron ako nametag sa bag. Sinuot ko na yun para makapasok. Pinapasok naman ako ng guard.

Nagmamadali ako mag lakad hangang sa may tumawag saakin

" Scott! "

Nilingon ko yun. Si sasha pala, ba't andito s'ya sa labas? Edi ba may klase?

" Wala pa ba si sir?" Tanong ko
" Pinagsasabi mo!?" Nagtatakang tanong n'ya saakin. "  Nakalimutan mo ba? Na buwan ng wika ngayun!?" Sabi n'ya saakin.

Damnit. Oo nga pala buwan ng wika ngayun paano ko nakalimutan yun!? Dapat pala kumain muna ako sa bahay.

" Ba't ka andito? Edi ba may event sa gymnasium." Tanong ko
" Putakte ka" sabay kurot sa akin " kanina pa ako dito nag-hahantay sa'yo"

" A-aray! " Sabi ko habang nasasaktan dahil sa kurot n'ya.

" Alisin mo yung kuko mo, masakit !" Ani ko.

Kadiin nya kumurot. Pwede na rin magkasugat yung balat ko.

" Hindi mo din binasa yung messege ko sayo! Naka deliver pa din s'ya oh"

pinakita n'ya yung cellphone n'ya saakin 

" nagmamadali kasi ako kanina, late na din ako nagising" pagpapaliwanag ko.

" Sa susunod " diniinan pa n'ya yung kurot n'ya saakin " wag mo na uulitin yun " mariin n'ya sabi

sabi n'ya " oo " sabi ko

" promise?" Tanong n'ya " oo! Promise!" Sagot ko

She rolled her eyes.

I sighed as i relieved

Inaya n'ya ako pumunta sa gymnasium para manuod ng event. Habang nag-lalakad kami may tinanong s'ya saakin.
" Makakapasok kaya tayo ng top three sa poster making?' tanong n'ya " diba sabi ko sa'yo kahit hindi tayo manalo, importante nakasama kitang lumaban " sabi ko sa kanya na bigla ikinapula n'ya

Pumasok na kami sa loob. Halatang kanina pa nag sisimula. Napakaingay sa loob. Anong oras naba? Eight thirty 'o clock na pala, it's mean buwan ng wika dancing patapos na din siguro.

" Tara dito " aya ni sasha saakin

Sinundan ko s'ya may available seats pa doon.

" Pinagtabi nyo kami ng seat, thank you" sabi ni sasha sa mga kasama n'ya

Untold feelings High-school Series 1Where stories live. Discover now