Chapter 37

392 23 0
                                    

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.


GABRIELLA

I can't believe that this woman who is soundly sleeping in my arms is dating me. We're dating for real. Hindi na fake, not just friends na naglalandian lang, we are seeing each other and there's a fifty percent chance that we could be in an official relationship!

Tapos na yung pagtatanong ko sa isip ko na 'Nia, what are we?'

Sobrang laking jump nito, parang kahapon lang kinukulit ko siya na i try niya na bigyan ako ng chance na kahit alam kong sobrang slim ng possibility na pagbigyan niya ako tapos ngayon exclusive na kami. I'm super happy talaga. My gosh, yung kilig ko last night when she ask me if I want to date her. Grabe talaga, hindi ko na maipaliwanag.

Nabigla din ako nung sinabi niya kahapon na she'll introduce me to her dad pero hindi ko din masiyadong inisip kasi ang akala ko ay ipapakila niya ako as a friend because ayun naman talaga ang relationship namin in the first place.

Pero sobrang gulat ako as in nung pinakilala niya si Sir Wilson sa akin as her father and then akala ko tapos na but mas nashocked pa ako lalo nung sinabi niya kay Sir na she's dating me. I'm not prepared, yung gulat and kilig ko at the same time hindi ko alam kung paano ilalabas.

I really thought she's joking when she told her father about us but she's genuinely being serious with me.

I know she ain't my girlfriend yet but I do hope we're walking on the same path. Hindi ko naman siya minadali, she can take her time figuring things out, alam ko namang hindi madali e. I know she's confused, she's straight tapos ginugulo, 'di ba? Well, I'm really persistent and also I know that she's still dealing with some personal issues. Masaya lang ako dahil alam kong sinusubukan niya, she's opening her heart little by little. I'm glad na umabot kami sa ganito.

But whatever decision she will have at the end, I will whole heartedly accept it whether it hurts me or not.

"Lovey, wake up na." Gising ko sa kanya. Parehas kaming may work today pero mas maaga siyang kailangan sa University. "my god, you're so pretty." Bulong ko pa habang hinaplos ang mukha niya. Ilang minuto pa ang lumipas ay tumunog na yung alarm clock niya. Nagmulat naman siya ng mata at saka ako nginitian, akala ko babangon na siya pero isiniksik niya lang ang mukha niya sa leeg ko at mas niyakap ako ng mahigpit.

She's being too clingy and I love it! Pwedeng pwede niya na ako talaga gawing official girlfriend anytime, hindi ako magcocomplain!

"two minutes hug pa." Bulong niya with her sexy husky just woke up voice. Hindi na ko nagreklamo kasi gusto ko rin naman.


"mahal, hindi na ako nagluto ha. I ordered nalang, baka kasi malate ka pa." Sigaw ko habang inaayos ko yung breakfast na pina deliver ko. Mas kakain kasi sa oras if bibili pa ako sa convenience store then magluluto pa, mas matatagalan. Lumabas na din siya ng room niya na nakaayos na.

"I think you really need to have stocks in here." She only have water, choco spreads and apples sa fridge niya.

"Hindi na, sa condo mo nalang ako tatambay."

"Hindi pwede. Paano pag umalis ako? Puro take-outs ka na naman...Home cooked meals are great, love. You should try." I saw her pout, kahit alam kong ayaw niya susunod pa rin naman siya.

"Ang ganda mo." Hindi ko alam kung bakit ako biglang nahiya at kinilig sa sinabi niya. Ganon siguro talaga 'no pag yung taong gustong gusto mo yung nagsasabi ng mga ganitong bagay. Hay, my heart. "May shoot ka today?" Dugtong tanong pa nito.

Fate (gxg /complete)On viuen les histories. Descobreix ara