"Araw-araw naman akong maganda." Pagbibiro ko.

He smiled and seriously nodded, "You're right."

"Hindi ba muna kayo kakain here?" tanong ni Mama nang makalapit siya sa amin galing sa kusina. Katatapos niya lamang magluto.

Dahan-dahang umiling si Davis. "Thank you po, Ma. I would love to eat what you've cooked po... but," tumingin siya sa akin. "I prepared something po for Kourtney and me. I'm really sorry po—"

My Mom nodded, smiling. "It's okay, naku! I understand it very much." Humarap siya sa akin. "Feeling mahaba ang hair ng anak ko ngayon, ah?" pang-aasar niya sa akin.

"Ma, mahaba naman talaga ang hair ko."

"Una na po kami, Ma, Pa. Maraming salamat po." Sambit ni Davis bago nagmano kay Mama at Papa.

Sobrang sarap sa pakiramdam at s'yempre sa mata na makita siyang close sa parents ko. Para ngang mas anak pa nila si Davis kaysa sa akin. Mabilis lamang naka-close ni Davis sina Mama at Papa. Akala ko nga ay matatagalan dahil may time talaga na tahimik lang si Davis. Kaya alam ko talaga na, he tried his best, and is trying his best to be more communicative. Ayos lang naman sa akin kahit tahimik siya, it's not a problem. Hindi ko siya pinipilit na mag-ingay siya or what. Siguro.. kusa na niya talaga 'yon na nagagawa.

Lumabas kami sa bahay namin at sumakay na sa kotse niya.

"So, what did you prepared for me?" excited kong tanong pagkapasok.

He smiled before kissing my hand. He put his hand on my thigh.

"Wait for it." He playfully said, and winked.

Natatawa ko siyang hinampas sa balikat. "Ang cute mo kumindat."

"Parang puppy lang." Saad ko—kahit na sobrang hot niya right now, tapos kumindat pa. Ay nako talaga. P'wede na akong kunin ni Lord.

Hindi ko alam kung saan kami patungo. Basta'y sumama lang ako sa kaniya. Kapag kasama ko siya feeling ko walang mangyayaring masama. Kapag nariyan siya sa tabi ko, magaan ang pakiramdam ko. Kaya't kung saan man niya ako itahak ngayong gabi ay sasama pa rin ako at sasama.

Sa isang taon naming relasyon, nag-away kami at nagkatampuhan—gaya ng ibang relasyon. Minsan ay may mga araw na hindi kami mag-uusap dahil sa busy schedules namin. Minsan ay isang araw lang sa loob ng isang linggo kami nagdi-date. Pero, sa huli, uuwi at uuwi pa rin kami sa isa't-isa. Ganoon talaga siguro.

Wala namang relasyong perpekto.

Tinigil niya ang sasakyan sa labas ng building ng condo niya. Una siyang bumaba ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako.

"Thank you."

"My pleasure, my Tangi."

He held my hand as we walked. Madilim na ngunit malinaw na malinaw pa rin sa aking mga mata ang larawan niya. Nasa harapan ko siya habang hawak-hawak ang kamay ko.

Bigla siyang humarap para tignan kung ayos lang ako. I smiled and blushed. Hindi pa rin talaga ako sanay. Siguro dahil mas mahabang panahon ko siyang hinangaan—sa malayo. At ngayon sobrang lapit na niya. Nahahawakan ko na. Nalalapitan ko na. Naabot ko na.

Dala-dala ko ang paper bag sa kaliwang kamay, ang kanang kamay ko naman ay siyang hawak ni Davis.

Nagpunta kaming second floor kung saan naroon ang condo niya. Tumigil kami sa harapan ng condo niya. Huminga siya ng malalim na para bang kinakabahan.

I smiled. "Tangi, huwag kang kabahan. Ako lang ang kasama mo." I said. "Ako lang 'to, okay? Don't be nervous just because your crush is here."

He opened the door. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang hawak pa rin ako. Sumunod ako sa kaniya.

Save The Last Song For MeWhere stories live. Discover now