Chapter 2

508 43 30
                                    

Music club

"Bakit kaya hindi niya ako pinapansin? Parehas naman kami ng interests... Arts and music!" pangungulit ko kay Elysia.

She signed. "Paulit-ulit ka naman," inis niyang sambit. Toyoin talaga itong si Elay, pero kahit ganyan siya mahal ko pa rin siya. Baka Kourtney mapagmahal 'to.

"Huwag mo ngang kulitin ang bebe Elay ko," singit ni Axel nang makalapit sa amin. Inabot niya kay Elay ang kwek-kwek na binili. Sa akin naman ay palamig. Umupo siya sa harapan namin.

Nasa plaza kami ngayon dahil tapos na ang klase at nagyaya akong mag food trip. Kahit kwek-kwek lang at palamig, okay na, ang mahalaga mabusog ko sila sa mga chika.

"Ano gagawin mo?" tanong ni Axel. Kinunotan ko siya ng noo. "I mean, aamin ka na ba?"

Mabilis akong umiling at tumawa. "Crush ko lang siya pero hindi ako aamin!" sigaw ko. Sa tagal kong naging crush siya, ay never akong umamin. Puro papansin lang gano'n. Kaya na rin siguro walang nangyayari. Ayako mag-first move 'no! Hanggang papansin lang ako.

"Magkalapit lang naman kayo. Bakit ang lalakas ng boses niyo?" inis na tanong ni Elay habang gumagawa ng reviewer niya. Bahagya niyang tinakpan ang tainga niya at busangot na humarap sa amin.

Napatiklop ang bibig namin parehas ni Axel. Sa aming tatlo si Elysia ang pinaka mature.  Maingay din naman siya minsan pero sa ka-close niya lang. Mabilis din uminit ang ulo niya. Ganan lang talaga siya, pero mabait 'yan. Nasa loob ang bait.

Kami naman ni Axel parehas walang hiya. Kahit nasa maraming tao kami wala kaming pakialam. Tumatawa pa nga ako nang malakas in public at hindi ako nahihiya. Ganoon kakapal ang mukha ko. But—nilulugar ko naman.

Pero hindi ko kayang mag-confess. Hindi bali na lang kung may magbibigay sa akin ng isang milyon—char. Hindi ko talaga kaya.

"Si Kourty kasi," nakangusong sambit ni Axel habang dinuduro ako. Pinanlakihan ko siya ng mata. Ako pa ngayon ang sinisi!

"Para kayong mga bata. Baka nakakalimutan n'yo, college na kayo," paalala ni Elay habang tumutusok ng kwek-kwek.

"Penge," sabi ni Axel. Sinubuan naman siya ni Ely. Umirap ako. Sana all sinusubuan. Huy! Anong subo ang nasa isip mo? Ice cream. Miss ko na mag-ice cream.

"Bakit, porket ba college na, hindi na pwede mag astang bata?" nakangusong tanong ko habang inaalala pa rin ang lasa ng ice cream. Makabili nga mamaya.

Umirap ulit ako dahil hindi nila ako pinapansin at panay kain lang sila. Hindi ako na-inform, kailangan pala by partner kapag kakain. Hindi man lang ako sinabihan! Edi sana niyaya ko na si Davis kumain. Pero, charot-charot lang. As if naman kaya ko siyang ayain kumain.

Tinitigan ko na lang silang dalawa habang sinusubuan ni Elay si Axel. Bagay naman sila. Pero mas para silang mag-kapatid. Hindi ko alam kung alam ni Elay na may gusto sa kanya si Axel, kaya rin siguro walang malisya sa kanya. Pero kay Axel, panigurado kinikilig na iyan. Gwapo si Axel. Hindi maipagkakaila. Maraming nagkakagusto sa kanya pero lagi niyang sinasabi taken siya. Patay na patay ba naman kay Elysia. Support ko naman sila if ever na maging sila. It's their choice. Pero kung hindi man maging sila, okay lang din. Basta ba walang masasaktan sa kanila. Ayako lang may masaktan sa kanila.

"Dadaan ba kayo sa amin?" tanong ko.

Madadaanan kasi nila ang bahay namin. Nasa iisang barangay lang naman kami, kaya lang purok tres ako at sila ay purok quatro.

"Tambay tayo," pag aya ko sa kanila. 

"Marami pa akong gagawin.." sagot ni Elysia. She looks tired. "Pass muna ako ngayon."

Save The Last Song For MeWhere stories live. Discover now