"Where's Millicent?"

Nadinig ko ang kanyang baritonong boses. Saglit akong tumayo at ang salamin sa pinto ng CR ay tinakbo ko para makita ang aking itsura. Nang makita kong hindi naman ako gusgusin sa paningin ay lumabas ako.

Nadatnan ko ang nakaakbay na si Phoenix sa dalawa kong kapatid. Sa mesa ay may dala siyang mga pagkain galing sa isang fast food chain. Sa tabi din nito ay may mga gamot na para kay nanay.

"Ano ang mga iyan, Phoenix?" Tanong ko at ibinaling ang tingin sa kanya. Ayokong iniispoil niya ang mga kapatid ko.

Kusa namang umalis sa pagkakaakbay niya ang mga kapatid ko at lumabas na ang mga ito.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Agad naman akong umatras hanggang sa nadama ko ang likod ko na nakadikit na sa aming mesa.

"You didn't sleep." Nakorner niya ako. Sa magkabilang tagiliran ko ay ang mga kamay niya. "Dark circles around your eyes. Pale face." Galit ang tono ng kanyang boses. "Are you trying to kill yourself Millicent?"

Humiwalay siya at seryosong binalingan ang kanyang mga dala.

Humarap ako sa kanya. Masama ang kanyang tingin sa akin na para bang kasalanan sa kanya ang hindi ko pagtulog.

He's right. Hindi pa ako nakakatulog simula kagabi dahil kinailangan kong magtinda ng mani sa plaza. Hindi iyon alam ng mga kapatid ko. Hindi rin alam ni nanay. Pero hindi na naman bago sa akin ang gawaing iyon dahil noong bata pa ako ay sumasama na ako sa pagtitinda ni nanay habang nasa trabaho ang tatay.

"I saw you last night, Millicent." Mas lalong lumamig at tumigas ang kanyang boses. "I saw you at the park. Sinong maysabi na magtrabaho ka sa gabi-"

"I needed to do that, Phoenix." Putol ko sa kanya. "Kailangan ko na naman ng pera at ayoko nang iasa pa sayo ang tungkol dito. Hiyang-hiya na ako. Kailangan ni Nymph ng pera para pambayad sa tour nila." Umikot ako at iniwas ang tingin sa kanya.

Hinawakan naman niya ang aking braso. Hinigit niya ako at muling pinatingin sa kanyang mga mata.

"How much do you need?" Titig na titig siya sa akin.

Umiling ako. "No. You won't give me. Hayaan mo na lang akong magtinda. Wag mo na akong pakialaman Phoenix."

Marahas niyang binitawan ang braso ko. Saka ko narinig ang pag-ungol ng nanay. Agad kaming tumakbo papasok ni Phoenix sa kwarto ng nanay.

"Nay ayos lang ho kayo?" Tanong ko. Nakaupo na siya. Hinaplos ko ang kanyang ulo na ngayon ay wala na kahit ni isang buhok.

"A-ang aga-aga nagtatalo kayong dalawa. Ayos lang kayo?" Hindi niya pinansin ang aking tanong. "Phoenix, nag-agahan ka na ba, Hijo?"

"Opo nay." Malambing niyang nginitian ang nanay.

Parang hinaplos ang puso ko nang sumilay ang ngiti sa labi ng nanay. Alam niya na tinutulungan kami ni Phoenix. Maging siya nga ay nahihiya pero ang sabi ko 'wag na siyang masyadong mag-isip. Sa tuwing nagtatanong siya kung paano ako makakabayad ay madalas kong ibahin ang usapan.

Pagkatapos naming tignan ang nanay ay agad tumungo si Phoenix sa lamesa. Naghanda siya ng pagkain. Akala ko ba kumain na siya?

"Eat now. I know you're not having your breakfast yet." Pinag-isod niya ako ng upuan.

Sumunod naman ako dahil ayoko ng magtalo kami.

Malamig kung pakitunguhan ko siya. Pero kahit kailan ay hindi nawawala sa isip ko na siya ang tumutulong sa amin.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

Umupo siya sa aking harapan. Ngumisi siya. Ayan at bumabalik na siya sa pagkamaloko niya. Kilala ko siya. Highschool pa lang ay sobra siyang maloko. Sa ngisi niya ay madaming nahuhulog na mga babae.

SurrenderWhere stories live. Discover now