Epilogue (Part 1 of 2)

Start from the beginning
                                    

"Long time no see." Sabi na lamang ni Dustin at ngumiti ng tipid rito.

"Dalawang linggo narin..." Kalmadong sambit ni Ponzi saka saglit na nilibot ang kanyang paningin, "K-kamusta na?" Tanong pa nito na para bang naiilang.

"Nakakapanibago pero mas mabuti nalang 'to kumpara sa pasilidad ni Tatang." Biro na lamang ni Dustin upang maibsan ang pagka-ilang sa pagitan nilang dalawa. "Nga pala, kung pinipilit ka lang ni Sisa na bisitahin ako dito, pagpasensyahan mo nalang siya. Tandaan mo nalang na baliw 'yon." Pag-iiba ni Dustin ang usapan dahilan para umiling si Ponzi.

"Hindi niya ako pinilit." Tipid na sambit ni Ponzi dahilan para mapangiti si Dustin, "Nga pala kinakamusta ka ni Sisa at pinapatanong niya kung napapanaginipan mo pa ba daw sila?" Pag-iiba ni Ponzi ng usapan.

Umiling-iling si Dustin, "Pagkatapos ng nangyari sa pasilidad, hindi ko na ulit sila nakikita o napapanaginipan."

Biglang may hinugot si Ponzi mula sa bulsa niya at inabot ito kay Dustin dahilan para makunot ang noo nito sa gulat—isang flashdrive.

"HD?" Tanong na lamang ni Dustin.

"HD. 8GB. Disney at Marvel films. Latest." Walang emosyong sambit parin ni Ponzi.

"Legal?" Tanong ulit ni Dustin dahilan para mapangiwi si Ponzi.

"Bok 'wag mong k-kwestyunin ang kapangyarihan ng Torrent!" Giit ni Ponzi at sa unang pagkakataon, matapos ang lahat ng mga nangyari, nagawa nitong ngumiti kay Dustin—isang totoong ngiti, bagay na labis ikinatuwa at ikinagaan ng kalooban ni Dustin.

***

Matapos makalabas mula sa Crimson Lake City Jail ay agad na napabuntong-hininga si Ponzi na animo'y gumaan na ang pakiramdam. Agad siyang nagtungo sa Parking lot kung saan naroroon si Sisa at naghihintay sa kanya.

Habang naglalakad siya papalapit sa kotse ay nakita niya Sisa na ngayo'y kulay pula na ulit ang maiksing buhok. Hindi matanggal ang ngiti sa mukha ni Ponzi habang tinititigan si Sisa na nakaupo sa bumper ng sasakyan at karga-karga ang isang sanggol habang inaaliw ito. Kitang-kita ni Ponzi ang saya sa mukha ni Sisa ngayong kasama na nito ang anak ng kaibigan kaya maging siya'y labis ring natutuwa para sa minamahal.

"Mommy na mommy ka na ah?" Biro ni Ponzi at agad na hinalikan si Sisa sa pisngi nang tuluyan siyang makalapit dito.

Nakangiti man, nanlisik ang mga mata ni Sisa, "Ponzilita pasalamat ka may dala akong bata, kundi mapapatay na kita." Pagbabanta ni Sisa na malambing parin ang pananalita dahil sa kargang sanggol na panay ang ngiti at likot.

Natawa si Ponzi at naupo sa tabi ni Sisa, "Naku, salamat baby at macha-chansingan ko na ng non-stop si Sisabog!" Biro ni Ponzi sabay kurot sa matambok na pisngi ng sanggol at walang ano-ano'y muli na namang hinalikan si Sisa na hindi na nakailag pa.

"Aba ulol ka talaga eh no, humanda ka talaga sakin Agapi—" Hindi na natapos pa ni Sisa ang sinasabi nang mabilis siyang hinalikan ni Ponzi sa labi, "Ponshito naman eh! Tang—"

"May dala kang bata, wag kang magmumura!" Paalala ng nakangising si Ponzi kaya napairap na lamang ang dalaga.

"Humanda ka sakin mamaya, ako naman mangcha-chansing sayo!" Biro ni Sisa habang nakasimangot parin sa binata.

Lalong napangisi si Ponzi at niyakap si Sisa mula sa likuran. Kapwa aliw na aliw sina Sisa at Ponzi habang pinagmamasdan ang masiglang sanggol na pinaglalaruan ang mga daliri ni Sisa. 

Never Cry MurderWhere stories live. Discover now