Chapter 08.02 : A Silhouette

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi s'ya kilala ni Ashly."

Nahinto sa paguusap ang tatlong matatanda at napalingon sa kan'ya nang bigla s'yang magsalita.

Hhuminto s'ya sa pagguhit. Nagangat ng tingin at walamg emosyong sinalubong ang tingin ng opisyal na nagpakilala sa kan'ya bilang Gregory.

"Hindi ko rin s'ya kilala dahil di naman kami masyadong nakikihalobilo ni Ashly kahit kanino. Kaming dalawa lang ang palaging magkasama. Kaya maaaring konektado s'ya sa pinagkukuhanan namin pero nasabi ko na sa inyo kung sino s'ya."

Napatango-tango ang kausap.

"Mukhang maling pangalan ang ibinigay mo. Matanda na at matagal nang patay si Nielson Romero." Sumeryoso ang opisyal, "Isa s'ya sa mga namatay sa nangyaring raid two years ago-"

Natigilan si Samantha sa sinabi nito. "Pero hindi s'ya matanda..." Napaiwas ng kan'yang tingin ang dalaga at napatitig sa sahig pagkunwa'y muling nagangat sa kausap.

"Tama, kung peke nga ang pangalang gamit n'ya... Maaari n'yo pa ring malaman kung sino s'ya diba? No'ng nakaraan binisita ako ng mga kasama n'yo, hindi pa ako masyadong nakakapagisip ng maayos... Pero kakaiba s'ya, sigurado na talaga ako ngayon, hindi s'ya Pilipino."

Napatitig sa kan'ya ang opisyal pagkunwa'y napatango nalang at may kinuha mula sa loob ng sariling jacket. "Nabasa ko ang statement mo last time, hindi man malinaw pero base sa pahayag mo at sa kaalaman ko, maaaring ito nga ang lalaking iyon." anito at naglabas ng larawan ng isang lalaking vietnamese na nasa kan'yang late 20's pa lamang.

"S'ya si Oliver, isang drug pusher na ilang beses na ring naaresto matapos mahuling nagbebenta ng droga. Ngunit walang record na nasasangkot s'ya sa mga pagpatay maliban sa pagbebenta ng droga. Nakuhanan na rin namin s'ya ng statement at nagtugma ang lahat. Higit sa lahat, noong araw na pinatay si Mrs. Andersen ay nasa ilalim s'ya ng pagbabantay ng mga pulis dahil sa isang operasyon."

"Wala tayong ebidensya na s'ya nga ang umatake sa inyong dalawa noong gabing iyon."

Natigilan si Samantha sa narinig. Natahimik s'ya at unti-unti na lamang na napayuko. "Kung gano'n..."

"Sino ang lalaking iyon?" Napatitig s'ya sa iginuhit n'yang larawan ni Ashly.

Ilang buwan na nga ba?

Ah... Hindi...

Magiisang taon na...

Magiisang taon na simula nang patayin ang matalik n'yang kaibigan sa mismong harapan n'ya...

Ang ingay ng mga sigaw,
Hiyaw sa takot ni Ashly sa harapan n'ya habang s'ya ay lunod na lunod sa droga.

Ah... Tama... Wala s'yang ginawa...

Nakangiti lamang n'yang pinanood ang senaryo habang pinupugutan sa harapan n'ya ang walang kalaban-labang si Ashly...

"Ms. Samantha-"

"Ang! Ang boyfriend n'ya...! Ang boyfriend n'ya, nakontak n'yo na ba s'ya?"

Umiling ang opisyal. "If you're pertaining to his ex-boyfriend... Ayon sa statement mo, the day Ashly Andersen died, it's the day of the wedding of Mr. Alexander Felarca. Nagpunta s'ya sa'yo dahil ikakasal na ang ex-boyfriend n'ya. Mukhang nakalimutan mo na Ms. Guerrero..."

Hindi s'ya nakaimik. Maging s'ya tila hindi na n'ya maintindihan pa ang mga nangyayari. Napakagulo ng isipan n'ya. Tila hindi na n'ya ito maipagtugma-tugma.

"Ms. Guerrero, tutal kayang-kaya mo namang gumuhit at ang sabi mo nakita mo ang mukha n'ya. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa-"

Nagulat ang lahat at napabaling kay Samantha nang bigla na lamang s'yang tumayo ng wala sa oras.

Napaatras pa s'ya kung kaya't natigilan ang opisyal at napaangat nalang ng tingin sa kan'ya. Tila nagulat rin sa kan'yang naging reaksyon.

Napaiwas ng kan'yang tingin si Samantha at napatitig sa puting tiles.

"Malabo. . ."

.

"Mausok. . ."

.

"Mausok ang paligid. . ."

.

"Para akong nasa gitna ng isang madilim na kagubatan..."

.

"Malamig at nananakit ang ilalim ng mga paa ko sa mga maliliit na sanga. . ."

.

"Hindi ko s'ya mailarawan. . . Pero kitang-kita ko kung paano nagmakaawa sa kan'ya si Ashly. Pero sa tuwing tinitingnan ko s'ya, parang isa lang talaga s'yang anino..."

.

"Pero..."

Binalingan n'ya ang opisyal at napatitig rito pagkunwa'y unti-unting napatulala sa kawalan.

"Bulto s'ya ng isang lalaki..."

RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon