OLDWY -13

23 4 0
                                    

"Love can sacrifice everything, even if the most valuable one"

Yurah POV'

Sa kalagitnaan ng pagbuhos ng ulan ay pilit kung sinisigaw ang pangalan ni Ichiro, nagbabasakaling lumitaw siya.

Ngunit nakailang sigaw na  ako ay walang dumating, hindi pa rin siya nagparamdam.

Nasobrahan ba ako sa sinabi kanina,all I want is to help him masama ba? dahil ba walang kaming label ay wala akong karapatang tulungan siya ang babaw naman kung ganon, Kainis!

"Yurah, anong ginawa mo riyan bata ka! jusko balak mo bang magpaulan"sermon ni Manang sakin

"May naiwan kasi ako Manang, kaya hinanap ko" Saad ko sa matanda.

"Bukas mo nayan hanapin, baka magkasakit ka pa " Ani niya at inalalayan akong maglakad, sobrang basa na rin kasi ng daan.

"Ikaw hija, hindi porket wala rito ang iyong ama, ay pababayaan mo na ang iyong sarili" mahinahong saad ni Manang.

Naalala ko naman si Dad na simula nung pinatapon niya ako rito sa probinsya ay hindi niya na ako dinalaw, tanging sekretarya lang niya ang pumunta rito upang kumustahin ako.

"Éwan ko Manang, baka kinalimutan niya na talaga ako"malungkot kung ani sa matanda.

"Hija, hindi yan magagawa ng ama mo, may mga dahilan siya kung bakit ka niya rito iniwan"aniya

"Kung ano man yan Manang, wala na akong paki alam, wag nalang natin siyang pag usapan" Saad ko at naunang pumasok sa mansion, napabuntong hininga naman si Manang bago sumunod.

Kung ano man ang dahilan niya, ay wala na ako dun, mula nung tinapon niya ako rito ay inisip ko na rin na wala na akong ama, pagod na akong intindihin siya.

Hindi ko namalayan na makatulong na pala ako, at nagising nalang ng may kumatok sa pintuan.

"Yurah, may bisita ka" Saad ni Iryn kumunot naman ang noo ko dahil sa narinig, wala naman akong inasahang bisita sakin ngayon.

"Sino ang aking bisita Manang?" tanong ko kay Manang na nakangiting naghahanda ng meryenda.

"Tingnan mo na lang sa salas, hindi mo pala sinabi sakin na may gwapo kang manliligaw" ngiting aniya at tila kinikilig

What the fudge! manliligaw, sino?

Gulong gulo akong pumunta sa Salas at naabutan ko roon ang isang lalaking nakatalikod ng upo sa sofa.

Bigla naman akong kinabahan ng makita ang buhok niya, kulay abo.

Ichiro?

"Anong ginagawa mo rito?"mahina kung tanong, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng makita siya rito akala ko ba y hindi siya maaari sa umaga.

Nang humarap ito sakin ay parang biglang naglaho ang lahat ng pakiramdaman ko at napalitan ng matinding inis, parang gusto ko ring pumatay, at saksakin ng ballpen ang taong kaharap ko ngayon.

"Govlin  Texas Amarillo"malakas kong sigaw at agad itong sinabunutan,

"Aray! aray? Yurah naman e, ang brutal mo naman, sadyang miss mo na ba talaga ako"impit na sigaw nito, hindi ko parin ito tinigilan at lahat ng dinaramdam kong inis ay binuhos ko sa buhok niya.

"Jusko! anong nangyayari rito"agad na sambit ni Manang ng makitang dinaganan ko na si Govlin.

"Manang, itong alaga mo ay sadyang napakalupit"parang batang sumbong ni Govlin.

"Anong ginagawa mo ditong buwisit ka, akala mo ay makakalimutan ko ang ginawa mong kasalanan, alam kong ikaw ang nagsumbong kay Dad sa mga pinagagawa ko, traydor ka"inis kong sigaw sa kanya at pilit siyang hablutin, pinag-gigitnaan kasi kami ni Manang.

One Last Dance With You Where stories live. Discover now