OLDWY -1

58 6 0
                                    

"Makalipas ang isang daang dekada ay muli nating masaksihan ang kanilang pagmamahalan sa pangalawang pagkakataon, sa ibang kaanyuhan."

—2020

   

  

    YURAH POV,

"You can't do this to me Dad" matalim kung saad sa ama kung balak akong ikulong dito sa hacienda na pagmamay ari ng aking Tita na kapangalan ko,

"I swear i can do this Yurah, hanggang hindi ka magtanda" Saad nito sakin

"Dad, paki usap magbabago na ako, hindi na ako maghahanap ng gulo, please don't do this to me, i swear dad promise" paki usap ko sa ama kung bugnutin na matalim na nakatingin sakin kasama ang body guard niya, napakawalang hiya talaga.

"Ilang beses ko na iyang narinig Yurah pero uulitin mo parin, hindi kana nagtanda, ubos na ang pasensya ko sayo" ani nito at wala na akong magawa pagod narin akong makipag bangayan sa kanya.

Bahala na nga siya, maghahanap nalang ako ng paraan para makaalis dito.

"You'll stay here hanggang sa magtanda ka" walang emosyon niya akong tinapunan ng tingin at bumaling kay Manang Tanya.

"Aalis na ako dahil may meeting pa akong pupuntahan, ikaw na ang bahala sakanya Manang Tanya" aniya at humakbang paalis.

"Oo naman Don Guerrero ako na pong bahala sa nagiisa niyong prinsesa" saad ni Manang napasimangot naman ako dahil mukhang wala na talaga akong magagawa.

Nang makaalis si Papa ay agad akong pumunta sa kwarto upang makapagbihis, naisip ko naman ang kaibigan kong may pakana nito at talagang malilintikan iyon pag nagkita kami, siya na naman ang nagsumbong kay Dad sa kalukuhang ginawa ko.

"Hija, halikana at kumain naghanda ako ng paborito mo" saad ni Manang Tanya sakin.

"Sige po Manang, susunod ako" sabi ko at pinagpatuloy ang pagsusuklay, wala na talaga akong pagpipilian kundi ang mag stay rito ng dalawang taon, kung nandito lang sana si Mommy ay hindi mangyari sakin ito, hindi sana maging ganito ang ugali ko.

Mom I miss you very much.

Nang makababa ako ng hagdan ay agad kong naamoy ang bango ng adobong manok, amoy palang ay talagang nakakatakam na, dumiritso ako sa kusina at nakita si Manang na naghahanda kasama ang isang dalagitang hindi ko kilala.

"Iha, nandyan ka na pala" saad ni Manang at ngumiti.

"Syanga pala siya si Iryn ang aking pagmangkin, katulong ko siya rito sa mansyon niyo mga ilang taon narin ang lumipas" dagdag nito

"Magandang hapon Señora Yurah"bati nito sakin agad namang umasim ang mukha ko ng marinig ang salitang Señora, nagmumukha tuloy akong sinaunang babae

"Naku Iryn, Yurah nalang ang itawag mo sakin nakakatanda ang Señora" ani ko at napayuko naman ito

"Masusunod Señ-Yurah po nga pala" nahihiyang ani nito at napakamot sa batok.

"Mas mabuti pang sabayan niyo nalang akong kumain" saad ko, nung una ay hindi sila pumayag ngunit kalaunan ay napilit rin.

"Sya nga pala Iryn, saan ba banda dito sa hacienda ang magandang pasyalan?" tanong ko sa kanya.

"Kung gusto niyo po ay sa hardin, maaari namang sa lawa, pwede ring sa farm" ani nito.

"Ah sa labas, dito sa community niyo may magandang lugar ba na maaaring pasyalan?" ani ko.

"Marami po Yurah" sagot nito, Teka nga ilang taon naba ito, po ng po e

One Last Dance With You Where stories live. Discover now