Feliciana,bulong nito,ang babaeng may kagagawan sa kanyang sitwasyon.

Patuloy sa paglalakad ang binata at hindi ininda ang pwersang pumipigil sa kanya, hanggang sa unti unti siyang nakaramdam ng panghihina at lubos rin ang kanyang paghinga, pero sa bawat paghihirap niya ay alam niyang may nagmamasid sa kanya mula sa bintana ng malaking mansion, hindi niya alam ang maramdamang pagkat' bakit hindi siya nito magawang tulungan man lang.

Araw Araw hindi sumuko ang lalaki, patuloy parin ito sa kanyang ginagawa at umasang makawala siya, ngunit bigo parin kahit anong subok niya.

Hangang sa dumating ang araw na wala na siyang magagawa at sumuko nalang, naghihintay na may tulong na darating kahit walang kasiguraduhan.

Bigla namang nagiba ang eksena at natanaw kung kaharap nito ang isang magandang babae.

"Anong ginagawa mo rito sa'ming hacienda Ginoo? tanong ng babaeng kamukha ni Yurah.

"Nakikita mo ako?"tanong ni Ichiro pabalik, hindi nito alam kung anong magiging reaksiyon dahil sa unang pagkakataon na may nakita sa kanya.

"Naguguluhan ako sa iyong sinabi Ginoo, pero maaari bang malaman ang iyong pangalan?"ngiting sambit ng babae

"Ako si Ichiro"sagot nya.

"Napakaganda ng iyong pangalan, may lahi ka bang hapones" ngiting saad ng babae at kumunot naman ang noo ni Ichiro, at naiinip na.

"Nakakatuwa ka Binibini,ang daldal mo tanong ka ng tanong, maaari bang ang tanong ko naman ang iyong sasagutin, Sino ka?at Paano mo ako nakita?hindi normal sa isang ordinaryong tao na tulad mo ang makakita ng isang kagaya ko" saad nito sa babae

"Ako si Yurah Guerrero, ang nagiisang anak ng nagmamay ari nitong hacienda na iyong tinatapakan, at hindi ko alam kung anong ibig mong iparating basta't ang alam ko lang ay narinig ko ang iyong boses na namimilipit sa sakit kaya nilapitan kita at nakitang pilit kang kumawala sa pagkagapos ngunit wala namang kahit ano na nakakasakit sa iyo"mahabang paliwanag sa kanya ng babaeng nagngangalaang Yurah.

Naguguluhan naman ako sa nangyari, bakit kamukha niya si Yurah at kapangalan?

Posible kanyang may reincarnation na nagaganap?

Kasabay ng paglaho ng eksena at pagpasok ng hindi ko inasahang kahahantungan na mangyayari.

Hawak hawak ng babae ang isang kakaibang patalim, kaya nagulat at nabahala si Ichiro, lalo na sa inasta nito na iba sa nagdaan.

"Ano ang iyong gagawin sa patalim na iyan Binibini, ibaba mo iyan 'pagkat maaari lang masugatan"alalang saad ni Ichiro ngunit ngumiti lang ang babae.

"Sana pagkatapos nito ay maging malaya kana, masaya akong makilala ka, aking Señorito"nakangiting saad niy at unti unting binaon ang patalim sa kanyang dibdib.

"Hindi, wag mong gagawin iyan"sigaw ni Ichiro ngunit huli na naibaon niya na sa bandang puso.

Paalam Ichiro, kahit hinanghina na ito ay nagawa parin nitong ngumiti.

"Hindi maaari, bakit mo iyon ginawa" Saad nito at unti unting tumulo ang kanyang mga luha

"Aking Señorito, ako y lubos lang na nagmamahal sa iyo, nais kong Ikaw ay makalaya sa kadiliman, wag mong sisihin ang iyong sarili pagkat ninais ko ito" nahihirapan niyang saad

"Hindi"sigaw ni Ichiro at unti unting naglaho

TE AMO Señorito Ichiro, bulong ng babae, kasabay ng paglaho nito ay ang pagitim ng mga bulaklak sa hardin.

"Magandang Umaga aking Señorita"ni Ichiro at hinagkan sa labi ang babae.

Anong,paano at bakit?-gulong gulo na ako sino ba talaga ako, alaala ko nga ba to.

Mariin na naman akong napapikit ng sumakit ulit ang aking ulo at hanggang sa nawalan ako ng malay.

Pero bago yun ay may nakita akong bulto ng babae na papalapit sakin,

"Rest for now, Ichiro Fildrieth,"mahinang bulong niya at hinaplos ang pisngi ko,kasabay ng tulayan kong pagpikit ay ang unti unting paglitaw ng kakaibang ngiti nito sa labi.

Nagising ako sa malamig na simoy ng hangin, maingat akong bumangon,napansin ko namang gabi na pala ngunit walang bituin na nagpakita, kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagtulo ng aking mga luha na, natawa namang pinunasan ito.

Sa wakas ay nagbalik narin ang aking alaala, ilang taon narin akong namamalagi rito, buhay pa kaya ang aking pamilya? hinihintay pa kaya nila ako?,maraming katanungan ang aking isip at kailangan ko itong mahanapan ng kasagutan.

Naalala ko naman ang sinabi ni Dale kanina, she want to help me at Tama lang ang ginawa kung pagtataboy sa kanya kahit masakit at labag sa kalooban ko, ayokong may magbuwis buhay pa sakin, tama na ang kapatid ng kanyang ama, ayoko ng makapurwisyo pa.

Tumayo naman ako at dalawin sana sa silid si Dale, ngunit ng makailang habang ako ay nararamdaman ko naman ang sinapit ko noon, ang pwersang pumipigil sakin sa gusto kong puntahan, napaupo nalang ako at naghihina, hindi ko na ulit magagawa ang ginagawa namin ni Yurah.

Naalala ko naman ang babae kanina bago ako tuluyang nawalan ng malay, posible kayang siya ang dahilan nito, posible rin ba na Siya si Feliciana, hindi naman imposibleng buhay pa ito sa pagkat isa siyang mangkukulam.

"Ichiro"isang tawag ang tila bumuhay sakin, nakita kong naglalakad papalapit si Dale sakin at may hawak na payong, ngunit naalala ko pala na hindi na ako makaalis sa lugar nato.

"Ichiro! nasan ka please sumagot ka" sigaw niya at nilagpasan lang ako balik na naman ako sa dati, yung walang ibang makakakita at tila hindi nabubuhay.

Napangiti naman ako at mapaklang tumawa, so ito talaga ang kapalaran ko, ang habang buhay na makukulong sa kadiliman.

The shadow in the darkest night.

I'm sorry Yurah, mukhang hindi ko talaga matutupad ang promise mo, i can't be happy, dahil simula umpisa wala akong karapatang magsaya.

One Last Dance With You Donde viven las historias. Descúbrelo ahora