Simula

1.2K 33 4
                                    

Ilang araw matapos magsimula ang klase. Ibinalita na maaari nang pumasok sa eskwelahan.

Tatlong taon matapos hindi makalabas ng bahay dahil sa matinding virus na kumalat kama-kailan lang, Panigurado ay ito na muli ang pangalawang taon na magkikita kita ang lahat bilang magkaka-klase.

Bago tumuntong ng second year ay nagsimula na ang pandemya kaya naudlot ito. This year they're probably in Seniors now.

"Ano na kaya mga itsura ng mga yon?" Celestina Alarice Formentera  said while combing her hair. Masaya ito ngunit kinakabahan din ng sabay. Hinanda niya ang sarili niya para sa pasukan, halos mukha na nga itong bampira dahil sa kaputian nitong balat.

Ikaw ba naman ang hindi gumala ng tatlong taon at puro bahay lang.

"I'll go now, mommy!" Pagpapaalam ni Indica Sapphire Clemente sa kaniyang mestisang ina na namana niya kung kaya't nakinang sa araw ang balat nito.

May sarili itong tagahatid at sundo na sasakyan kaya hindi ito nahihirapan tuwing papasok o uwian, typical sa mga mayayaman.

"Putek! Ang pait mo naman magtimpla!" Reklamo ni Celina Gwen Lopez sa kaniyang Kuya. Muntik pang matapon ang maitim na kape sa kaniyang maputing uniform, kapag nagkataon ay magpapalit na naman siya ng bago.

Ngumisi lang ang kaniyang nakatatandang kapatid na halatang nang aasar, nasisiyahan itong nakikita na nag-gagahol sa oras lalo na kapag pasukan.

"Oo na! Oo na! Uuwian ka na ng pasalubong ni Kuya!" Naiiritang sagot ni Waylen Hayes Soriano sa kaniyang kapatid na si Wyn. Kinukulit na naman kasi siya nito na bilihan ng mga abubot na laruan sa tapat ng school nila.

Kahit ayaw niya ay wala naman siyang magagawa kundi pumayag dahil hindi siya nito titigilan at baka ma-late pa siya.

"Kung nandito lang si Mommy paniguradong may sarili akong sasakyan at hindi ko kailangang magtiis sumabay dito." Nalulungkot na sambit ni Freina Reiline Castillo habang sumasabay sa School Service ng ibang School, nadadaanan kasi nito ang School nila kung kaya't sumasabay nalang siya kesa gumastos araw araw.

Kahit pa pinagtitinginan siya ng mga ibang estudyante sa loob ng bus ay pinilit nalang niya iyon ipagsawalang-bahala.

"Maayos naman ang necktie ko, Ma. Let me do it myself." Nahihiyang sambit ni Matthias Nixon Samaniez sa kaniyang ina. Sadyang malambing ang ina ni Matthias sa kaniya sapagkat nag-iisang anak lamang ito at lalaki pa.

Kaya tuwang tuwa ang daddy niya ng malamang lalaki ang anak niya, Dahil ito ang magtutuloy ng negosyo at mga lupain nila.

"Mga siraulo! Wala akong boyfriend kaya walang sasabay sa'kin!" Sigaw ni Eileithyia Cielle Juarez sa dalawang kambal na kaniyang kapatid. Pinagalitan pa siya ng kaniyang Ama na nasa screen lamang ng laptop dahil sa tabas ng dila nito.

Humagikgik lang ang kambal dahil sa biro nilang may sasabay daw sa kanilang Ate papasok sa School. Pero kahit wala ay umasa siya ng kaonti na susunduin siya ng hinihintay niyang tao..

"Alright, Take care Dad." Maikling sagot lang ni Ryuu Alistair Matsumoto sa kaniyang Ama na naghatid mismo sa kaniya.

Didiretso na rin ang kaniyang Ama sa office ng principal dahil ipinatawag ito para sa meeting ng mga stakeholders.

"Nasan yung isang pares ng medyas ko! Bakit wala dito!" Sigaw ni Lauren Ivy Gremore sa kaniyang kwarto habang naghahalughog sa kaniyang cabinet.

School Of Elites  Where stories live. Discover now