Chapter 2

4.7K 96 21
                                    

"Sebastian!" Kaagad siyang lumundag papunta sa'kin pagkabukas ko pa lang ng pinto. Muntik pa kaming matumba.

"Nangyari sa'yo?" Kunot noong tanong ko pero agad din akong nakabawi nang mapansin ko ang abot tenga na ngiti niya at sigurado akong masaya siya ngayon.

Dumiretso ako sa loob at inihagis ang bag ko sa couch saka naghubad ng polo.

"Hulaan mo," nakangiting sabi niya.

"May trabaho na 'ko!" Tuwang tuwang dagdag niya bago pa man ako makapag-isip ng kung ano ang dahilan kung bakit siya masaya.

May trabaho na siya? Mabuti naman at may magagawa na siyang matino sa buhay niya bukod sa panggugulo sa buhay ko. Sa wakas ay may pagkakaabalahan na rin siya at magkakaroon na ako ng katahimikan.

"Mabuti naman! Teka, damit ko ba yan?" Tanong ko nang mapansin ko ang kulay pulang T-shirt na suot niya.

"Bagay ba?" Umikot siya para ipakita sa'kin ang kanyang hitsura. Wala namang pinagkaiba 'to sa normal niyang hitsura. Akala ba niya ay magmumukha siyang tao kapag sinuot niya ang T-shirt ko?

"Hubarin mo nga yan. Pati T-shirt ko sinusuot mo!" Inis kong utos. Mabuti sana kung marunong siyang magpaalam.

"Damot mo! Puta. Parang pahiram lang." Walang kaabog-abog niyang hinubad ang suot niyang damit. Napanganga ako. Nakalimutan ko na napakadali nga pala kausap ng babaeng 'to.

Napatanga ako sa itsura niya. Naka-bra at maiksing short lang siya. Hindi ko alam kung baliw ba ito o tanga. Palagi na lang siyang naghuhubad sa harapan ko. Paano kung masama pala akong tao at gahasain ko siya bigla? Haay. Tapos kapag ako ang naghuhubad sa harapan niya nagagalit siya. Ang labo!

"Bakit ka naghubad? Isuot mo nga yan!" sigaw ko. Napahawak na lang ako sa sintido. Mapapadali yata ang buhay ko sa babaeng 'to.

"Ang labo mo! Sabi mo hubarin ko. Tapos ngayong hinubad ko sisigawan mo 'ko! Walangya naman, oh! Hirap mo kausap!" Ibinato niya sa'kin yung T-shirt at padabog na naglakad papasok sa kwarto. Napailing na lang ako.

---

"Nagluto nga pala ako ng tinolang manok. Kain na tayo," sabi niya pagkalabas niya ng kwarto na parang di kami nagsigawan kanina.

Kaya pala parang may naaamoy akong masarap. Akala ko ay guni guni ko lang 'yon.

"Ikaw na lang. Kumain na 'ko."

"Ipinagluto ka na nga tatanggi ka pa! Umupo ka diyan, kung ayaw mong gawin kong scrambled yang itlog mo." Itinulak niya 'ko paupo sa upuan.

Sabi ko nga, kakain ako. Tanggihan ko na ang lahat 'wag lang siya. Pambihira. Sa dami ng pwede kong maging kaibigan, bakit siya pa? Ano bang naisipan ko nung araw na nakipag-kaibigan ako sa kanya? Lasing ba 'ko nun?

Kahit busog ako ay kinain ko pa rin ang inihain niyang pagkain sa'kin. Mahal ko ang buhay ko at ayokong matapos 'to dahil lang tinanggihan ko ang luto niyang tinola.

Hindi ko maiwasang tignan siya habang kumakain kami. Nakataas ang isa niyang paa sa upuan at parang sarap na sarap siya sa kinakain niya. Sunod sunod ang ginagawa niyang pagsubo na parang isang linggo siyang hindi kumain. Kargador ata ang nahanap nitong trabaho.

"Saan ka nga pala galing? Bakit ginabi ka yata? Nambabae ka, noh?"

"Di, ah! Galing ako kila Insan," sagot ko. Saan naman kaya nito napulot ang idea na nambabae ako? Tuwing weekend ko lang yun ginagawa.

"Bakit? Pinatawag ka na naman ng asawa niya?"

Tumango ako. Ang hirap din pala ng napaglilihian. Ako yung kawawa, eh. Bigla na lang akong pinapapunta sa bahay nila kung kailan niya maisipan. Tapos ang gagawin niya lang naman ay kuritin ang kawawa kong pisngi at pagkalipas ng ilang minuto ay maiirita na siya sa'kin. Pambihira! Bakit hindi na lang yung asawa niya ang paglihian niya! Pasalamat siya mahal ko siya.

Midnight Confession [Revamping]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon