Nakangiti niya akong hinarap. "Wag ka ng makulit. Isang oras na lang ang meron tayo kaya mas matatagalan pa kung ikaw pa ang maglilinis. Isa pa, hindi mo naman kailangan na pagsilbihan ako."

"Eh sa gusto kong pagsilbihan ka e! May magagawa ka ba?"

"Wala. Kaya nga sinusuklian ko ang lahat ng ginagawa mo. May magagawa ka rin ba?" panggagaya niya sa akin.

"Oh siya sige, kung saan ka masaya."

Hindi ko na lang siya pinilit dahil mas matatagalan naman talaga kami at wala naman siyang balak magpaawat. Mabilis lang akong naglinis ng sarili dahil naligo naman na ako kanina. I am wearing a button-down shirt which is knotted at the bottom to create a croptop appearance, along with a long skirt featuring a slit. Sa loob naman ay suot ko na ang two-piece black bikini. Hapit na hapit sa katawan ko ang suot kaya mas lalong nakita ang hubog ng katawan ko. I put on perfume and wore the gold necklace that Adi gave me before with an infinite pendant. Nang matapos ay lumabas din ako agad.

Kumikinang ang mga matang tumayo si Adi mula sa pagkakaupo sa sofa. "You look fabulous," pagpuri niya sa akin.

"I know right. Kaya nga baliw na baliw ka sa 'kin," taas-noo kong turan.

"Hala bakit alam mo?" kunwaring gulat niyang tanong. Natawa naman kaming pareho dahil sa paraan ng pagkakasabi niya.

"Tara na nga. Mali-late pa tayo sa kalandian mo!" pigil ang ngiting saad ko. Mas lumapit siya sa akin at inikot ang braso sa bewang ko.

Umalis na kami ng condo. Dadaan muna kami sa apartment niya para magpalit siya ng isusuot niya.

As soon as he stepped out, I immediately sensed his manly scent. He solely dress in a white loose oversized button-up shirt and black cargo swim trunks. Nakabukas ang dalawang butones ng polo niya kaya nakikita ang bahagi ng dibdib nito. May suot din siyang shades na mas lalong nagpaguwapo sa kaniya.

"Pogi mo," puri ko sa kaniya.

Pigil naman siyang ngumiti. "I love you, baby." Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Pogi mo talaga. Ang swerte ko talaga," nakangiting turan ko.

"Baka lumaki ang ulo ko n'yan." Tumawa siya at mahinang kinurot ang ilong ko.

"Hindi naman lumalaki," pilosopong tugon ko.

"Yung sa baba kasi," sambit niya at humalakhak.

"Gago."

Natapos ang usapan namin at dumeretso na kami sa villa nila. Upon entering the gate, the garden and large pool can immediately be seen. It is a modern villa with minimalist designs and a pristine appearance.

"Pumasok muna tayo sa loob," saad ni Adi na sinuklian ko lang ng tango.

Habang papasok kami sa loob ay maraming bumabati sa kaniya. Unting batian at kamustahan lang naman ang nangyari.

"Nay Myrna, where's mom and dad?" tanong ni Adi.

"Nasa kusina sila. Inaayos pa ang ibang mga hindi pa nahahanda sa labas," sagot ni Aling Mryna, isa sa mga kasambahay. Malapit ang loob namin ni Adi sa kaniya.

"Good evening po." Lumapit ako at nagmano sa kaniya.

Mahina naman itong tumawa. "Pagpalain ka nawa."

"Punta ho muna kami kay nila mom," paalam ni Adi.

Tumango naman si Aling Myrna. "Happy birthday nga pala. Parang dati lang ay sinusuotan pa kita ng salawal," tumatawang aniya.

Natawa naman ako at tinignan ang nahihiyang ekspresyon ni Adi. "Nay! Nandito ang girlfriend ko. 'Wag niyo po ako ipahiya." Kumamot pa siya sa ulo at nahihiyang yumuko.

Broken Promises (Under Editing)Where stories live. Discover now