"What's happen?" I ask with confusion.

"Nasira po yung raketa niya," sagot ng kasama niya.

"Wala ka na bang ibang gagamitin?" Tanong ko at tanging iling lang ang isinagot niya.

"Here," I offered my racket, taka niya yung tiningnan pero hindi niya kinuha, may isa pa naman ako eh.

"Seryuso ka? Anong gagamitin mo?" Takang tanong niya sa akin.

"May isa pa ako doon, don't worry, kaysa naman ma-disqualified ka dahil wala kang raketa," kinuha ko yung kaliwang kamay niya at inilagay doon yung raketa ko. "Good luck." Naglakad na ako pabalik sa bench namin at kinuha yung isa kong raketa.

Hindi nakatakas sa pandinig ko ang ilang bulungan, may iba naman na pumalakpak pa at nag thank you sa akin. Nawala na rin ang kaba ko kanina, hindi ko na inisip kung matatalo ba ako o hindi ang mahalaga nag enjoy ako.

Napatingin ako kay Cian ng iikot niya sa kamay niya yung raketa at tumingin sa akin sabay malapad na ngumiti, nginitian ko din siya pabalik at kunwaring nanghahamon para kahit papaano ay challenging ang datingan.

"Lab all."

Nag start na ang laro, sa unang paghampas ni Cian ng shuttlecock ay agad namin yung nasalo, akala ko kapag nag smash ako ay hindi niya masasalo pero mali ako, dapat talaga hindi ko siya ena-underestimate lalo na ang kakayahan niya, isa nga pala siya sa mga best player ng badminton.

"One lab," napatingin ako sa score namin na angat ng dalawa kayla Cian, napangiti ako doon pero hindi pa rin dapat kami pakampante. Muling nagserve si Lexi at mabilis naman yung nasalo ng kasama ni Cian. "Service over, one lab." Napangisi si Cian ng sila na ang maka score.

"Two lab."

Ngayon naman ay angat na sila Cian, napangiti ako ng maabutan nila kami, kaso mahirap na namin silang maabutan dahil lamang na sila sa amin ng anim na score.

"Kaya pa?" Natatawa kong tanong kay Lexi.

"Kakayanin," natatawa niyang sagot. Wala na kaming pakialam pareho kung matalo, ang mahalaga nag-enjoy kami sa laro.

Nang matapos ang laro namin ay alam na kaagad namin na sila Cian ang mananalo kaya malapad niya akong nginitian. Napabuntong hininga ako ng masalubong namin ang matalim na tingin ni Coach.

"Sorry po," paumanhin ko. Bigla namang napalitan ng masayang mukha ang kaninang galit niyang itsura.

"I'm proud for the both of you, bawi tayo next time," tinapik niya ang balikat namin ni Lexi kaya nagkatinginan kami.

"Hindi siya galit?" Bulong sa akin ni Lexi, kibit balikat lang ang isinagot ko sa kaniya kase hindi ko din alam kung bakit hindi siya nagalit.

Bumalik ako sa dressing room at uminom ng tubig, ngayon naman ang nakasalang ay sila Tristan na single player, pero double din sila ni Lexi kaya bahala na siya. Habang umiinom ng tubig ay naramdaman kong may pumasok sa dressing room kaya mabilis ko yung tiningnan.

"What do you want?" Inis kong tanong kahit hindi ko pa man kilala kung sino ang pumasok. Mabuti na lang hindi pa ako nakakapagbihis.

"P-Pamie?" Tuluyan na akong napalingon ng marinig ang familiar na boses na yun.

"Anong kailangan mo at nandito ka?" Inis kong tanong kay Lea.

"G-Gusto lang sana kitang e-congratulate-"

"I don't need that, get out," tinuro ko pa yung pintuan na hindi pa siya nakakapasok ng buo, tanging kalahati lang ng ulo niya ang naipasok niya.

"G-Gusto k-ko l-lang-"

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Where stories live. Discover now