sixteen

31 23 0
                                    

Ilang buwan na kaming gumagawa ng Thesis namin. So far okay nakakausap ko naman si Cali. Nakakagawa rin naman siya ng mga parts niya, kaya lang marami talagang kailangan baguhin at irevise.

"Cali, pwedeng paulit nito?" Tinuro ko ang part na puro mali ang grammar.

"Ha? Bakit nanaman?"

"Mali grammar, Cali. If you want you can use Grammarly para mas mapadali."

"Kung kaya mo naman pala irevise mag-isa, edi sige. Ikaw na lang." She laughed. "Kaya mo na 'yan!"

Kaya naman, imbis na makipag-away, ako na lang ang gumawa. Grades ko rin naman 'to, kaya dapat pagbigyan ko na lang muna si Cali. May isang chapter pa naman para sa mga kailangan namin gawin.

Binasa ko muna ulit ang buong chapter hanggang sa napag-isipan ko na ipacheck na kay Ma'am kung tama ba ang ginawa namin. O tama ba ang ginawa ko?

"Cali, pwedeng ikaw naman magpacheck kay Ma'am nito? Ako naman na nag-revise at nag-proofread." Akala ko tatanggi siya, pero hindi. Agaran siyang tumayo at dinala ang laptop kay Ma'am. Sa nakikita ko kay Ma'am mukhang okay naman ang ginawa namin. Kasi halos buong basa ni Ma'am ay naka-ngiti lang siya.

"Ayos raw lahat. Galing daw natin." She laughed. "Galing mo. Kaya sabi ko sayo, kaya mo na 'yan eh." She laughed again. This time, an evil one.

"Cali, I also need your help on this one, lalo na juniors na tayo. Kailangan na natin magseryoso." I smiled.

"Dami mong ebas. Makalabas na nga." Napabuntong hinga na lang ako. Narealize ko na hanggang sa college, may pabigat pa rin talaga. Akala ko hanggang high school na lang 'yun. Pero wala eh. Ganun talaga.

Nang makauwi sa dorm ay tumawag lang ako kay Tatay. "Hello?"

"Hi Tay! Kumusta kayo diyan?" I asked.

"Okay lang ako 'nak. Ikaw ba? Kumusta pag-aaral mo? Tapos na ba thesis mo? May kinakain ka pa ba diyan?" Sunod-sunod na tanong ni Tatay.

"Okay pa naman ako Tay. Yung thesis ko konting push na lang. Syempre may kinakain pa naman ako dito Tay. Hindi ko naman pabayaan sarili ko dito. Sana kayo rin po."

"Hindi rin naman nak. Oh...Sige na...Mukhang nasamid... pa ata ako." He paused. "Love you nak!"

"Tay? Inuubo ka ba? Uminom ka agad ng gamot, pacheck ka sa doctor! Kung hindi uuwi ako diyan!" I laughed.

"Bakit kailangan pa magpa-doctor, nak? Okay... naman ako... Sige... Aral mabu-" He coughed. "ti. Love you nak."

"Love you too, Tay!" The phone call ended. I hope tatay is okay there. He seems not, but I hope he's okay there. Should I go home and check him out? Kumakain pa ba si Tatay ng maayos? Umiinom pa ba siya ng maintenance niya? Maybe I should go home and take care of him this weekend. Thesis can wait.

I woke up around 7:00 PM when my phone beeped. It's an Email from UST Faculty of Arts and Letters.

Dear Mr./Ms. Santos,

On behalf of the Dean of the Faculty of Arts and Letters, we honor you this certificate for your outstanding performance in academics for the 2nd term of Academic Year 2022-2023.

Congratulations!


Attached below is a certificate of Dean's Lister. I made it again! I thought I couldn't do it anymore, but I made it. I survived the first sem! Well, I guess two more certificates to go and I'm off to latin honors. Hopefully, I can do it. Nag-promise ako kay Tatay noon na aakyat siya sa stage kapag grumaduate ako.


Afternoons in DapitanWhere stories live. Discover now