eight

47 32 0
                                    

"Miss Santos." Sir Ramos called me. "Answer this."


I went to the board and answered the given equation. I didn't know if I did it right, but I just based it on Nico's teachings.


"You're correct." He smiled. "So class this is the answer to where we get the z-score on your z-table. Do you get it?"


Everyone answered "yes," but I know that some of them don't get it, just like my seatmate, Pipa.


"Teh! Paano daw?" I taught her what Nico taught me. "Woah. Mas madali 'yun ha? Sino ba'ng nagtuturo sayo?"


"Manliligaw ko." I smiled.


"Ganda naman talaga si Laura at matalino pa! Sinong hindi magkakagusto diyan?" Noreen said.


"Oo nga! 'Yun ba 'yung tiga commerce?"


Agaran akong napa-iling. "Naku! Si Royce? Hindi, kaibigan ko lang 'yun! Ang nanliligaw sakin yung kaibigan niya."


"Ah. Sakit naman for Royce." Biglaang sabi ni Gia, isa rin sa mga kaibigan ni Pipa.


"Bakit naman?" Nag-tatakang tanong ko.


"Hindi ba type ka nun? Halata naman eh!" Pipa spat.


"Hindi nga. Friends lang kami."


"Osya sige. Anong course 'yung manliligaw mo at mukhang mamaw sa Stats?"


"Civil Engineering, ADMU."


"Ang shala naman."


Minsan talaga napapa-overthink ako kung magugustuhan ba ako ng magulang ni Nico. Tuwing nakikita ko kasi sa mga pictures, mukha silang matataray at strikto. Pero ayon sa sabi ni Royce, mabait naman daw sila kaya wala akong dapat ipag alala.


Nicolas Amancio Beltran:

otw

Laura Santos:

ingat


Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng ititinda ko mamayang 4:00 PM. Buti na lang at hindi masyadong marami ang gawain ngayon.


"Ate isang fishball."


"Miss, can I have one?" Nagulat ako nang biglang tumabi sa akin si Nico.


"Ang bilis mo naman?"


"Excited to see you."


I just smiled and gave him the fishball.


"Laura!"


"Stacy!"


"Isa nga. Kasama mo pa jowa mo dito ha." Natatawa niyang sabi.


Binigay ko sa kanya ang fishball at nagkwentuhan pa kami ng saglit. "Wala kang benta ngayon?"


"Wala. Naubos na ingredients eh." Napatango na lang ako. Tumingin siya sa phone niya at sinabing aalis na siya.


Pagkatapos ng ilang minuto, naubos na ang paninda ko. Napag-desisyonan namin na iuwi muna sa dorm ang mga gamit bago kami kumain sa labas.


"That's how you work?" I nodded. "It is very admirable!"


"Thank you. Next time sa kumpanya na ako magtratrabaho."


"For sure." Nagulat ako ng napatigil siya sa paglalakad. "M-mom?"


Afternoons in DapitanWhere stories live. Discover now