Swerte rin dahil kaagad akong nakahanap ng trabaho kahit part-time lang. Sumakto rin ang naging schedule ko sa paaralan kaya kinuha ko na kaagad ang oportunidad.

"Kakayanin ko 'to para sa pamilya ko." sagot ko. "Isang buwan na lang din naman at gagraduate na ako. Tinatapos ko lang itong thesis at itong OJT ko."

"Oo nga pala. Papano kapag nag OJT ka na? Aalis ka na rito?"

"Hindi. Alam naman ng Professor namin ang sitwasyon ko, kaya ang sabi niya, ito na raw ang pinaka OJT ko."

"Oh, nice. Edi hindi ka na mahihirapan."

"Oo nga-" naputol ang pag-uusap namin ni Maris nang biglang sumulpot sa harapan namin si Limuel.

"Mga bakla! Alam niyo na ba ang chismis??" hingal na tanong nito.

"Ano nanaman 'yan bakla ka? Ang aga aga chismis talaga ang inatupag mo." ani Maris.

"Ano ba kasi 'yon at hingal na hingal ka?" tanong ko.

"Alam niyo ba-"

"Ano nga?!" Maris.

"Eto na nga sasabihin ko na! Hmp." ani Limuel na napahalukipkip na lang dahil sa inis kay Maris. "Alam niyo ba na bago na ang CEO natin??" bigla naman akong napalingon nang sabihin ito ni Limuel.

"What?!" maging si Maris ay nagulat din.

"Bakit si Mr. Li?"

"Yun na nga ang pinaka tampok sa balita!" mas lalo itong lumapit at may ibinulong saamin na lalo naming ikinagulat. "Kaya pala hindi nagtatally sa finance department ang lahat ng in and out expenses dahil ang bali-balita, kinukuha raw ni Mr. Li. At may ginagamit siyang tauhan dito sa loob para hindi siya mahirapan." naiwan na nakaawang ang bibig namin ni Maris dahil sa ibinalita ni Limuel. Hindi ko akalain na ang isa palang masungit at estriktong CEO ay may tinatagong baho.

Ang alam ko kasi, ang kumpanyang ito ay pagmamay-ari nang isang kilalang tao dito sa Pilipinas. Noong malapit ng malugi ang kumpangyang ito ay si Si Mr. Li ang pinagkatiwalaan na maging CEO dahil sa angkin nitong talino sa paghandle ng business. Siya rin ay matalik na kaibigan nang may-ari ng kumpanya.

"Kaya pala palaging bago ang mga gamit niya." dagdag pa ni Limuel.

"Guys, sa conference room daw. ASAP." tawag ni Jofer. Isa sa officemate namin.

Wala ng tanong tanong ay sumunod kami kaagad.

Ano kaya ang pag-uusapan? Ipapakilala na kaya kaagad ang magiging bagong CEO?

Yan ang mga tanong na paulit ulit na pumapasok sa isip ko habang naglalakad patungo sa conference room.

Nang makarating na kami ay kaagad kaming pumasok. Nakayuko lamang ako nang bigla akong kurutin sa tagiliran ni Limuel.

"Aray, ano ba?" inis na sambit ko dito.

"Ang pogiii.." impit na sambit nito dahil sa kilig. "Siya ba ang bagong CEO? In fairness, ang gwapo ha." dagdag pa nito.

Dahil sa kuryosidad, nilingon ko ito. Nakayuko ito habang may pilit na kinukuha sa kaniyang dalang bag. Nang makuha na nito ang kaniyang hinahanap ay dahan dahan itong humarap saamin.

"Good morning." bati nito.

Biglang nanlaki ang mata ko nang magtama ang paningin naming dalawa. Nakaramdam ako ng hiya at nginig nang mapagtanto na halos ilang segundo na itong nakatitig saakin.

"I'm Ferdinand Alexander Marcos but you can call me Sir Sandro, your new CEO from now on." pagpapakilala niya habang nakatitig pa rin saakin. Napayuko na lamang ako dahil ramdam ko ang titig ng mga katrabaho ko. "I am hoping na maging maayos ang pagsasama natin dito sa opisina. Maybe we don't know each other yet, but, I promise you guys, I'll do my best to be the best CEO you'll ever have." pagpapatuloy nito.

"OMG! Anak siya ng may ari nitong kumpanya?!" kaagad akong napalingon kay Sara nang sabihin niya ito. "Ang alam ko kasi, Marcos ang may ari nitong kumpanya."

"I-Ibig sabihin, m-mayaman siya??" pabulong na tanong ko rito.

"Oo girl. Hindi lang mayaman, super yaman! Ang alam ko, bilyonaryo sila." ani Sara. Kaagad naman akong napahawak ng mahigpit sa dala dala kong folder.




------

"Hoy, Ava. Ikaw ha.." taka ko namang nilingon si Limuel. Kababalik lang namin sa aming department, habang si Limuel naman ay patuloy na nangungulit dahil sa bago naming CEO.

"B-Bakit?"

"Anong bakit?? Pansin ko yung mga titig sayo ni Sir ha." ngumiti ito na parang nang-aasar.

"H-Ha? A-Anong pinagsasasabi mo dyan?"

"Asus, alam ko ang mga tingin na 'yon."

"Tigilan mo na nga si Ava. Magtrabaho ka na at nasasayang na ang araw mo." ani Maris.

Mabuti na lamang sumunod si Limuel kay Maris. Dahil natahimik na sila, nag umpisa na rin akong magtrabaho. Kailangan kong matapos ang ilan sa mga report ko dito sa office para makapag focus ako sa gagawin kong final defense. Dalawang buwan na lang kasi ay gagraduate na ako sa Architecture.

Habang abala ang lahat, biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang bago naming CEO. Napahawak ako ng mahigpit sa hawak kong ballpen. Pilit na iniiwas ko ang aking tingin.

"Good morning, Sir." bati ng lahat, maliban sakin na nakayuko lang.

"Good morning. So, this is the Architecture Department." sambit nito. "Mr. Velasco, pwede mo ba akong bigyan ng copy ng resume ng mga nandito sa department na 'to?" napalingon naman kami bigla kay Limuel na ngayon ay namumula. Tsk! Kahit kailan talaga. Basta umiral ang kabaklaan.

"Y-Yes, Sir." kaagad itong tumayo at kinuha ang isang folder. Pagkatapos ay ibinigay ito sa bagong CEO.




------

Alas kwatro na ng hapon. Iginayak ko na ang aking mga gamit dahil may online class pa ako ng alas sais ng hapon.

"Uwi ka na?" tanong ni Maris.

"Oo, may online class pa kasi ako mamayang 6."

"Sayang naman, nagyaya pa naman si Sir Sandro." ani Limuel.

"Nagyaya saan?" Sara.

"Diyan sa malapit na resto. Treat niya raw."

"Sama ka na Ava. Malapit lang naman." aya ni Maris.

"Pass muna. Sa sunod na lang siguro. Bye guys." paalis na sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.


"Ms. Martinez, come to my office."


--------

Invisible String (Ongoing)Where stories live. Discover now