CHAPTER 8

10 10 0
                                    


Joshuyo


"HOW does it look? Maganda ba?"

Natutuwang tanong ni tita habang nakatingin sa sandalyas na suot niya.

Binaba ko muna ang hawak kong kape sa mesa saka nakangiting nag thumb up kay tita.

"Tita bagay na bagay po"
I honestly said.
Mas lalong lumiwanag ang mukha niya at nagpalakad-lakad pa para makita kung bagay nga ba talaga sa kaniya.

"Talagang natutuwa ako na binili mo ko nito pero sana naman Ija...."
Tita worriedly looked at me. .
Napaayos ako ng upo.

"Sana naman sa susunod ay sarili mo naman ang bilhan mo. Binigyan kita ng pera para gamitin mo sa sarili mo hindi para gamitin sa iba"

"Hindi naman po kayo iba tita"

Nakanguso kong sagot.

Matagal siyang napatitig sa' kin ng seryuso hanggang sa napabuntong hininga na lamang siya.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin ija. Masyado kang giver. Walang masamang magbigay, pero hindi rin masama na maghangad ng para lamang sa sarili"
Seryuso niyang sabi sabay kuha ng handbag niya na nakapatong sa upuan at sinabit ito sa balikat niya.

"Oh siya aalis na' ko. Baka gabihin na' ko ng uwi. Magluto ka nalang diyan"
Paalam niya bago umalis para pumasok sa trabaho.

Muli akong sumimsim ng kape without realizing na wala na itong laman.
Mahaba akong napabuntong hininga saka tamad na tumayo at tinungo ang lababo para hugasan ang baso.

What tita said bother me. Hindi malayo sa nais ipahiwatig ni Shun nung magkita kami sa welcome kahapon.

I didn't realize it myself not until someone had to say that to my face. .

Matapos kong hugasan ang baso along with the other utensils na nakatambak sa lababo ay nagbihis na' ko. Nagsuot lang ako ng V-neck shirt at maong pants at rubber shoes.  nilugay ko lang ang mahaba kong buhok saka naglagay ng pulbo at liptint.

Sa municipal gym gaganapin ang intrams kaya no need na mag uniform. Pagdating ko dun ay marami ng tao kahit alauna palang dahil alastres naman magsisimula yun. Tama lang talaga na nagpaaga ako dahil baka magkaubusan ng upuan.

Hinanap ko na agad kung saan nakapuwesto yung mga classmate ko. Naglibot-libot ako sa paikot ng gym hanggang sa makarating ako sa dulo, malapit sa stage. I found two of my classmate na sina Serif and cheska. Yun dalawang nang-asar sa' kin nung napahiya ako sa klase.

Mukhang silang dalawa palang na classmate ko ang nandito sa gym o baka hindi ko lang mahagilap yung iba. Sandra must be busy preparing for their dance kaya talagang Im all alone today.

Imbes na lumapit sa kanila ay naghanap nalang ako ng bakanteng upuan. Thankfully ay nakahanap ako ng magandang puwesto sa pinakataas sa kaliwang side kung saan kitang-kita ang stage.

Nakatitig lang ako sa kawalan for almost 1 hr hanggang sa unti-unti ay napupuno na yung gym at unti-unti ay sumasakit na ang puwetan ko, unti-unti rin ay nawawalan na' ko ng ganang manood. Dapat siguro ay hindi ako nagpaagang pumunta rito. May isang oras pa and I'm starting to get bored. Since wala akong masyadong ginagawa kundi ang umupo at tumitig sa kawalan unlike other who sitting beside their bestfriend and classmate na nakakausap at nakakakwentuhan nila and as for me I'm all alone sitting on the chair with no one to talk to. How lonely it can be. Hindi ko naisip yun. Kung hindi lang para kay Sandra ay hindi ako pupunta rito.

"Joshuyo?"

Nabalik ako sa reyalidad nang may nagsalita sa tabi ko.

Gulat akong napalingon and at some point ay nakarandam ako ng tuwa nang makita siya.

COLORFUL LOVE (Season #1)Where stories live. Discover now