"Dito nalang ako. Malapit na ito sa bahay namin. Tatakbuhin ko nalang"

Agad na' kong nagpaalam nang makarating kami sa street ng bahay ko.

"I can walk you on your–"

"Hindi na! Bye!!!"
Paalam ko saka ginawang pamandong ang dala-dalang plastic at tumakbo.

Basang-basa ako nang makarating ako sa bahay.

"Ay juskong bata ka! Sana ay nagtrycicle ka nalang, basang-basa ka!"
Nag-aalalang ani ni tita nang makita akong basa. Nilapag ko sa upuan yung mga bitbit ko kasabay nun ay tinabunan ako ni tita ng tuwalya sa ulo.

"Yan! Magpunas ka"

"Opo"

Nilabas ko yung wallet ko at inabot kay tita yung barya.

"Eto na po yung barya"

"Sayo na yan"
Inurong niya paatras yung kamay kong may pera bilang pagtanggi.

"Po– pero–"

"Sege na, magpunas ka, magpalit at baka magkasakit ka"
Bilin niya pa bago kinuha yung mga pinamili ko sa upuan at pumasok ng kusina.

Matagal na napako ang paningin ko sa pintong pinasukan niya bago bumaba ang tingin ko sa perang hawak ko. 658 pesos, medyo malaki Ito at ngayon lang ako magkakaroon ng pera na ganto kalaki.

Nakakahiyang tumanggap ng pera kay tita lalo na't nakikitira lang ako sa bahay niya. Sapat na sa' kin na meron akong bahay na mauuwian. Wala na' kong mahihiling pa at isa pa, may sapat pa' kong pera na inipon ko mula sa baon. Hindi ko alam kung saan ko gagastusin yung pera.
Hindi ko alam kung bakit big deal sa akin yung ganitong bagay. Siguro ay dahil wala lang talaga kong bagay na gustong makuha.

Umakyat na' ko sa kuwarto at nagbihis saka pinunasan ang basa kong buhok. Habang nagpupunas ay umupo ako sa sofa at kinuha yung librong nakapatong dun. 

I tried to read the first page. Kahit na nabasa ko na ay pinilit ko paring basahin ulit at muling intindihin ang kuwentong iyon. I tried to read it all over again dahil walang salitang pumapasok sa utak ko. Wala kong maintindihan hanggang sa ilipat ko nalang iyon sa kabilang page at nang nagbabasa na' ko I was struck by a sudden realization.

What the hell am I doing? 
Why am I acting like I feel hurt for some reason?
I feel hurt and yet trying to act that it doesn't bother me at all.

Inis kong sinara ang libro at mahinang hinagis iyon sa sofa saka tumayo. .

Matutulog nalang ako.

"My name is Chanaiah Mae D Alonzo, hope to get along with you all"
Pagpapakilala ng bagong transferring babae sa harap. Nabitawan ko ang hawak kong ballpen habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya.

I have a wavy hair style while she has a two braid style.
Maputi ako but she has a smooth skin and kinda short and has a cheerful personality yet we're kinda look a like. It must be because of our eyes and the shape of our face.

Kahit na yung iba kong mga classmate ay ganun din ang iniisip dahil naririnig ko ang mga bulungan nila na nagsasabing magkamukha kami.

"You can seat on the back"
Sabi ni ma'am. Naglakad na si Chanaiah patungo sa upuan niya sa likod. Habang palapit samin at bago siya makalapit sa upuan namin ay narinig kong bumulong siya. 

"It's nice seeing you again"

Nasundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa upuan niya na nakapantay lang din ng upuan namin na may isang hakbang ang pagitan.
Kanino niya sinabi yun?
Sinulyapan ko si King na kanina pa nakatingin kay Chanaiah.
He didn't even bat an eye. Seryusong-seryuso ang mga mata niyang nakatingin sa babaeng yun.

COLORFUL LOVE (Season #1)Where stories live. Discover now